Hello! Thank's for reading my story🌸
-Author
________________________________________________Drex P.O.V
Were still here in Dean's office. Kakatapos lang ding e kwento ni Ivan yung nangyari sa kanila kanina.
Nagkaroon pa nga ng live bangayan dito. Yung nakabangga kasi ni Ivan na school announcer na si Ollie, hindi naniniwala sa kanya. Kesyo dahilan lang daw yun ni Ivan para makalusot.
[ FLASHBACK ]
"Sinungaling kang manyak ka!" - sigaw ni Ollie kay Ivan
"Lower your voice Miss Garcia were all here to solve your problem hindi mas palakihin." - matigas na sabi ni Dean
"Sorry po Miss. Yan po kasing manyakis na yan masyado sinungaling ang bibig, mangga-gago na nga lang, hindi pa ginagalingan." - Ollie habang nakayuko
"Watch your words Miss Garcia. You're still here in my office." - dean. Napayuko naman si Ollie. Kita sa mukha nya ang pagka inis nang sitahin sya ni Dean.
"Tsk... Wag ka ngang ma-embento Miss! And what did you say? Ako Manyak? Gago? I'm a lier? You're telling me that I'm a lier. Stop acting like a victim here Miss School Announcer. And don't judge me as if you really know the real story! " - inis na singhal rin ni Ivan kay Ollie.
"Hah! So you mean pa victim ako!? Ang lakas din ng loob mong sabihing nag iimbento lang ako no!? Ikaw ang tumigil, stop acting like an innocent jerk. Sa sobrang wili mo sa pwet ko hindi ka pa nakontento sa kalabit, at talagang pinisil mo pa ng mariin! Ano!? Malambot ba ha!? Anong felling ng nakapisil!?" - Ollie. Napatanga namin kaming lahat sa binunyag nya. Si Ivan naman ay muntikan pang mag reunion sa sahig.
"Aherm. Is that true Mr. Villa?" - dean
"W-what? N-no! Of course NOT!" - depensa nya
"Tsk! Ganyan ka naba ka desperadong pagtakpan ang kasalanan mo!? Hanep ka din e ano!?" - inis na ngisi ni Ollie
"What!? Ang sabihin mo, attention seeker ka lang talaga. Gusto mong magpapansin sa mga katulad ko. Bakit? BORED ka naba sa information area at talagang ako pa ang unang biniktima mo? You know what, kung bagot ka na sa trabaho mo, then get lost. Wag yung nang-aabala ka ng iba!" - Ivan at sigurado akong pikon na pikon na yan ngayon. Nakakapagsalita ba naman ng masama at mahabang tagalog. Bulol yan pag nagtatagalog e. Duda nga ako kung pilipino ba talaga to o special child lang talaga sya hahahah.
"Mr. Villa!" - sita ni dean
"Sumusobra ka na ah! Pagka tapos mo akong hipuan at sabihang nag iimbento lang ako, ngayon umaasta kang parang kilala mo na ang buong pagkatao ko! Saka mo sabihin saking bored na ako sa trabaho ko at titigil ako pag kilala mo na ako. Don't judge me like as if you know me WELL. Hindi mo ako kilala at lalong hindi mo alam ang takbo ng utak ko ngayon... tss.." - nalilisik na matang sabi ni Ollie saka padabog na tumayo.
"Where are you going Miss Garcia, were not yet done. " - dean
"I'm sorry Miss but I'm done here. I already told you what happened but it seems like no one could ever stand by my side at this moment. I agree on Miss Canitez said, This will just happen over and over again and end up like this. With all your due respect ma'am, can I go now?" -magalang ngunit malamig na sagot nya kay dean.
Wala namang nagawa si Dean kundi hayaan sya. Ikaw ba na naman sabihan ng 'with all your due respect' malamang mapapa oo ka nalang hahahah.
[ END OF THE FLASHBACK ]