kabanata 11

332 36 6
                                    

Hindi ko mapigilang mapangiti namg makita ko si Hans na nagsuot ng mask bago bumaba sa sasakyan.

"San ka naman pupunta?" I chuckles. "Cartoon character pa talaga yung napili mong design ah."

He rolled his eyes and even he's wearing a mask I can sense the smile on his lips.

Muli nyang inayos ang mask nya bago tumingin sa likod. Kaya napatingin din ako dun. Doon ko lang napagtanto ang patong-paatong na paper bags.

"Help me to give those." Malumanay na saad nya.

"Kanino naman?" Kunot noong saad ko. Pasimple kong nilingon ang paligid.

Nasa parking lot kami ng isang mall. Hindi naman ganon kadaming sasakyan ang nakapark ngayon.

He chuckles. "Makikilala mo din sila" Sinara nya na ang pinto ng driver seat.

I pout. Kinalas ko na ang seatbelt ko bago ako lumabas ng sasakyan. Napapikit pa ako sa tirik ng araw. May mga motorsiklo na nakapark sa harap namin.

"Esha. Can you carry this one?" Nilingon ko si Hans, Buhat Buhat nya ang limang paper bags.

I chuckles. "Feeling ko pag Hindi na ako naging stewardess-" Inabot ko ang dalawang paper bags sa kamay nya. "Kargador ako."

He laugh. Nauna na syang maglakad sa akin. Hindi ko alam kung bakit gusto kong makita kung anong itsura nya pag tumatawa.

Napabuntong hininga nalang ako ng maramdaman ko ang pagtama ng init sa balat ko. Lumingon ako sa langit. Hindi pa naman ganon katirik ang araw.

"Esha!" I heard him shout.

I force a smile as I follow his lead. Ilang beses akong nilingon ang paligid nang mapunta kami sa madilim na bahagi ng parking lot. Ni hindi ko alam kung bakit may gantong parte ang lugar na ito.

"S-sir" I mumbled.

Napatakip ako ng ilong na maamoy ko ang matapang na amoy ng paligid. Ngayon ko lang napansin ang kanal sa gilid ng dinadaan namin.

"Ate Emma!" Sigaw ni Hans. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Tinanggal nya ang mask na nakalapat sa bibig nya.

Sa tingin ko ay naglagay sya ng mask hindi dahil hindi nya kayang sikmurain ang paligid, nag suot sya nyun dahil ayaw nyang mamukhaan sya ng mga tao sa labas.

"Esha." Sinenyasan nya akong lumapit sa kanya.

Biglang bumilis ang takbo ng puso ng makita syang nakangiti. Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon. Hindi sya yung lalaking sumigaw saakin sa loob ng opisina nya. Shems-- Hindi ko maipaliwanag... Basta ang alam ko lang sobrang iba.

"Kuya pogi!"

Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kanya nang may dalawang bata na biglang yumakap sa kanya.

Napauwang ang labi ko nang obserbahan ko sila. Walang paglagyan ang dumi sa mukha nila. Hindi naman ako nagulat doon. Mas nagulat ako nang lumuhod si Hans para patayan sila. Inabot nya sa mga bata ang paper bag.

"Pasensya na ah." I heard his voice. "Hindi na ako madalas na nakakadalaw sainyo." Ginulo nya ang buhok ng batang lalaki.

Kinuha ng batang babae ang isang paper bag. "Okay lang po kuya. Salamat nga po pala sa pag papaaral kay ate huh!"

Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko napansin na kanina pa pala nakakurba ang labi ko, habang pinanonood sila.

"Sino ho sya?" bahagyang namilog ang mata ko nang marinig ko ang tanong ng batang babae.

Morii: Shield Of Anger (BS3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon