ASH'S POV
"How's your work?"tanong ko saka inayos ang reading glass ko.
"Wala, boss! Ganun pa din! Baka naman mabuting tao talaga si Rose..bat ba natin sya pinaghihinalaan?"kakamot-ulong sagot sa akin ni Gardner.
I commanded him to investigate. Well, I really have this feeling that she's something and I need to figure it out. In business world, you really need to protect what you have or you'll lose it in an instance.
"You heard my reasons already, Gardner! I don't repeat myself!"naiinis na aniko.
Pinapunta ko dito si Gardner dito nang makalabas si Oceanna kasama si Fely. Sa una ay nagtaka din si Fely nang sendan ko sya ng email na kailangan nyang pumunta dito. Kahit ako ay nalilito kung bakit kailangan kong gawin iyon. Pero sa huli ay sinabi ko ang kailangan nyang gawin at ngayon ay baka tinuturuan na nito ang dalaga.
"Pero Boss.. Nung nakaraang araw, nakita ko si Mr. Solistaire, Boss."awtomatiko akong napatingin kay Gardner sa sinabi nito. Agad na nangunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Nakaraang araw? You mean..the day that we followed Oceanna?"tanong ko saka inalis ang suot na salamin at mataman itong tinitigan.
"Wow, Boss ah! First name basis! Kabog!"agad na nanlisik ang tingin ko kay Law. Nakangisi ito at para pang kinikilig.
"Shut the fuck up, Gardner! Just answer my question!"ganti ko kaya umayos sya ng upo at sinadyang tumikhim. Napairap na lang ako.
Seryosong usapan, laging hinahaluan ng kalokohan!
"So..yun nga boss! Sinundan ko si Mr. Savill tapos iisang daan lang yung dinaanan nila ni Rose. Pero iba ang nakita ko base sa lugar na pinuntahan nyo boss!"sabi nito at kumakampay-kampay pa habang nagkukwento. Lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito. So..meron ngang itinatago si Oceanna? Or she's really there because her friend called her?
"Lumang-luma ang itsura, boss! Parang hindi pinupuntahan ng kahit sino! Napakabaho! Sa tingin ko'y isa yung warehouse. Didiretso na sana ako eh pero biglang may narinig akong nag-uusap tapos ayun nga boss...tumawag ka na."pagpapatuloy nito saka tumingin sa akin.
"You heard them?"tanong ko dito.
LAW'S POV
Tumango ko bilang sagot sa tanong ni Boss. Muling rumehistro sa utak ko ang mga nakita ko noong isang gabi.
FLASHBACK
Ano ito? Ngayon ko lang to nakita!
Isang malaking building ang tumambad sa akin. May iilang nakabukas na ilaw doon at maliwanag din ang sinag ng buwan kaya may nagbibigay sa akin ng liwanag para makita ko ito ng maayos.
Nakatingin lang ako dito at pinagmasdan ang itsura nito. Halata ang katandaan ng building na ito. Ang pintura nitong puti ay tila hindi na napatungan pa ng bagong pintura. Marumi itong tingnan dahil sa talsik ng putik sa ibabang parte. Samantalang ang itaas naman ay sa tingin ko'y nilulumot na dahil sa hinaluang berdeng kulay nito.
Napasandal ako at tumago nang may biglang lumabas rito. Balot na balot ang buong katawan ng mga ito ng itim na kasuotan samantalang kamay at mata lang ang walang tabing. Pinaliit ko ang aking mata at pilit na sinisipat ang dala-dala nilang bagay. Isang sakong hindi ko alam ang laman ang pinagtutulungang bitbitin ng dalawa. Kita ko rin ang pagtulo ng kung anong katas mula doon.
Akmang aalis na ako sa puwesto nang may natunugan akong nag-uusap.
"Nakausap mo na ba?"tanong ng kung sino.
"Nakausap ko na nung isang gabi pero susubukan ko muli mamaya."sagot ng kausap.
Pinilit kong sulyapan ang mga ito ngunit masyado silang malayo at makagagawa ng ingay kung gagalaw ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/227592077-288-k139556.jpg)
YOU ARE READING
The Auctioned Lady
Random"No one in our clan will ever be like me. I, Oceanna Rose Haustier, the first and last queen of the Haustier Generation." -Oceanna Rose Haustier