Chapter 60

383 13 5
                                    

Oh bakit di mo sagutin Ash??
Sino yan ??nakangiting tanong ni Mike.
Kanina pa tunog ng tunog ang phone mo.
Nag aalangan siyang sagutin ang telepono dahil baka bulyawan na naman siya ni Carlito. Na baka mamaya eh mag away na naman sila.
Kinuha ni Ashley ang phone at sinagot ang tawag.

Hello!
Ash kumusta ? Congratulations!!
Salamat ikaw kumusta ka ? Okay naba yun pakiramdam mo.
Oo salamat sa pag tanong.
This time totoo na Ashley gusto ko makipag ayos sayo.
Okay na din ako sa Family ko naayos ko na kaya sana sa work ko maayos ko na din.
Magsisimula ako ulet sana bgyan moko ng pagkakataon.
Alam mo lahat ng tao deserve ang 2nd chance sa buhay.
Si Mike kumusta? Nakita ko yun party tanggap ko na Girl ikaw na sayo na ang Corona pagbibiro pa ni Carlito.
Ito si Mike.
Sino to ?
Carlito. Ni loudspeak ni Ashley ang phone dahil nag da drive ito.

Hey Carl wazzup!!
Okay lang Congrats nga pala. Sensiya kana din saken.
Kasi naman crush lang kita pero noon yun hehe.
Sige makikipag usap nalang ako kay Ashley bukas siguro off niyo naman.
makikipag kita ako.
Ako nalang pupunta sa knla hindi din kasi ako pwede pumunta sa kung saan gat di pa nahahanap ang nag upload ng video.
Sige sabihan mo lang ako sa oras.
Sagot ni Ashley.
Sige ingat kayo Byeee!!
Muling naka received ng tawag si Ashley mula kay Jake ng malapit na sila ni Mike sa bahay ni Ashley.
Naka mute kasi ang notif nito kaya hindi niya nababasa lahat ng messages nito mula kanina pa. .
Pinatay ni Ashley ang phone niya
Ng makarating sila sa knila ay gabi na din agad na dn nagpaalam si Mike kay Ashley dahil gabi na..hindi na din sila nakapag usap pa sa status nila basta ang alam ni Mike nagkakaunawaan na sila.

Binasa ni Ashley ang message ni Jake bago matulog..

Nakita ko yun Video mo promoted kana pala as TM congrats Ashley and yun isa naman nililigawan ka ng Boss mo.
Sinagot mo na ba siya?
Gusto ko lang ipaalam sayo hindi pa tayo tapos. Hindi nga tayo nag break eh. May dahilan bakit kita iniwan. Hindi lang yun basta lang. Wala akong ibang minahal kung hindi ikaw lang.
Sana pumayag ka na magkita at magkausap tayo. Gusto ko magpaliwanag sayo pero kung ikaw talagang di na pwede maayos. Closure na lang pag nagkita tayo.
Di makakaila ni Ashley sa kanyang sarili na may nararamdaman pa din siya kay Jake. Di lang siya sigurado. Natatakot siya na pag nakita niya ito ay bumalik ang lahat.

Nireplyan niya ito ng..
Sige papayag ako magkita tayo. Sabihan nalang kita kung kailan.

Salamat Ashley.

***
Kinabukasan maagang nagising si Ashley at ang kanyang Ina.
Para mag luto para sa bisita.
Alam mo anak masaya ako at mag kakaayos na kayo ng Boss mo.
At masaya ako para sayo sa inyo ni Mike. Pagtutukso ng kanyang Ina..
di pa po kami oh ehh bakit hindi mo siya sagutin? Ayaw mo ba kay Mike anak?
Gustong gusto po kaso alam mo naman pinagdaanan ko diba?
Isa pa po si Jake nagparamdam ulet saaken.
Oh anong sabi mo ? nag aalalang tanong ni Carmen.
Nakikipag kita siya saken.
pumayag ako dahil gusto ko ng closure. Hindi ko kasi alam bakit niya ko iniwan noon maiyak iyak na sagot ni Ashley.
Gusto ko din ng sagot sa tanong about dito ipinakita ni Ashley ang litrato ni Carlito at Jake sa Ina.
Kung yan ang makakapag patahimik sayo susuportahan kita Anak..

Salamat po..

Pero sana Anak bigyan mo ng pansin si Mike alam ko na gusto mo din siya o mahal mo din siya pero natatakot kalang na maulit ang Lahat.

Totoo ang sinasabi ng kanyang Ina..

Di nagtagal ay dumating na din si Carlito.
Meron itong dalang Cake.
Nag abala kapa wika ni Ashley .
Nag bless si Carlito kay Carmen.
At iniabot ang cake dito .
Teka kukuha ko kayo maiinom salamat dito hijo.

Ashley sana mapatawad moko kasi insecure ako sayo ikaw maganda ako chakang bakla tapos si Mike gustong gutso ko ikaw ang gusto.
Tapos d ko maintindihan bakit galit na galit ako sayo. Siguro kasi
Ikaw may pamilya kang mahal na mahal ka. Ako wala ikaw matalino ka ako alam naman natin hindi.
Natatakot ako na makuha mo ang lahat at mawala ang lahat ng pinaghirapan ko.
Pero sobrang salamat at kahit ganon ang ngyari hindi ka pa din nagdalawang isip na tulungan ako patawarin mo din ako kasi sinubukan kong ibagsak ka.

Alam mo nandito lang ako kasi tinuring kitang totoong kaibigan..

Salamat inakap ni Carlito si Ashley..
Pero may kailangan tayo pag usapan pa.
Ano yun ?
Kilala mo si Jake Santos?
Sinong Jake?
Pinakita ni Ashley ang larawan.
Nakita ko yan nun nag ayos ako ng mga files mo nakaipit sa form.
Ito ang ex boyfriend ko malungkot na sagot ni Carlito kay Ashley.
Siya din ang dahilan bakit nagkasakit ang Papa ko.
Nahuli kami noon sa bahay namin na may ginagawang hindi maganda.
Sa galit ng papa ko nabugbog siya. At syempre ako dun na din nagsimula ang galit saken ng pamilya ko. Ito ang dahilan bakit nasira ang buhay ko.
Teka bakit mo natanong.
Nandito na siya sa pilipinas alam mo ba ? Tanong ni Ashley..

Bakit nag abroad ba siya?

Teka kilala mo ba ito?

Oo siya ang First Love ko.
Simula Elementary magkaibigan na kami Highschool hanggang college.
Highschool nun pinili namin maging kami. Nangarap na sabay ga graduate.
Sobrang mahal na mahal ko siya naiiyak na kwento ni Ashley kay Carlito.
Siya ang dahilan kaya muntik ako di maka graduate muntik masira ang buhay ko akala ko hindi ko na maayos ulet ang sarili ko.
Hindi kami naghiwalay bigla lang siya nawala. Kaya hindi ako magkaron ng bagong karelasyon dahil antagal kong inantay na babalik siya. Dahil noon sa lahat ng bagay lagi kami magkasama nagtutulungan..
Hanggang sa kahapon lang tumawag siya saken nagparamdam. Gusto makipag kita parang walang ngyari.
Nag react pa nga siya sa surprise ni Mike.

Saglit lang naging kami Ashley.
Alam ko noon na pera lang ang kailangan niya saken. Ako naman kasi ang naghabol sa kanya at nangulet dahil nga gwapo di ko expect na mahuhulog ako sa kanya niligawan ko siya bnbgyn ko pambaon at yun nga dinala ko siya samen at yun inabutan kami nila mama. Pero walang ngyari samen Ash kasi hindi natuloy..
Ikaw siguro yun kinukuwento niya na babaeng papakasalan niya.at sinabi ko sa sarili ko pag nakita ko yun babaeng yun papatayin ko siya.
Kaya siguro mainit ang dugo ko sayo ngayon alam ko na..
Pero bakit ganon no ikaw talaga ang gusto nila.
pero sa katulad ko naman na bakla eh mahirap na makahanap ako ng straight na magmamahal saaken.

Ang pagibig walang pinipiling kasarian yan may nakalaan dn para sayo.

Gusto mo makipag kita sa kanya Ashley? Gusto mo samahan kita ng makabawi naman ako sayo?
Pero teka Ashley ano bang lagay niyo ni Mike kung naguguluhan ka ngayon kay Jake.
Mahal ko si Mike Kaso natatakot ako dahil alam ko di pakami tapos ni Jake at alam ko kung ano ang kaya niyang gawin.
At natatakot ako masaktan ulet.

Sorry nadinig ko kayong nag uusap.
Nakuwento din ni Ashley saken yun Carl. Pero kung desisyon niyo makipag kita sa kanya. Mag iingat kayo ha.

Naka received ulet si Ashley ng chat mula kay Jake.
Nag aaya ulet ito makipag kita.
This time sumagot na siya ng Oo dito.

Ansabi ko ma dito nalang sa bahay diyan nalang kami sa may gate natin mag uusap. Nagpipilit din naman siya pumunta dito.
Mas mainam nga yan Anak ng di ako mag alala masyado.

Teka di ata ako ready makita siya maganda na ba ko Ashley?
Pagbibiro pa ni Carlito.

I'm the BOSS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon