"Ahh.. Hindi naman po."napapahiyang sagot ko.
Ang tanga mo Rose! Bat di ko pansin na may tao? O baka hindi ito tao? Hahaha!
Lihim akong napatawa sa naisip at napatigil din nang maramdamang nakatingin na naman sa akin ang boss ko.
"Ah. You seemed not."sarkastikong anito saka lumabas nang lift. Lumabas din ako at sinundan ito.
Patuloy lang ako sa paglalakad nang nangungunot noong sinulyapan ako nito kaya't naantala ang paglakad namin.
"Where are you going?"tanong nito.
"Office nyo po?"patanong na sagot ko rito. Lalo namang nangunot ang noo nito na ikinataka ko.
"Why are you here then?"tanong nito.
"Pupunta po sa office nyo?"sagot ko muli.
"Argg!"naiinis na ginulo nito ang buhok. "You can't find my office here,Ms. Haustier!"madiin na anito ba tila ba parang nauubusan na ng pasensya.
"Eh san po kayo pupunta?"takang tanong ko saka sinilip ang likuran nito.
"None of your business!"saka tumalikod at diretsong naglakad. In fairness naman sa lakad, mukang mayaman talaga!
"Nyenyenye! None of your business!"panggagaya ko saka tumalikod.
Pero parang agad din akong minalas! Halos kuhanin na ni San Pedro ang kaluluwa ko!
"Nandito ka lang pala! Pinagod mo ko dun ah!"ani Law na hingal na hingal pa. Wala sa sariling nahampas ko ito!
"Papatayin mo ba ako ah?!!!!"sigaw ko dito habang pinagpapapalo sa braso!
"Oyyy! Aray! Teka! Aray ngaaaa! Wait! Araaay!"daing nito. Lumayo pa ito ng bahagya sakin para di ko maabot.
"Ano bang papatayin yang sinasabi mo, Ms. Haustier? Buti ka nga eh, hinahabol ng katulad ko! Yung iba nga,halos magmakaawa na makuha lang ang sulyap ko!"pagdadahilan pa nito.
Aba't!!!!!!
"Hayop kaaaaa! Bumalik ka ditooo! Papatayin kitaaaa!"sigaw ko nang biglang tumakbo si Law. Maaga ata akong mangungulubot sa lalaking yon!
Ngayon ay halos mamatay kami kakatawa ni Law. Nang maabutan ko kasi ito ay todo sorry ito at para hindi kami maboring kakahintay sa boss ko ay napagpasyahan naming kitilin ang oras.
"Hayop! Ang bobo nung isa! hHAHAHAHAHA!"natatawang ani Law. Tawang-tawa kami sa pinapanood naming funny videos sa youtube.
Hindi ko alam kung ilang oras na kami dito pero nag-eenjoy talaga ako sa pinapanood namin. Hindi ko na namalayan ang oras.
"Hala! Late na pala, Law!"gulat na aniko nang makita ang oras sa aking relong pambisig.
"Ha?"sabi ni Law na tutok pa rin sa pinapanood.
"Late na. Una na ako ah!"saka tumayo at inayos ang sarili. Kinuha ko na din ang bag ko at tumungo sa pinto.
"Ayy! Hatid na kita, Ms. Haustier!"aligagang anito at kinuha ang susi sa ibabaw ng lamesang bubog.
"Rose na lang. At hindi na! May masasakyan pa naman."nakangiting aniko saka lumabas.
"Ay kinabayo ka!"gulat na aniko nang maabutan si Zayn na nakatayo rito.
"A-ah. Una na po ako, Sir."nahihiyang paalam ko nang makahuma sa sarili.
Bat kasi ang magugulatin ko!
"Is that so? Without any notice from me?"ayos naman ang pagkakasabi niya pero nagtunog sarkastiko iyon sa tenga ko.
"Kaya nga po, aalis na po ako SIR"magalang na sabi ko. Sinadya kong diinan ang 'sir' para dama nya! Nagpapaalam na nga eh!
YOU ARE READING
The Auctioned Lady
De Todo"No one in our clan will ever be like me. I, Oceanna Rose Haustier, the first and last queen of the Haustier Generation." -Oceanna Rose Haustier