ROSE'S POV
"ANO BAAAA?! SAN NYO BA AKO DADALHIN HA?!"sigaw ko habang nagwawala.
Naglalakad ako kanina sa isang madilim na parte ng village namin dahil pagod na akong magjogging nang may humablot ng magkabilang braso ko. Hinila ako hanggang sa isang sasakyan at ngayon ay nakasakay ako sa isang itim na van kasama ang mga lalaking kumuha sakin. Tatlo silang nandito kasama ko. Ang isa ay katabi ko sa likod ng sasakyan samantalang ang dalawa ay nasa unahan. Naka all black sila at lahat sila ay may takip sa muka. Tanging mata lang ang nakikita ko sa kanila sapagkat maging ang kamay nila ay nakagloves din.
"ANO?! HA?! WHAT THE FUCK WILL YOU DO TO MEEEE?! HA?"sigaw ko nang wala pa rin sa kanila ang sumagot sakin.
Nakatali ang pareho kong kamay at ganun din sa paa. Hindi ko alam kung san nila ako dadalhin. Kinakabahan na ako at gusto ko na lang umiyak ngunit mas pinili kong lakasan ang loob ko.
Makakatakas ka dito,Rose! Tiwala lang.
Biglang huminto ang sasakyan kaya wala sa oras akong napabaling sa katabi ko nang hawakan niya ako sa braso. Napapiksi ako sa higpit ng hawak nito. Pinilit kong kumawala ngunit sadyang mas malakas sya sakin.
"Kung ako sayo, hindi na ako manlalaban."sabi ng lalaki na nasa driver seat. Bumaling ako ng tingin at nakita kong nakatingin sya sakin gamit ang rear mirror. Tumalim ang tingin ko sa kanya.
"HOW SHOULD I ?? HA?! ARE YOU DRUGGED!?"sigaw ko dito. Hindi ako nito pinansin at lumabas na lang ng sasakyan. Sumunod naman ang katabi nito.
Ramdam ko ang malakas na paghila sakin ng katabi ko at walang ano ano'y nagulat na lang ako na wala na pala akong tali sa paa. Sinamaan ko ito ng tingin at nagpumiglas.
"IT HURTS!"sigaw ko at nagpupumiglas pa din.
Ang pagpupumiglas ko ay natigil nang isang malakas na sampal ang natanggap ko sa lalaki. Nagugulat na tiningnan ko ito. Wala akong nagawa kundi ang magpahila nang hilahin na ulit ako nito.
Parang nawala ako sa sarili ng mga oras na iyon at hindi ko napansin na tumigil na pala ako sa paglalakad. Umangat ang tingin ko sa harapan.
Isang gintong pinto ang bumungad sakin. Hindi ko alam kung gawa ito sa tunay na ginto o pintura lang iyon pero humanga ako sa taglay nitong kintab. Parang tunay..
Binuksan ito ng lalaki at hinila ako papasok. Wala akong nagawa kundi sumunod.
Medyo may kaliitang kwarto ang sumalubong sakin. Hindi ganon kalaki ngunit hahanga ka sa linis at ganda ng pagkakagawa. Mukang opisina ito. May lamesa at isang swivel chair na sasalubong sa iyo pagbukas pa lang ng pinto. Sa kaliwa ay isang three seater sofa at isang lamesang bubog. Sa kanan naman ay isang fullsized mirror lang. May isang pinto pa doon na ang isip ko'y banyo. Walang bintana ngunit sobrang lamig sa loob dahil airconditioned ang buong kwarto.
Biglang nanlamig ang buong katawan ko nang umikot ang swivel chair paharap samin. May kinuha itong tungkod at tumayo. Nakakatakot. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko.
Isang matandang lalaking nakangisi ang sumalubong sa mata ko. Nakasalamin at mukang may sinabi sa buhay industriya. Ang bigote at balbas nito'y namumuti na sa kantandaan. Nakasuot ito ng isang polong puti at itim na slacks. Mukang propesyonal. Propesyonal sa maduming paraan.
Nagulat ako nang itulak ako ng lalaking may hawak sakin kanina. Ngayon ko lang hiniling na sana'y di nya ako binitawan.
"Mauna na po ako,Sir"nakatungong ani lalaki at walang anu-ano'y lumabas na. Gusto kong pigilan ito ngunit agad din napaharap sa matanda nang hawakan nito ang balikat ko.
YOU ARE READING
The Auctioned Lady
Random"No one in our clan will ever be like me. I, Oceanna Rose Haustier, the first and last queen of the Haustier Generation." -Oceanna Rose Haustier