Ilang araw ng ang nakalipas hindi pa din pumapasok si Mike.
Si Jake naman ay araw araw pa din hatid sundo si Ashley.
Araw araw din siya nito nililigawan.Pero napatunayan niya na hindi na siya buong masaya naiisip niya na si Mike.
Hinahanap niya na ito at namimis niya ito.Di na namalayan ni Ashley na nakabalik na si Carlito. Ngayon pala ulet ang First Day nito pagkagaling nito kay Devora ay pumunta agad ito sa Station niya.
Hi Ashley!! Masayang bati nito sabay lapit nito sa kanya.
Oh andito kana pala kumusta?
Ok naman nako nakapag file na din ako ng kaso laban sa nag upload ng video so ngayon medyo back to normal na ko.Nga pala Ana Juliet pasensiya na din kayo saken pero ngayon nako friend niyo na din ako this time totoo na.
Ngumiti lang ang dalawa kay Carlito, mas inaalala nila ngayon si Ashley.Eh ikaw kumusta kana pala?
Naguguluhan pa din ako hindi daw pumapasok si Mike?
Oo hindi isang linggo na.
Eh si Jake kumusta kayo?
Ayoko maging unfair sa kanya pero gusto ko ng tapusin yun sa amin.Gulat na napatingin si Ana at Juliet sa kaibigan.
Napatunayan ko ngayon na mas apektado ako nun si Mike yun nawala.
Nalulungkot ako sobra ayoko na lokohin yun sarili ko.
Pero hindi ko masabi kay Jake dahil ayoko siya masaktan.Alam mo beshie mas masasaktan siya kapag pinatagal mo pa kasi umaasa si Pogi eh. Wika ni Ana
Gawin mo Ashley kung ano sa palagay mo ang tama wika naman ni Juliet.
Sundin mo ang tibok ng puso mo.
Pagsabat naman ni Carlito.
Matamlay mag trabaho si Ashley nitong mga nagdaang araw ito pa naman ang training niya.
Susunod na linggo ay mag s start na siya as TM.***
Ng mag lunch sila ay sinubukan niyang tawagan si Mike.
Ngunit Hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.Tinawagan nalang niya ang kanyang Ina.
Hello Nak kumusta lunch mo ?
Opo may sasabihin po sana ako sayo.
May coconsult hindi ko na po kasi alam ano yun gagawin ko dahil parehas po silang mahalaga saken.
Si Mike at si Jake.Sino ba mas matimbang ? Pagtatanong ni Carmen sa anak.
Si Mike po! Mabilis na sagot ni Ashley.
Edi si Mike ang piliin mo !
Alam mo alam ko maiintindihan ka ni Jake. Kasi kung talagang mahal ka niya pababayaan ka niya kung saan ka masaya.Pagkatapos ng pag uusap nila na yun ng kanyang Ina ay tila mas nalinawan siya. Iba talaga ang payo kapag galing sa Ina.
Nag desisyon siya na pipiliin niya na si Mike.
Kakausapin niya si Jake pag kasundo nito sa kanya.
Alam niya na madami pang mahahanap ito na higit sa kanya sobrang saket para sa kanya na ang pangarap nila ay hindi na mangyayari. pero ito rin ang sumira sa lahat ng yun Kung hindi ito nawala hindi sana niya makikilala si Mike hindi siya mapapamahal sa iba.Kagaya ng dati ay sinundo ulet ni Jake si Ashley At ngayon ay hindi na ito naging mailap kay Carlito.
Lalo na at nakahingi naman na siya ng tawad dito.Hindi na din sumabay si Ana at Juliet sa kanila dahil alam ng mga ito na may mahalagang sasabihin si Ashley.
Habang nilalakbay nila ang daan pauwe kila Ashley ay biglang nag desisyon si Ashley na huminto muna sila sa Park para makapag usap.
Jake pwede ba tayo mag usap?
Sure ihinto mo muna diyan.
Habang naglalakad lakad sila ay may nakitang mauupuan si Ashley umupo muna sila doon.Gusto ko sana mag pasalamat sa lahat ng effort mo para saken. Alam ko na talagang hindi mo ginustong iwan lang ako noon at talagang nakabawi ka sa lahat. Alam mo Jake Mahal pa din kita. Maiyak iyak na si Ashley habang sinasabi yun kay Jake.
Pero galit ako sayo kasi sana hindi moko iniwan para hindi sana ako nahhrapan ng ganito ngayon.
Sana hindi ako nakahanap ng ibang mag papahalaga saken yun mamahalin ako.
Antagal kitang inantay balikan moko pero bakit umabot pa ng 7 taon bago moko binalikan.
Oo hindi tayo naghiwalay pero hindi ko na kayang mahalin ka ng buo.
Meron ka ng kahati sa puso ko at alam mo ba gano kasakit saken yun ?Ssshhh tama na pagpapatigil naman ni Jake kay Ashley.
Mahal na mahal kita Ash, pero ramdam ko na mahal mo din ang Boss mo tama ba ko?
Ayoko lang talaga tanggapin ayoko lang talaga isuko ka kasi sobrang mahal kita Ash...
Pero sabi ko nga kung saan ka mas sasaya ako pa maghahatid sayo.
Siguro nga tama ka ako ang may kasalanan kaya tayo umabot sa ganito.
Naging selfish ako noon hindi ko naisip na masasaktan kita masyado ko naging kampante na aantayin moko kahit anong mangyari. Maiyak iyak na wika ni Jake.
Kaso yun paa at puso ko sayo at sayo lang ako ibinabalik.
Inakap ito ni Ashley mahigpit na mahigpit pinaramdam niya dito na sobrang namis niya ito.
Jake Im sorry sorry talaga hindi ko sinasadya magmahal ng iba.
Inakap din siya ni Jake.
Sorry din kasi ako ang may kasalanan bakit tayo umabot sa ganito.
Pero ayoko na maging madamot basta pag dumating yun araw na iwan at saktan ka niya andito lang ako aantayin kita ako naman mag aantay sayo mahal ko.Matapos ang tagpong yun ay nagkaron ng pansamantalang katahimikan sa paligid nila.
May isa lang ako hiling sayo Ash bago ako tuluyang mawala sa buhay mo. Sana muli natin balikan ang lugar kung saan tayo madalas magpunta noon kasi yun memories na yun ang babaunin ko pagbalik ko ng US.. promise hindi na ko mang gugulo.
Bukas yun off mo pwedeng ibigay muna saken yun ?
Agad naman pumayag si Ashley tumango ito sabay ngiti sa binata.
BINABASA MO ANG
I'm the BOSS (Completed)
Short StoryKung Ikaw ay isang empleyado. Naranasan mo na bang magkaron ng napaka moody na boss? napaka demanding nakaka presure , mahigpit na wala sa lugar gusto laging siya ang nasusunod kasi Boss siya?? Kung Ikaw naman ang BOSS Naranasan mo na rin bang m...