Kinumot ko ang papel at itinago 'yon sa aking bulsa. Ayaw kong makita nila ang nakalagay doon, baka pagsabihan pa nila akong freak at ayaw kong mangyari 'yo.
"This looks like a riddle! Putukin niyo na ang lahat ng balloon na makita ninyo at hanapin ninyo kung kanino ba 'yon!" Klare said.
Kakaputok lang niya ng balloon at hindi ko alam kung kanino ba ang nasa kanya. Nilapitan ko siya para silipin ang nakalagay doon, gusto kong malaman kung sino 'yon.
"She who possesses tall figure
And behavior that you can't figure
She's always fussy
That makes her look less classy
Prepare for landing, please."
'Yong last ay hindi rin rhyme pero hindi 'yon importante. Nang mabasa ko ang nakalagay sa papel agad akong napatingin kay Nana. Kahit hindi lang siya ang matangkad dito pero sa ugali niya kasi ako nagbase at sa nakalagay sa last part ng sulat. Ibinulong ko kay Klare na si Nana ang may-ari ng papel na 'yon kaya ibinigay naman ni Klare kay Nana 'to.
"Omg! Alam niyang flight attendant ako. Look at this, nakalagay sa baba na prepare for landing, please and it was also written in red ink!" Sabi niya while scrunching her nose.
"We should work together. Hindi maganda na maging selfish tayo. Sagutan natin ang mga nakalagay sa papel at ibigay 'yon sa may-ari." Sabi naman ni Brandon. He gently popped the balloon at kinuha ang papel doon.
Tumango sila at kumuha ang mga balloon na malapit sa kanila. Pinutok din nila 'yon at binasa ang mayroon doon. Ilang oras din ang lumipas bago pa namin natapos ang paghahanap.
Teamwork. Kung siguro ay matagal na naming ginawa ang teamwork na 'to, makakalabas talaga kami. Ito lang ang paraan para makalabas kami.
"Tapos na ang lahat. W-Wait! Kay Veronica pa pala. Asan?" Tanong ni Charles at tiningnan pa ako. Hindi nila nakita ang akin kasi paano ba naman nila makikita eh tinago ko.
"Already found mine." Mahinang sabi ko at tumingin din sa malayo. I can feel them seriously staring at me. Baka pinagdududahan naman nila ako.
Umupo na kami dahil sa pagod na rin. Pagkatapos naming inattempt na buksan ang pinto, may ginawa ulit kami at 'yon ang paghahanap ng mga papel na nasa loob ng balloon.
Tumunog ulit ang speaker at narinig naman namin ang robotic voice. If this is a nightmare then please wake me up! Hindi ko na kaya 'to, marami na akong napagdaanan sa buhay pero hindi pa rin talaga ako masasanay.
"Very good! Challenge 1 is already done. Hintayin niyo bukas at may bagong pasabog naman ako." At gaya ng mga message niya, natapos din 'yon.
Bumuntong hininga si Nana at ginulo pa niya ang kanyang buhok. I stared at her, lahat kami ay pagod na at gusto ng matapos ang lahat nito.
"Teamwork! Kung kaya nating gawin 'yon gaya ng kanina ay makakalabas tayo. Magtulungan tayo na buksan ang pinto." Sabi ni Ford at tumayo para ipakita saamin ang pinto.
"Matagal na nating ginawa 'yon. How dumb can you be?" Inis na sabi ni Nana. Halata na rin ang pagod sa kanyang mukha.
"I am not dumb. Gusto ko lang makaalis dito and if you want to stay here then be it! Gagawa ako ng paraan para makaalis dito, whatever it takes."
Nagulat kaming lahat nang may kinuha siyang upuan. Ang akala ko ay itatapon niya 'yon kay Nana para manahimik ito pero itinapon niya ito sa pinto. He even tried to push the door as hard as he can.
"Tama na 'yan, stupid! Hindi mo 'yan mabubuksan." Inirapan pa siya ni Nana.
"I'll prove it to you." Sabi pa ni Ford. Matalim niyang tiningnan si Nana bago bumalik ang tingin sa pinto.
All of a sudden, may nakita naman ako na mamamatay ngayong araw na 'to. Napatingin ako kay Ford. Isang lalaki ang mamamatay dahil may babaril sa kanya ng ilang beses.
Sinipa pa niya ang pinto. He is really persistent. Gusto niya talagang makaalis sa lugar na ito at gusto rin niyang ipakita kay Nana na mali siya sa inaakala niya,
"Tama na nga 'yan!—" Naputol ni Nana ang kanyang sinabi nang biglang bumukas ang pinto. We were all shocked, halos mapatayo na nga kami sa kinauupuan namin eh.
"I told you! I will prove it to you! Tingnan mo nga ang ginawa ko, nabuksan ko ang pinto!" Tumawa pa ito.
Lumabas siya at isinirado bigla ang pinto. "Hindi rin kayo makakalabas dito! Mga tanga!"
Napasinghap kami dahil sa nangyari. Makakalabas na sana kami pero dahil sa pagiging sakim niya, wala na. We will be forever trapped in here.
"Sa tingin niyo ba ay makakalabas siya? Think again." Narinig naman namin ulit ang robotic voice. Gaya ng nangyari kanina, bumukas din ang pinto at nakita namin si Ford na may tama ng baril sa kanyang dibdib at sa iba rin niyang katawan.
Paika-ika itong naglalakad palapit saamin at dahil mahina na rin ang kanyang katawan dahil sa mga tama ng baril na kanyang natamo, napasubsob na lang siya sa lapag.
"Someone help him!" Sabi ni Xenon sabay lapit kay Ford. Nilapitan rin namin si Ford na nakahiga na rin ngayon sa lapag. Naliligo na siya sa sarili niyang dugo.
"The hell? Gusto ba talaga niya tayong mamatay? Ayaw ko na rin dito! Gusto ko na ring umalis." Sabi ni Jerome and he even let out a sigh.
"Kung gusto mong umalis, mas gusto kong umalis! Marami akong naiwan na mga trabaho at nang dahil sa reunion na 'to, mawawala na lang bigla. Gusto ko pang mabuhay!" Natatakot na sabi ni Yanzee.
"I am a celebrity, marami akong naiwan na mga gigs at ang mga fans ko! Naghihintay din sila!" Xenon exclaimed. Lahat sila ay sinasabi ang mga frustrations nila.
"May naiwan akong restaurant! Mas importante 'yon kaysa sa gig mo!" Sabi rin ni Arkyn.
They are all helpless. No, let me rephrase that. We are all helpless. Wala kaming mahihingian ng tulong at kami lang nga ang naiwan dito pero nagbabangayan din naman.
Ngumiwi ako nang marinig naman namin ang robotic voice. Kung sino man talaga siya, magpakita na siya.
"Gusto niyo talagang makaalis sa lugar na 'to pero walang makakalabas dito. Oh! I mean makakalabas kayo pero patay nga lang. If you love your life and if you want to go out then play along."

BINABASA MO ANG
She Who Can See Death
Mystery / ThrillerOne incident made Veronica Fernandez have the ability to see death. Because of that, they transferred to another place so that they can start another life. Veronica thought that she already moved on from the incident that changed her life until she...