CHAPTER 7

36 7 5
                                        

ASH'S POV

Pagkalabas ko ng silid ni Law ay agad kong sinagot ang tawag.

[Sir. Nacheck na po namin ang cctv cameras sa buong nasasakupang area ng kompanya at ang nakuhanan lang po ay ang pagkahimatay ni Mr. Gardner malapit sa entrance.] ani ng kinuha kong private investigator.

Then where?

"Well then..Check Gardner's condo..Move!"utos ko saka hinilot ang sintido.

[Yes Sir.] saka ko pinatay ang tawag.

Akmang babalik na ako sa loob nang marinig kong magsalita ang sekretarya ko mula sa loob.

" Yap..It can cause respiratory failure. So kung di ka kaagad nakalabas don eh baka malamig ka na ngayon."anito kaya nanatili muna ako sa labas.

Hindi ko lubos maisip na may nalalaman sya tungkol sa mga bagay na iyon. Kahit ako'y nagulat nang alam nya pala ang tungkol don. Hindi ko maiwasang paghinalaan sya. Pero pinaimbestigahan ko na sya at base sa mga nakalap na impormasyon ay imposibleng magagawa nya ang nangyari kay Gardner.

Hindi dapat ako pakampante! Makakuha lang ako ng ebidensyang sya ang gumawa ay sisiguraduhin kong makukulong sya!

Nagpasya akong buksan na ang pinto at naabutan silang lahat na tahimik. Si Law ay kumakain ng mansanas habang si CJ naman ay nagbabasa ng isang magazine. Nakaupo naman na parang malalim ang iniisip ang sekretarya ko.

Kalaban ka ba o kakampi?

Tahimik lang akong tumungo sa kinasasadlakan ko kanina.

ROSE'S POV

Nasundan ko ng tingin si Zayn nang maglakad ito papuntang sofa.

Ikaw ba ang may ginawa at nadamay lang si Law?

Napailing ako sa mga naiisip. Hanggang ngayon ay gulong gulo ako sa nangyari kay Law. Nakakaawa sya ngayon kung titingnan. Habang kumakain ng mansanas ay parang napakalalim ng iniisip nito. Kunot na kunot ang noo pero nababasa sa mata nito ang pagkabahala. Sino ba namang hindi mababahala kung bigla ka na lang mahihimatay at isusugod sa hospital.

Nagtagal kami ng ilang oras don saka nagpasyang bumalik sa kompanya.

"Zayn, Rose, una na muna ako..Baka kailangan na ako dun ni Mana."paalam ni CJ saka parehas kaming hinalikan sa pisngi.

Pinanood pa namin ang pag-alis nito. Naiwan kaming dalawa ng boss ko dito. Nakatayo at parang naghihintay ng susunod na galaw.

"Uhmm.. Elle will come here later to lecture you."napatingin ako dito nang magsalita ito. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Lecture? Para san?

Busy si Zayn sa paglalaptop habang ako ay nakaupo lang at hinihintay yung Elle na sabi nya. Hindi naman nagtagal ay may kumatok. Ako na ang tumayo at nagbukas ng pinto.

Nagulat ako nang makitang ang Elle na sinasabi ng boss ko ay kaibigan ko.

"Jen! Ikaw yung Elle?!"gulat na ani ko habang nakadungaw sa pinto.

"Yessssss! Nabigla din nga ako nung nakita ko ang pangalan mo at pinatawag ako ni Boss!"tuwang ani Jen. Tumango tango naman ako.

"Sooo....pwede papasok hehe?"nahihiyang ani Jen habang pilit na sinisilip yung loob. Nangunot naman ang noo ko.

Hindi pa sya nakakapasok dito?

"Is that Elle, Ms. Haustier?"napalingon ako kay Zayn nang magtanong ito. May kung anong binabasa ito at panakang sinulyapan lang ako saka ibinalik ang tingin sa binabasa.

The Auctioned Lady Where stories live. Discover now