Napasinghap ako nang muli kong lingunin ang side mirror ko. Nandoon parin sya sa likod, nanatiling nakasunod. Ilang beses ko ng tinangkang iligaw sya pero nakakasunod parin sya.
"Shems. Madaling araw na."
Napapikit ako nang buksan ko ang bintana. Malamig ang hangin halos tumindig ang balahibo ko sa mukha.
Napalunok nalang ako nang napadaan kami sa madilim na bahagi ng kalsada. Hininto ko ang sasakyan sa gilid ngunit hindi ako lumabas. Pinagmamasdan ko lang sa side mirror kung huminto din sya.
I yawned. Mabigat na din ang mga mata ko. Mukhang kailangan ko na talagang matulog.
"Hey." Halos mapatalon ako nang may magsalita sa gilid ko.
Nasapo ko ang dibdib ko bago ko balingan si Hans na nakatayo sa labas. Ngayon ko lang napansin ang kulay brown nyang coat na bumagay sakanya.
Kunot noo ko syang nilingon. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin. I sighed.
Binuksan ko ang pinto nang sasakyan at tuluyang lumabas. Napapikit ako nang humangin. Ramdam ko ang simoy ng paligid. Hinahangin din ang laylayan ng damit ko.
"Why are you here?" Seryosong tanong ko.
Niyakap ko ang sarili ko nang tumayo ako sa labas. Mabigat na ang mga mata ko na parang babagsak 'yon kahit anong oras mula ngayon.
"Here." Nag angat ako ng tingin nang marinig ko 'yon.
"Wear this." Hinubad nya ang coat nya. Inaabot nya saakin iyon.
I sigh. "Hindi na." Naiiling na saad ko
"Hindi na rin naman ako magtatagal. Gusto ko lang malaman kung bakit ka sunod ng sunod?" I yawned.
"Ilang maling eskinita ba ang inikutan mo?" Pilit nyang sinuot ang coat saakin.
"O-okay lang ako." Saad ko bago ako humarap sa kanya. Sinubukan kong ibigay ang coat nya pero hindi nya iyon tinangap. Sinuot nya muli 'yon saakin.
"Isang hikab mo pa. Ako na mag hahatid sayo."
I chuckles. "Sir. I'm sure marami kang ginagawa." Saad ko na parang wala lang ang sinabi nya. "Umuwi ka na lang—"
"Pag nakauwi kana. Uuwi na ako."
Napabuntong hininga nalang ko bago ako bumalik sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung anong gagawin sa kanya. Basta ang alam ko lang. Masyado na akong inaantok para makipag diskasyunan pa.
Ilang beses akong napasinghot ng maamoy ko ang pabango nya sa coat. Shems. Hindi 'yon ganon katapang pero sigurado akong mananatili ang amoy nyun.
"Finally." I whispered as I park my car at the parking lot of my condo unit.
Nilingon ko ang likod ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang wala na ang sasakyan nya doon. Baka umuwi na.
Kinuha ko ang ilang gamit ko sa loob bago ako naglakad papunta sa elevator. Suot suot ko parin ang coat na pinahiram nya.
Sinandal ko ang likod sa gilid ng elevator pagkatapos kong pindutin ang button ng floor ng unit ko. Pinikit ko ang mata ko habang inaantay ang pag5ara nito.
Bahagya akong napamulat nang maramdaman ko ang mga yabag na papasok sa elevator.
"S-sir..." Napauwang ang labi ko habang nakatingin sa lalaking katabi ko. "B-bakit ka nandito?"
He smirk. Nagkibit balikat nalang sya habang nakatingin sa kakasara lamang na pinto.
Bahagya syang lumapit saakin nang pindutin nya ang button sa elevator. Napairap nalang ako, mag kapareho kami ng floor.
BINABASA MO ANG
Morii: Shield Of Anger (BS3)
General FictionAfter finding that the only way to protect the woman he love is to be angry at her. Hans Duran do everything to make it. But how long he can fight the temptation, if the only thing he want to do is to be with her. 'If I'm going to love without know...