Chapter 42

423 12 2
                                    

Kahit maghapon pagod sa trabaho ay patuloy na inaasikaso ni Carlito ang kanyang mga kapatid at kanyang Ina.
Hanggang mailagay nito ang mga gamit sa kwarto nila.
At inihanda niya ang pagkain nila sa hapunan.
Susunod nalang daw ang kanyang Ama isa pang ate at mga pamangkin.
Naka schedule kasi ang papa niya sa check up nito.
Hays salamat andito na din tayo Ma napagod ako agad inakap ni Carla ang bunsong Anak na si Cindy.
Bukas carlito andito na sila James saka yun mga bata. wala kabang ihahanda bukas pa welcome man lang sa kanila ? Pag tanong ni Carla Kumakain sila noon ng kanilang hapunan.
May pasok ako bukas Ma. Magalang na sagot ni Carlito sa Ina.
Edi mag iwan kanalang samen ng pera. kami na bahala mag luto. Idea ito ng kuya niyang si Johnny. Sahod mo naman kanina diba ? Kaya nga ngayon namin napiling lumuwas tinignan ni Carlito ng masama si Johnny. Mag iwan kanalang ng pera ako na magluluto.tila nawalan ng gana si Carlito kumain. Hindi na niya tinapos ang kanyang pagkain at nagpaalam na siya sa kanyang Ina.
Sige po matutulog nako may pasok pako bukas.
Malungkot na umakyat si Carlito sa kanyang kwarto.
Aba teka sino maghuhugas nito ? Pasinghal na tanong ni Carla.
Baka ikaw Ma, yun gusto ni Carlito pag hugasin. Pag gatong ni johny sa Ina.
Aba! aba! Aba! Bisita kami dito ha!  Naiinis na tono ni Carla
Kahit pagod at masama ang loob pinilit pa din ni Carlito maging magalang.
Ilagay niyo lang sa lababo ako bahala diyan. Maiyak iyak niyang sagot sa Ina sabay talikod.
Good sagot ni Carla at bumalik na ito sa pagkain.

Kuya Wala kabang stocks na chips ? Manonood kami mamaya ni Mama.
Pagtanong ni Cindy.
Hindi niya na sinagot ang bunsong kapatid. At tuloy tuloy ng umakyat si Carlito sa kanyang silid.

Hindi niya napigilan ang kanyang luha.
Karma ko ba to? Ambilis naman po.
Alam ko po hindi ako ganon kabuti pero ang pamilya ko bakit sila ganon saken?
Naiiyak na tanong ni Carlito habang nakahiga sa kanyang kama.

Maagang nagising si Carlito maayos na ang kanyang pakiramdam. Sa sama ng loob ay nakalimutan niya na mag palit ng damit at maghilamos.

Agad siyang nag ayos at bumaba
Para magluto ng kanilang almusal.
Sinangag ,Tocino, Tapa, egg at hotdog ang inihanda niya para sa kanyang pamliya . Gumawa na din ng chocolate na paborito ng kanyang bunsong kapatid.
Di nagtagal ay bumaba na din si Carla.
Goodmorning Ma, bati niya sabay halik sa piangi ng Ina.
Tinignan lang ni Carla ang inihanda ni Carlito hindi siya sinagot nito.
Mabuti naman at nagluto kana.
Si kuya at cindy Ma?
Nako tulog pa yun. Kumain kana diyan mamaya na kami sagot ni Carla habang binubuksan ang TV .

Nako sabay sabay tayo kakain. Namis ko kayo kasabay kumain.
Saka Ma, mamaya magluto nalang siguro mag iwan ako sayo ng pamalengke.
Oo sige iwan mo nalang diyan.
Habang naghahanda si Carlito di nagtagal ay bumaba na si Johnny kasabay si Cindy.
Wow almusal salamat ! Sarap nito sabay kuha nito ng hotdog.
Ano ba kuya wag mo kamayin.
Pag saway ni Carlito. Sabay tapik sa kamay ng kuya niya.
Cindy umupo kana diyan ito chocolate para sayo.
Ma, kain na tayo!
Sumunod naman si Carla at si Johnny sa lamesa.
Alam niyo ansaya ko kasi ksabay ko kayo.
Ngumiti lang si Carla habang kumukuha ng tocino. Pag tapos kumain iligpit at hugasan muna ito Carlito bago ka pumasok. Pag uutos ni Carla sa Anak.
Teka ma bakit ako si kuya nalang.
"Ikaw na Tol ako susundo kila papa mamaya iwan mo sasakyan mo ha.
"Ano? Hindi pwede ! Wala akong sasakayan. Pagtutol ni Carlito sa kapatid.
Ma, pano ba to ayaw pumayag? Pag bulong ni Johnny sa Ina.
Hoy Carlito iwan mo susi ng sasakyan mamimili din kami.
No ma! Mag taxi nalang kayo.
Oh sige mag iwan ka ng pan taxi.
Dagdagan mo pag sundo pa sa mga pamangkin mo. Pahabol ni Carla sa Anak.
Hindi na kumibo si Carlito at kumain nalang. Matapos kumain ay nag alisan na agad ang mga ito sa lamesa para manood.
No choice si Carlito kung hindi mag hugas ng pinagkainan kahit siya ang nagluto. Agad din siyang gumayak para sa kanyang pag pasok.
Bago siya lumabas tinawag niya na ang kanyang Ina para mag abot ng 3000 dito. Ma, pan taxi at pambili ng food para mamaya. Ito lang? Kulang to dagdagan mo pa 1000. Pasinghal na tanong ni Carla.
Kahit nakasimagot ay dinagdagan naman ito ni Carlito.
Habang nagmamaneho papasok sa trabaho ay malungkot si Carlito. Kailan kaya siya matatanggap ng kanyang pamilya lalo mamaya magkikita sila ulet ng kanyang Ama.
Napabuntong hininga nalang si Carlito. Di nagtagal ay nakarating na siya sa opisina.
Nagulat siya ng masalubong si Mike ay nakangiti ito sa kanya.

I'm the BOSS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon