Nagsimula ang party ng maayos at masaya. May mga palaro sa mga bata at kahit mga matatanda ay nakikilaro din. Kasalukuyang katatapos lang naming magdasal dahil oras na ng kainan. Nang tingnan ko ang relo ko ay alas otso na ng gabi. Bumalik ang tingin ko sa MC nang magsalita ito.
"Before we proceed on the buffet table, let us all welcome! The Rise and Shine Band!"pag-aanunsyo ng gumanap na MC dito sa party. Bumukas ang ilaw sa tapat namin at nagsimulang maghiyawan ang mga bisita.
"And also..To inform you all, this happen so rare that we have a special guest! He is one of the top most successful bachelor in the whole world."di pa man naipapakilala ang nasabing bigating bisita ay agad nang nagtilian ang mga kababaihan.
Ehe? Sino ba yon?
"Let's give him a warm welcome! Mr. Ashton Zayn Greyton!"sabi ng MC na ikinanganga ko. Anak ka ng? Parang sabit lang yan kanina ah! Bat parang sya pa ang kinontak sa lagay nyang yan!
"Mr. Greyton,any message for everyone?"tanong ng MC saka itinapat ang mikropono sa lalaki. Kinuha ito ng lalaki at matipunong tumayo sa unahan.
"I am pleasured to be here in your celebration. Enjoy the night. Thank you!"saad nito habang sinusuyod ng mata ang madla. Para namang mga inasinang bulate ang mga kababaihan nang lumapat sa kanila ang tingin nito.
"Oh, Rosas ko! Chill ka lang! Ang puso mo!"pang-aasar sakin ni Tony kaya binalingan ko ito at siniringan!
Ang kulit! Sabi nang di ko yun gusto!
"Thank you, Mr. Greyton. You all can request a song if you want. The band is open for requests, right?"tumingin sa amin ang MC kaya ngumiti kami at tinanguan ito.
Kasalukuyang kumakanta si Clef ngayon. Si Clef ay isang gitarista at bokalista ng banda. Si Clef ang palaging ka-duet ni Jen kapag kumakanta. Talagang kahanga-hanga ang boses nilang dalawa kapag pinagsama.
Bumagay sa boses nya ang kinakanta nyang "When I was Your Man" ni Bruno Mars. Ang sabi nya kasi ay mamaya na lang daw ako pag may nagrequest kaya pumayag na lang ako. Nakaupo lang ako sa beatbox at minsa'y sumasabay sa tugtog kapag natitupuhan.
Saktong tatayo na ako ay biglang nagulat ako nang may humawak sa braso ko. Tiningnan ko ito at nakita ang boss kong seryoso ang tingin sa akin. Agad naman akong lumingon sa pwesto nina Josiah. Nasa dulong parte na din kasi ako at madilim dito kaya napahinga ako ng maluwag nang hindi sila nakatingin sa gawi ko.
"Anong problema,Sir?"tanong ko dito. Mukha naman itong natauhan at binitawan ako.
"Do you have phone? I left my phone in my car and I need to call Law."napatango naman ako at pumunta sa bag ko na nasa backstage. Kinalkal ko ito at kinuha ang bagong bili kong telepono. Ibinili din kasi ako ni CJ ng telepono dahil wala na daw sa panahon anf de-keypad kong telepono.
"Naka-save na din po dyan ang number ni Law. Pakilagay na lang po sa bag ko ang cellphone. Una na po ako."sabi ko sabay turo na pupunta na ulit ako sa pwesto.
Nang makabalik sa pwesto ay tumutugtog na lang sina Josiah. Namataan ko si Clef na papalapit sa pwesto ko kaya nginitian ko ito.
"Oyy, Rose! Tara, kain! Kelangan busog ka kasi mukang mapapasabak tayo!"pag-aaya ni Clef sa akin at iminuwestra ang hawak na pagkain.
"Ge lang! Busog na ako! Kumain ako kanina eh!"sagot ko saka tinanguan ito.
Tahimik lang kami dito nang biglang may nakita kaming papalapit na dalaga sa amin.
"Oyy! Chix!"bulong ni Clef na rinig ko naman.
"Sira!"natatawang ani ko na sinabayan ni Clef.
"Uhh, hi. Me and my friends just wanna have a request song."malambing na anito. Nginitian ko naman ito at inilahad ang ballpen at papel.
YOU ARE READING
The Auctioned Lady
Random"No one in our clan will ever be like me. I, Oceanna Rose Haustier, the first and last queen of the Haustier Generation." -Oceanna Rose Haustier