Naalimpungatan ako sa pagkakatulog nang makarinig ako ng marahang katok sa pinto.
"Nak! Kain ka muna! Hindi ka pa daw bumababa simula nung pumasok ka dyan! Gabi na oh!"rinig kong sabi ni Nanay.
Mumukat mukat akong bumangon sa kinahihigaan ko. Nakagown pa din ako kaya tumungo ako sa damitan ko. Isang tipikal na aparador na gawa sa kahoy. Binuksan ko ito at kumuha ng pampalit na damit. Kinuha ko din ang isang hanger na may towel ko. Dala-dala ang mga panligo ay lumabas na ako sa kwarto at nagdiretso sa banyo.
Ang banyo namin ay malayo lang ng kaunti sa kusina ngunit kaharap nito ang pintuan. Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko si Nanay na naghahain ng pagkain sa lamesa at si Riff na mukang abala sa ginagawa. Nagdire-diretso lang ako papasok sa banyo at isinampay ang mga dala sa sampayang gawa sa alambre.
Ilang minuto lang ang itinagal ko at lumabas na din ako. Nakaupo na si Riff sa isang upuan kaharap ang isang plato samantalang si Nanay naman ay naglalagay ng baso sa gilid ng bawat plato. Nag angat ito ng tingin at saktong sa akin dumapo.
"Oh nak! Tara na kakain.."yaya sakin ni Nanay
"Nasan si Nami, Nay?"
"Ayy..May pupuntahan daw sila ng mga kaklase. Nagpaalam naman sakin na baka gagabihin yon ng uwi."paliwanag ni Nanay.
Tumango tango akong tumungo sa isang upuan at umupo. Tinanggal ko ang nakapulupot na towel sa ulo ko at ipinatong sa kanang balikat.
"Nay, wag sanayin si Nami na pinapayagan lagi. Hindi na bata yon at napakadelikado na ngayon" marahang sabi ko habang nagsisimula nang kumuha ng pagkain.
"Minsan lang naman, nak. Hayaan mong maranasan ng kapatid mo yung mga ganyan" paliwanag ni Nanay.
Napabuntong hininga na lang ako dahil tama naman talaga si Nanay. Kahit sa akin ay hindi nya ako pinagbawalan sa mga bagay bagay. Pero simula nung naranasan ko kagabi, mas gugustuhin ko pang pagbawalan ako.
"Nga pala Dagat... May early registration daw ang school natin ngayon. One week daw eh."sabi ni Riff at saka sumubo.
"Sa first day ng school year na lang siguro ako magpaparegister.. Kelangan kong magtrabaho ngayon para sa mga kelangan natin sa school." pagtanggi ko. Alam ko kasi na pipilitin nya akong magparegister ng maaga para hindi ko na daw problemahin sa pasukan.
"Anna.."sabi ni Riff at nag angat ng tingin sa akin.
Tumango ako at ngumiti. "Kaya ko Riff"
"Hayaan mo, kukuha din ako ng trabaho" may kumpyansang sabi ni Riff.
"Mga anak, nakakuha na ulit ako ng labada. Hayaan nyo't nag-iipon din ako para sa pag aaral nyo"pagsingit ni Nanay sa amin ni Riff.
"Okay lang kami, Nay. Dapat nga ika'y nagpapahinga na lang"sabi ko at saka sumubo. "At saka may trabaho na naman ako, yun yung inasikaso ko kagabi."
"Ano ba yang trabaho mo, Dagat? Baka pwede din akong pumasok" tanong ni Riff.
"Secretary. Hindi ko alam kung kailan ako magsisimula pero natanggap ko na ang alok saking trabaho" paliwanag ko. Kita ko namang nanlaki ang mata ni Riff at saka ibinaba ang hawak na kutsara.
"Hindi ba bawal yon? Underage ka pa, Dagat!!"
"Hindi naman siguro"
"Pero---"
"Ang mahalaga ay may trabaho ako. Hindi ito ilegal,Riff."
"Dagat..."
Dati kasi'y nagtataka ako kung saan nanggagaling ang mga pera ni Riff eh lagi lang naman syang nasa bahay. Malaking halaga ang naiuuwi nya tuwing aalis sya kaya isang araw ay sinundan ko ito. Nalaman kong isa sya sa mga nagsusulpot ng droga sa ilang mga gumagamit.
![](https://img.wattpad.com/cover/227592077-288-k139556.jpg)
YOU ARE READING
The Auctioned Lady
Random"No one in our clan will ever be like me. I, Oceanna Rose Haustier, the first and last queen of the Haustier Generation." -Oceanna Rose Haustier