kabanata 10

308 41 8
                                    

"Wala na tayong stock!" I shout. Marahan kong sinara ang cabinet kung saan nakalagay ang mga pagkain namin.

Kinuha ko ang mga labahin na damit na nakalagay sa sofa. Dito na kasi kami sa salas nag unpacked pagkatapos ng ilang araw na bakasyon.

"Sino mag go-grocery ngayon?" Kyl yawned. Halatang tamad na tamad syang bumaba sa hagdan.

"Ako nalang." Uminom ako ng tsaa. "Pahiram nalang ng susi-"

Kumunot ang noo nya. "Bakit?, Sasakyan ko gagamitin mo?..." Dumiretso sya sa sofa. "-may sasakyan ka naman ah"

"Ayoko nga!" I chuckles. "Sayang sa gas Yun. Bilisan mo na kyl. 70-30 Hatian natin ah"

Namilog ang mata nya. "Ulul."

I laugh. "Hmm. Sige, 35%-65% nalang!" Lumapit ako sa kanya. "Oh. Hindi ka na lugi doon ah. Pasalamat Ka mabait ako-"

"Umalis ka na Me!" Sigaw ni Kyl pagkatapos ilapag ang limang libo sa lamesa.

Hindi ko napigilan ang pagtawa habang tinitignan ko sya. Sinapo nya ang ulo nya at halatang nanakit 'yon marahil ay dahil sa jet log.

"Susi pa." I chuckles.

She point her bag. "Kunin mo nalang."

Hindi nya na inintay ang sagot ko at muli na syang humiga.

Napailing nalang ako bago ako lumabas ng bahay. Walang binigay na listahan si Kyl. Mukhang ako ang masusunod ngayon.

I whistle as I enter the car. Hinaplos ko ang upuan ng kotse ni Kyl. Buti naman naisipan nyang ipacar wash 'to.


"7,530.75 ma'am." Saad ng kahera.

Tumango nalang ako pagkatapos iabot ang bayad. Shems. Mukhang mabigat ang mga boxes ah.

Nasapo ko ang ulo ko nang mailagay ko lahat ng pinamili sa sasakyan.

"Sisingilin ko talaga ng 10% pa yung doktor na yun." I sighed.

Ilang beses akong napalunok nang makita ko ang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay ni Kyl. Halos mapamura ako ng maalala ko ang kotse ni sir Hans.

"So what I need to do?"

Kumalabog ang puso ng marinig ko ang boses ni Kyl. Halata ang pagkainis nyun. Hindi na ako nag abalang kunin pa ang mga pinamili ko sa sasakyan.

Tumakbo na agad ako papasok sa loob.

"Ma'am. I thought Esha is here." Lalo akong kinabahan nang marinig ang malumanay na boses ni Hans.

Huminga muna ako ng malalim bago ko tuluyang pihitin ang doorknob. Sinigurado ko na hindi 'yon Lilikha ng kahit anong ingay.

Unti unti kong sinilip ang loob. Prenteng nakaupo si Kyl sa sofa habang likod lang ni Hans ang nakikita ko. Halatang hindi sya inalok na umupo ni Kyl.

"Do you have an idea what's going on, don't you?-"

Nagtaasan ang balahibo ko nang muling magsalita si Kyl. Galit sya. Halatang-halata 'yon sa paglamig ng tono ng boses nya.

"Can you enlighten me-"

"I'm home!" Hindi ko na inantay na matapos magsalita si Hans, pumasok na ako sa bahay.

I saw Kyl rolled her eyes the momment her look drop to my hands. Napalunok nalang ako nang maalala na wala pala akong dala.

"Iniwan ko sa sasakyan. Nahirapan akong mag park ih." pagdadahilan ko.

Morii: Shield Of Anger (BS3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon