CHAPTER 3

51 6 2
                                    

Nakakasulasok na amoy ang sumalubong sa ilong ko. Napakatapang pero mabango. Parang mamahalin dahil sa amoy nitong hindi pamilyar sakin.

"Have a seat."baritonong boses ang literal na nagpalundag sakin sa gulat.

Napapikit ako ng mariin saka bumaling sa lalaki. Prente na itong nakaupo sa isang swivel chair at magkakrus na nakapatong ang binti sa lamesang katapat nito. Nakapatong ang mga braso nito sa magkabilang arm ng swivel chair. Di kapani-paniwalang muka pa rin syang propesyonal sa estado nya.

Tumingin ito sa upuang nakatagilid sa kanya at saka tumingin sa akin. Nakuha ko naman ang pahiwatig nito kaya't tumungo ako doon at umupo.

Ngayon ay katapat ko ang isa pang libreng upuan at nasa gilid ko ang lalaki. Awtomatikong napabaling ako paharap dito nang magsalita ito.

"Name and age."nakakapanindig balahibo ang lalim ng boses nito.

Ibang klase!

"O-oceanna R-rose Haustier..A-and I..I-i'm 17"napapikit ako sa inis nang hindi ko mapigilang mautal sa pagsagot.

Calm down, Rose! Kalma!

"17 huh?...Are you able to do some work?"pag iinteroga nito sakin.

"I-i am still studying,Sir..but I did experience working in a cafe, restaurants and more. I am a working student, Sir"nabubulol man ay nairaos ko ang pagsagot dito.

Para akong nasa isang job interview na may yelong kausap!

Nakakaintimidate ang tingin nito na para bang tinitimbang kung nagsasabi ako ng totoo. Kalauna'y napabuntong hininga ito at tumango.

"I'm needing a secretary and that's why you're here. But base on what you've said, I should find another one and drive you back where Gardner got you"may pinalidad na sabi nito.

Wala pa sa alas kwatro ay nanlaki ang mata ko sa gulat. Hindi pwede! Ayoko na sa matandang yon! Ayoko!

"Sir! I can! I can! Just don't bring me back there! Please!"desperadang sagot ko.

"But--"

"Sir! I really can! Natututunan naman po yan! Sir! Wag lang po! Nagmamakaawa po ako!"pagpuputol ko dito.

Hindi ko alam sa sarili ko pero kusang pumatak ang mga luha ko nang may magflash sa utak ko na mga larawang hawak ako ng matandang iyon! Na pinagpipiyestahan ng mga lalaking gustong mapaligaya ang mga sarili!

"S-sir! I-i w-will d-do m-my best!"halos di ko na maintindihan ang sinasabi ko dahil pinuputol ng hikbi ko ang mga salitang binibitawan ko.

Tumayo ang lalaki na para bang wala lang sa kanya ang sinsabi ko. Kinuha niya ang coat na nakasabit sa sandalan ng swivel chair nito at ipinatong sa braso nito. Akmang maglalakad na ito nang tumayo ako at kinuha ang libreng kanang kamay nito. Nanghihinang napaupo ako sa sahig at inihilig ang noo sa kamay nito.

"Sir! Ayoko po! Please sir! Kelangan ako ng pamilya ko! "Pagmamakaawa ko dito.

Parang nawala lahat ng inis ko sa kanya kanina at agad na napalitan ng takot. Takot na gawin nya ang sinabi kanina. Mukang kayang -kaya nyang gawin iyon!

Wala akong nakuhang sagot dito kaya nag angat ako ng tingin sa lalaki. Nakakunot ang noong nakatingin ito sa akin na para bang litong lito sa ginagawa ko ngayon.

I'm doing life and death begging here!!!!!

Walang pakundangang inalis nya ang kamay mula sa pagkakahawak ko at hinarap ako. Para akong isang kuting na tinitingnan ng isang matangkad na amo. Kinailangan ko pang tingalain ito para lang makita ang muka nito.

The Auctioned Lady Where stories live. Discover now