CHAPTER 5

40 6 3
                                    

Bumaling ako sa likuran ko at bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaking nakathree piece suit. Matipuno ang pagkakatindig nito at naghuhumiyak sa yaman ang itsura.

Tinanggal nito ang suot na salamin at ibinigay sa isang babae sa likod nya. Pakiwari ko'y sekretarya niya.

Nagkatinginan lang kami at sya na ang unang umiwas.

Parang nakita ko na sya! Di ko maalala!

"Miss Haustier, sorry! Kala ko kasi papapasukin ka kagad eh"nagkakamot ulong sabi ni Law nang makalapit sa tayo ko. "Tara na?"

Tumango ako at sumabay sa kanya papasok. Bago ko lampasan ang mga guwardya ay inirapan ko muna ang mga iyon.

Napakalawak ng building na ito. Mukang high class dahil sa pagkakagawa nito. Puro bubog at parang maling tapak mo lang ay mahuhulog ka.

"Sino nga pala yon?"tanong ko habang naglalakad.

"Sino?"

"Yung lalaki don sa labas kanina."

"Ahh..yung nakabusiness suit?"tanong ni Law.

"Oo..Yun nga! Muka kasing namumukhaan ko pero di ko maalala"sabi ko saka tumingin sa kanya.

"Di ko rin kilala eh,baka business partner ni Boss"nagkibit balikat na lang kaming dalawa bago sumakay sa lift nang bumukas ito.

May iilang kasama kami dito sa lift. Nandito kami sa pinakadulong parte para na din hindi makaharang sa daan dahil sabi ni Law ay sa 36th floor pa kami dedistino.

Tahimik lang kaming naghihintay habang isa isang naglalabasan ang mga kasama namin.

Nang umabot na kami sa 34th floor ay pansin kong sobrang tahimik ganon din sa 35th floor. Hindi katulad sa baba na may naglalakad at may maririnig na nag uusap.

"Bat ang tahimik na sa floors na ito?"hindi mapigilang tanong ko kay Law. Nakakapagtaka lang na ang tahimik.

"Ahh yon ba? Sadya yon kasi sa dalawang floors na nadaanan natin ay puro kwarto"sabi nito sabay tingin sa relong pambisig.

"Kwarto? Bakit may mga kwarto?"pag uusisa ko.

"Para sa mga bisita ni Boss. Minsan kasi nagtatagal ng mga ilang araw ang mga kasosyo ni Boss para imonitor ang takbo ng kompanya"umiiling na sabi nito at lumabas nang tumunog ang lift.

Sumunod ako sa daang tinatalunton ni Law. Palinga linga sa mga nadadaanan. Hanggang sa marating namin ang isang pinto. Akmang bubuksan na ito ni Law nang may nagbukas nito.

Isang magandang babae. Parang dyosa na kailanma'y di pinagkaitan sa magagandang katangian. Perpekto ang isang masasabi ko sa kanya. Mula sa muka hanggang sa katawan at maging sa tindig nito, may sinabi sa buhay.

Ngumiti ito. "Oh, Gardner! Kanina ka pa hinahanap ni Zayn! Lagot ka na!"pagbibiro nung babae kay Law.

"Sus! Wag ako, Clariza Jeriss Belmonte! Ikaw lang ang takot kay Boss!"natatawang ani Law. Mukang magkakilala sila sa uri ng pag uusap nito.

"CJ na lang please! Gods! Ang dugyot ng pangalan ko! At sino ba namang di matatakot sa huklubang pinsan ko na yon! Parang pinapasan ang buong mundo araw araw!"paghihisterya ng dalaga.

"Malas mo!"guyo ni Law.

Nagtawanan ang dalawa at natigil nang dumapo ang paningin sa akin ng dalaga.

"Who's this pretty lady!? Gods! She's gorgeous ah! San mo to nakuha ah?"nanlalaking mata nung babae habang niyuyugyog sa balikat si Law.

"Ano ba, Cj!! Pede namang magtanong ng hindi naaagrabyado eh!"inis na lumayo si Law dun sa tinawag na CJ.

The Auctioned Lady Where stories live. Discover now