Chapter 12

16 1 1
                                    

Hindi na kami makagalaw dahil sa nangyari. Halos wala na na kaming imik at ang isip naman namin ay lumilipad kung saan. The thought of being killed made me shiver.


Ayaw kong mamatay. Marami pa akong gustong gawin sa buhay at aalagaan ko pa si Mami. Si Mami lang ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon.



"Sa tingin niyo ba seryoso talaga siya na papatayin niya tayo?" Mahinang tanong ni Klare, nakatingin pa rin sa malayo.


"Pinatay na nga niya si Ford. Paano pa kaya tayo? Basta ayaw kong mamatay. Hindi ko gusto na mangyari 'yun." Sabi naman ni Yanzee.


Napatingin kami kay Charles na bigla na lang tumayo. Nanlilisik na mata na tiningnan niya si Nana kaya napatayo rin ito.

"Kasalanan naman kasi ni Nana 'yun! Kung hindi niya lang sinabihan si Ford, hindi siya mamamatay."


"Why is it my fault? Hindi ko naman kasalanan na baliw siya para lang itulak ang pinto! Akala niya siguro siya si Hulk, akala niya malakas siya!" Her nose scrunched because of annoyance.


"Patay na siya tapos pinagsasabihan mo pa siya ng ganyan. Anong klaseng tao ka?"


"Magandang tao." Itinaas ni Nana ang kanyang kamay sabay pakita nun kay Charles. "Talk to my hand. Wala akong pakialam sayo." Dugtong niya.



Napaupo na lang si Charles dahil sa inis. Pakiramdam ko kapag mas lalong nainis 'tong si Charles, baka pagbuhatan na niya ng kamay si Nana.


May ugali talagang ganyan si Nana. 'Yung tipong kahit wala pang ginagawa, naiinis ka na. Maarte rin kasi siya at walang pakialam sa iba kaya nga marami siyang nagiging kalaban.


Hays. Gusto ko ng makaalis sa lugar na 'to kaya susunduin ko ang lahat ng sasabihin ng robotic voice. If going out means playing along, gagawin ko 'yun.


Ang hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ginagawa niya ito saamin. Ano ang naging kasalanan namin para lang tratuhin kami ng ganito?


"Are you alright?" Nagulat ako nang itanong saakin ni Brandon 'yun. He was seriously staring at me na parang ako lang 'yung kasama niya ngayon.


No one ever asked me that question before. Ang akala siguro nila ay matapang ako at hindi ako naapektuhan sa nangyayari saakin.


"O-okay lang." I lied. I was not okay. Sa katunayan nga natatakot na ako ngayon at nanghihina na rin.


Alam kong hindi nila alam na may kakayahan akong makita kung paano mamamatay ang isang tao. Hindi ko kayang sabihin 'yun sa kanila dahil baka nga pagtawanan pa nila ako at layuan pero alam kong may alas ako sa nangyayari ngayon.


"You are not okay. Kung gusto mo, matulog ka na lang at babantayan kita. I will never leave you, Nica." Seryoso pa rin na sabi niya.


Ayaw kong matulog ngayon dahil baka may mangyari naman. Hindi rin ako makatulog sa kakaisip kung ano ba ang next challenge.


"Matulog ka na. Okay lang naman ako." Sabi ko sa kanya sabay tingin sa kanyang mga mata.


Hindi ako natulog kaya nagkaroon ako ng eye-bags at medyo namumula rin ang aking mata. Sino ba kasi ang makakatulog sa lugar na 'to? Malay mo bigla na lang kumilos ang tao na 'yun at patayin kami isa-isa.


"Paubos na ang pagkain natin. Ang iba naman ay hindi na pwedeng kainin." Rinig kong sabi ni Klare.


Siya ang nag-asikaso ng party at ang mga makakain namin. Marami 'yun dati pero ngayon paubos na. Hindi ko alam kung ilang araw na ba akong hindi nakakain at ilang araw na ba kaming nandito.


"I need to eat!" Singhal ni Xenon. Hindi naman namin siyang tinanong pero bigla na lang siyang nagsalita.


Siya pala ang nakaubos ng mga pagkain. Hindi lang namin napapansin. Naging busy kami dahil sa kakaisip ng paraan para makaalis dito, hindi na nga kami kumakain eh.


"Pwede bang magbigay ka rin? Nangangayat na kaming lahat dito tapos puro inom lang kami ng tubig! Sumasakit na nga ang tiyan namin eh." Sabi ni Jerome sa kanya.


Dahil sa gutom ay kumuha na kami ng pagkain sa lamesa. Aaminin kong sumasakit din ang tiyan ko nitong mga nakaraang araw, hindi ko na 'yun iniisip dahil sa nangyayari ngayon.


Pagkatapos naming kumain, umupo na kami sa kanya-kanyang upuan. Just like what we expected, narinig naman namin ang robotic voice. My hands were shivering under the table dahil na rin sa takot.



Hindi ko alam kung sino o ano man siya pero alam niya ang kakayahan ko. Wala akong ibang napagsabihan nun, si mami at papi lang. Kaya nga nagtataka ako dahil alam niya, base doon sa nakalagay sa papel.



"Challenge 2: Hide and Seek. Kapag nakita kayo, mamamatay kayo. Galingan niyo kung gusto niyo pang mabuhay. Xenon, ikaw ang taya. Magbilang ka na hanggang sampo at magsisimula na ang laro."


Nakita ko kung paano ngumiwi si Nana. Alam ko ang iniisip niya, siya ang itatarget ni Xenon kaya dapat ayusin niya.



Kumuyom ang kamao ni Xenon at pumunta na sa isang lugar na kung saan siya magbibilang. This game should be fun pero bakit iba na ngayon? Natatakot na kami dahil sa laro na ito.


"Pagbilang ko ng sampo, nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo.."


Hinatak ako ni Brandon at hinila kung saan. Pumunta kami sa isang lugar na kung saan hindi ko rin napupuntahan. Hindi ko alam na may banyo pala dito! Ilang araw na akong walang ligo dahil akala ko walang banyo sa lugar na 'to!


The comfort room was spacious. Merong mga kabinet doon kaya nga nagtataka ako kung bakit merong ganoon.


"I've been here. Hindi na gumagana ang faucet at ang ibang mga bagay na nandito." Sabi ni Brandon.


Hinila niya ako ulit at ipinasok sa loob ng kabinet. Hindi gaanong kalaki ang kabinet na 'to kaya halos maglapat na ang aming mukha at katawan ni Brandon.


Nakatingin ako ngayon sa kanya at hindi na rin nagsalita. My mouth fell when I saw someone's death. May mamamatay ngayon. Makikita siya ngayon ni Xenon sa ibaba ng lamesa.


Thinking of it makes my stomach churn.


"Are you okay?.."


"Umalis na tayo. Lumabas na tayo. May mamamatay ngayon, alam ko 'yun." Biglang sabi ko kay Brandon.


Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay, "We will not go out. Ayaw kong makita kang mamatay. I will never allow it."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Who Can See DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon