Nabalot ng katahimikan ang buong lugar sa hindi malamang dahilan.
Sino ba naman kasing tangang maglalabas ng isang bilyong dolyar para lang sa babae? Sya lang!
"U-uh, O-okay!"nangangapang sabi ng MC.
Lahat kasi kami ay hindi makapaniwala sa naging patong nito. Nahagip ng mata ko ang matanda! Nakangiti at para bang nakikita na nya ang langit! Kuhanin ka na sana ng langit!
"Sooo! One billion dollar from Mr.?"nagtatanong na tiningnan ng MC ang lalaki. Wari'y parang ngayon lang din nito nakita ang lalaki sapagkat kanina'y bihasang bihasa sya sa pagbanggit ng pangalan, kilala na.
Naglakad ang lalaki papunta sa entablado. Kung saan ako nakatayo. Sa bawat hakbang nya ay paglinaw ng itsura nya sa mata ko. Hindi ko alam pero nawala ang kaba ko nang tumingin ito sakin at ngumiti. Inakyat nya ang may kataasang entablado at tinabihan ako. Hinubad nya ang kanyang business suit at ipinatong sa balikat ko. Nakahawak pa rin sya sa balikat ko saka bumaling sa MC.
"Greyton"malamig na saad nito. Nangunot ang noo ko dahil sa lamig ng pagkakasabi nito. Nakakapanindig balahibo pero nakakapagtaka dahil hindi man lang ako kinabahan.
"O-oh! One billion dollar from Mr. Greyton! Any other bid?!"pahabol na tanong ng MC sa madla.
Umugong bigla ang malakas na usapan dahil doon.
"Tangina! Hayok ba yan sa laman!?"
"Kung may dolyar lang sana ako!"
"Talagang mamumulubi ako dito!"
"Sayang!"
"Hindi maaari!"Samu't saring kumento ang naglabasan sa mga bibig ng madla. Mga hindi makapaniwala sa nasaksihan at naririnig.
"Any other bid?!"pag uulit pa ng MC.
Wala pa ding nagtangkang magtaas. Tila kawalan sa kanila ang magtaas ngayon ng cards. Panghihinayang at galit ang nakikita ko sa mga mata nila. Panghihinayang na hindi ako nakuha at galit sa estrangherong lalaki na pawang inapakan ang pagiging negosyante nila.
"So this is final! Lady in Hell is now sold!"anunsyo ng MC sa lahat.
"Baka naman pwedeng makihati!"
"Patikim naman! Magbabayad ako!"
"Masarap pa naman!"
"Sumasakit na ang alaga ko! Nagwawala!"Nakakadiri! Parang hindi kayang tanggapin ng sistema ko ang mga reklamo ng madla!
Ramdam ko ang pagpulupot ng isang braso sa bewang ko kaya napapiksi ako. Ramdam ko din ang init ng mga palad nito kahit pa may telang nakaharang sa pagitan ng mga balat namin.
Nagsimulang humakbang ang lalaki kaya sumabay ako. Dahan dahan ang bawat hakbang nito at parang inaalalayan ako. Batid ko ang pag iingat nito sa uri ng paghawak nya.
Tahimik lang na nakamasid ang madla sa amin. Wala ni isa ang nagtangkang magsalita nang maglakad kami sa gitna ng espasyo. May red carpet kasi ang gitna ng buong lugar. Sa tingin ko'y doon dadaan ang babaeng binili at lalaking nakabili. Ganon ang nakita ko kanina.
Nakarating kami sa pinto nang walang kaingay ingay. Nakakabinging katahimikan ang nangibabaw sa lahat. Maging ako ay hindi makapagsalita. Maraming mga bagay ang tumatakbo sa utak ko.
Hindi ko namalayan na nakalabas na pala kami sa lugar na iyon. Tanging isang kotse at kalsada na lang ang nakikita ko. Tahimik ang paligid, tanging street lights lang ang nagbibigay liwanag sa madilim na kalsada sapagkat kahit ang buwan ay ayaw magpakita ngayon.
Binuksan ng lalaki ang pinto sa likod ng sasakyan at inalalayang pumasok ako sa loob. Nagulat ako nang makita kong may nakaupo rin dito. Propesyonal ang pagkakaupo. Nakasalamin ito at bahagyang nakakunot ang noong nakatingin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/227592077-288-k139556.jpg)
YOU ARE READING
The Auctioned Lady
Acak"No one in our clan will ever be like me. I, Oceanna Rose Haustier, the first and last queen of the Haustier Generation." -Oceanna Rose Haustier