CHAPTER 6

34 7 5
                                    

LAW'S POV

Abala ako sa paghahanap ng impormasyong pinapahanap ni Boss! Ewan ko ba dun kay Boss! Kung ano ano na lang ang pinapagawa sakin.

Ako kasi'y parang kanang kamay na ni Boss kaya isang tawag lang ay para na akong si Superman at nandon kagad! Daig ko pang knight in shining armor ni Boss!

Patuloy lang ako sa pagbrowse nang biglang nagring ang phone ko.

Chix? Ang gwapo ko talaga!

I tapped the green button without looking at it! Since nakaearpods naman ako dahil nakikinig ako ng music, just to lessen the stress.

"This is Lawrence na gwapo, speaking. What do you need?"bungad ko.

[Come to my office.]nagulat ako saka tiningnan ang caller ID!

Anak ka ng tinapa! Si Boss!

"Y-yes Boss! Coming!"nang patayin ni Boss ang tawag ay saka ako tumayo at kumuha ng isang coat at ang susi ng kotse ko. Hindi ko na naayos ang gamit ko at bastahan na lang lumabas sa unit ko.

Dali dali akong tumungo sa lift at lumabas nang makarating na ito sa ground floor.

Kamamadali ay hindi ko sinasadyang mabunggo ang isang tao.

"I'm sorry!"napatigil ako ng konti at saka napalingon sa nabunggo pero patuloy lang ito sa paglalakad kaya umiiling na pumunta na lang ako sa parking lot.

Nakasakay na ako sa kotse ko at papunta nang kompanya. Hindi ko alam pero parang may naaamoy akong kakaiba. Isinawalang bahala ko na lang yon kasi minsa'y nag iiwan ako ng mga pagkain dito eh baka nakalimutan kong tanggalin.

Nang makarating sa kompanya ay tinigil ko ang kotse at bumaba. Naglalakad na ako patungong entrance nang bigla akong natumba dahil sa hilo. Rinig ko pa ang mga sigawan ng mga tao bago ako mawalan ng malay.

ROSE'S POV

"How about this? This looks good on you!"saad ni CJ habang sinisipat ang damit sa akin.

"Wag na! Yung mga kailangan ko na lang!"pagtanggi ko at pumunta sa hilera ng mga miniskrirts.

Ang sabi kasi ni CJ eh nagmessage daw sa kaniya si Asiton,but I prefer to call him Abo! Hahahahaha! Bilhan daw ako ng lahat ng kailangan ko.

"Ano ka ba naman, Rose! Hindi ikakamatay ng pinsan ko ang maliit na halagang to!"pagkontra sakin ni CJ.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang damit na hawak nya. Isa syang purple body con dress. Itinapat ko ito sa katawan ko habang nakatingin sa salamin. Minsan kasi'y may salamin ang isang botique pag ayaw ng bibili na magsukat sa fitting room ay dito nila pwedeng tingnan ang damit kung bagay ba, tamang sipat sipat lang.

Nangingiting tiningnan ko ang sarili. Bagay nga sa akin. Habang nakatingin sa salamin ay napapunta sa tag price ang mata ko. Agad na nanlaki ang mata ko sa presyo nito. Wala sa sariling naibalik ko kay CJ ang damit.

"Ayoko nyan, CJ! Hindi bagay sakin!"pagdadahilan ko at pumunta sa section ng mga lipsticks.

"Don't me nga, Rose! You smiled pa nga eh while looking at the mirror kanina!"angil ni CJ at saka tumungo sa sales lady na nakabantay samin.

"This. Include this!"sabi ni CJ kaya pumunta na din ako don at kinontra ito.

"No. Eto na lang."sabi ko saka kinuha ang damit at ipinalit ang limang lipstick na iba't iba ang shades.

"Ano ba,Rose!"si CJ saka hinablot ang dress "..Include this or I will fire you bitch!"naiinis na sabi nito sa sales lady kaya agad iyong kinuha ng sales lady dahil sa takot.

The Auctioned Lady Where stories live. Discover now