Chapter 14

50 8 0
                                    

ROSE'S POV

"Dagat," napalingon ako kay Riffle nang tawagin niya ako. Tumingin ako sa kaniya ng nagtatanong.

"Kanina pa kita tinatawag pero nagsisintas ka lang diyan. Nabingi ka na ba?"sermon sakin ni Riffle.

Simula nang umuwi ako galing sa trabaho kahapon ay hindi mawala sa isip ko ang sulat na nabasa ko. I knew that 'that' someone knew me. Maybe 'that' someone is just near my range.

"Ano ba kasi yon?"normal na sagot ko. Ayaw ko nang ipaalam pa kay Riffle iyong tungkol kahapon.

"May sasabihin kasi ako."pahina ng pahina ang boses nito at palingon-lingon pa.

Lumingon-lingon din ako. "Ano ba yon?"

"Eh kasi... ano.." napatingin ako kay Riffle nang tumingin ito sa sahig at bahagya pang napapangiti.

Eh? Hindi kaya natatanga na to?

"Natatanga ka na ba, Riffle?"

Nanlalaking matang tiningnan ako ni Riffle saka dinuro ako.

"Napakasama mo, Dagat! Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo!"agad na sabi nito.

"Ako, gusto ko," nakangising saad ko saka dinilaan ang labi.

"KUYA! ALIS NA KAMI NI NANAY! IKAW NA DAW PO ANG BAHALA KAY ATE!"

Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang sigaw ni Nami. Napabaling naman ako kay Riffle nang tumaltak ito.

"Anong akala nila sa babaeng ito? Lumpo? Masyadong espesyal!"bulong ni Riffle na hindi nakaligtas sa tainga ko.

"Hoy! Baka masapok kita,Riffle. Porket kinulang ka sa buwan! Diyan ka na nga!"ingos ko saka diretsong lumabas.

Totoong kinulang si Riffle ng buwan. Eight months pa lang siya nang ipanganak siya. Hindi na rin ako magtataka kung sinto-sinto yan pero ipinagpapasalamat ko na medyo normal naman.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan saka ipinaghain ang sarili.

"San ka pala pupunta? Sabado ngayon ah. May lakad ka? Trabaho?"sunod-sunod na salubong ni Riffle nang makarating siya sa kinaroroonan ko.

Ipinaghanda niya rin ang sarili bago umupo.

"Maggagala lang diyan sa labas," sagot ko ng hindi tumitingin sa kaniya, nakapokus sa pagkain.

"Good. Pasama,"

"Eh?" Naiangat ko ang tingin ko kay Riffle. Iba na ang kulay ng damit nito.

"Pasama ako kasi nga may sasabihin ako."nakangiting sabi ni Riffle saka ipinagpatuloy ang pagkain.

"Lumulugar ka pa eh pwede namang dito na lang. Kalalaki mong tao, ang dami mong arte sa katawan," balewalang sabi ko.

"Cean,"

Napatunghay ako nang tawagin niya ako sa ganoong pangalan. He's smiling but his eyes were serious.

"Okay," napapabuntong-hiningang sabi ko.

Ilang minuto lang ay natapos na kami at sabay kaming lumabas ng bahay. Sinigurado muna ni Riffle na nakalock ito bago kami umalis.

Nagsimula na kaming magjogging. May mga babaeng akala mo'y mga bulateng nilagyan ng asin pag nginingitian ni Riffle.

"Here," napatingin ako sa kamay ni Riffle.

"Ano yan? Baka ipis yan? Style mo bulok!"saka binilisan ng konti ang pagtakbo.

"Eto nga! Kuhanin mo kasi!"bugnot na sabi ni Riffle nang maabutan ako.

"Asan ba---"

Napatigil ako nang makita ko kung ano talaga ang hawak ni Riffle.

The Auctioned Lady Where stories live. Discover now