Chapter Eighteen

22.4K 371 7
                                    

"What happened to her?" Iyon agad ang tanong ni Zeke ng makapasok siya ng mansion. Abot abot ang kabang nararamdaman ni Zeke dahilan para halos liparin ng sasakyan niya ang kalsada,  upang mabilis na makarating sa bahay niya.
Pagkapasok na pagkapasok niya ng bahay au dumiretso siya agad sa kwarto niya at doon ay naabutan niya ang kapatid at ang OB na kaibigan nito sa tabi ng dalagang walang malay.

Agad na lumapit si Zeke kay Zane at hinawakan ang pisnge at kamay nito. Puno ng pag-aalala ang buong sistema niya. Hindi niya alam ang gagawin niya kapag may mangyaring masama sa babaeng mahal niya. Bumaling siyang muli sa kapatid at OB na kaibigan nito at muling nagtanong.

"What happened Zai? Clarise? Is she okay? How's our baby?"

"She's okay now. But I suggest you to take her on the hospital tomorrow. If you don't mind, I'll go now, mukhang kailangan niyong mag-usap ni Zairene. " seryosong saad ni Clarise kay Zeke.

"Thank you" sagot lang ng binata at umupo sa tabi ng dalaga. Tumango lang si Clarise at nagpaalam na rin sa kaibigan.

Pagkalabas ni Clarise sa kwarto at bumaling muli si Zeke sa nakakatandang kapatid na blangko ang tingin at tila malalim ang iniisip.

"She's back. Nandito na sila Zeke"

"Who? "

"Orion's Mafia. Kasama nila si Alexa, sister of Athena. Nakasalubong ko siya ng papunta akong banyo para sundan si Zane dahil masyado na itong nagtatagal. Hindi niya ako nakita pero nakita ko siya. Susundan ko sana siya pero naalala ko si Zane, kinutuban agad ako kaya dali dali akong pumasok sa banyo. "

Huminga muna ng malalim si Zairene habang seryosong nakikinig naman si Zeke sa kapatid. Orion's Mafia is their rival Mafia in the underworld. Hindi niya alam na kabilang ang kapatid ng dating kasintahan sa grupong iyon. Alexa is bitch. Obsessed ito sa kanya. Muling itinuon ni Zeke ang atensyon sa kapatid ng magsalita muli ito.

"Then, I saw here in the rest room. Crying and unmoving. Tulala lang si Zane, parang wala siya sa sarili niya. Hindi nga niya ako pinansin, nagpatinaod lang siya ng inakay ko siya pauwi. Hanggang sa makauwi kami hindi siya nagsasalita. Patuloy lang siya sa pag-iyak at ang mata niya.. "

Napatigil si Zairene sa pagkwekwento ng maalala niya ang blankong expression ng dalaga.

"What's with her eyes? "

"Her eyes was lifeless Zeke. Para siyang nakakulong at lutang isip niya sa kung anong pangyayari. Nakakatakot. "

"Call our private doctor. Also the gang, we well have a meeting tomorrow. Tell them it's important. "

Tumango lang si Zairene at umalis ng kwarto. Naiwan si Zeke sa tabi ng dalagang hanggang ngayon ay tulog pa rin. He left the important meeting and lose billions because of this. But he doesn't care. Zane's safety is his first priority. Zane and his child first before anything else.

"Wake up now my angel. You made me worried. Please open your eyes baby. I love you." Bulong ni Zeke sa dalaga at hinalikan ang noo nito.

Umalis si Zeke sa tabi ng dalaga at kumuha ng damit sa closet. He needs to take a bath and lay beside his woman.

Zeke feels the familiar feeling when he's with Zane. The unexplainable happiness and contentment. Humiga siya sa tabi ng dalaga at niyakap ito. Hinaplos at hinalikan niya rin ang tiyan nito. Apat na buwan pa lang ang tiyan ng dalaga pero malaki na ito. Hindi niya tuloy maiwasang isiping baka kambal ang anak nila. Pero wala namang binabanggit si Zane sa kanya tungkol sa gender ng anak. Gusto daw kasi nitong surpresahin siya. Napangiti na lang siya sa isiping iyon at mas isiniksik ang dalaga sa kanya.



"KUMUSTA ang naging lakad mo?" Tanong ng matandang lalaki sa babaeng kapapasok lang ng opisina niya.

Ngumisi ito sa kanya at kinuha ang baril na nasa center table.

"Absolutely good Master. The confusion is visible in her eyes. I am very sure na hanggang ngayon ay wala pa ring ideya ang girlfriend ni Zeke sa katauhan ng nobyo niya, base na rin sa reaksyon niya kanina nang kausapin ko siya sa loob ng banyo. "

"Magaling Alexa, magaling. Hindi na ako makapaghintay na mapabagsak ang mga hayop na Mondragon na yan. Isa silang malaking tinik sa lalamunan ko"

Tumawa naman si Alexa sa sinabi ng matanda at umiling.

"Just make sure na mapapasaakin si Zeke sa huli. Hindi mo siya pwedeng pakialaman at saktan. He's mine Master, I hope hindi ka ssisira sa usapan natin"

Tumawa naman ng mapang-uyam ang matanda.

"Alexa, Alexa, Alexa. Baka nakakalimutang mong may girlfriend na ang Mondragon na iyon at nagdadalang tao."

"At baka nakakalimutan mo rin master na ang kapatid ko ang unang minahal ni Zeke Master. "

"Haha. Masyado kang obsessed sa Mondragon na iyan Alexa. Ikakapahamak mo yan balang araw. "

"Wala akong pakialam sa bagay na iyon. Pinatay ko na si Athena para wala ng sagabal sa pagmamahal ko kay Zeke, at hindi ako magdadalawang isip na gilitan din ang leeg ng kasintahan niya ngayon. Zeke is mine. Gagawin ko ang lahat para makuha siya. "

Mungkahi ng dalaga at hinimas ang baril na hawak at itinutok iyon sa isang vase bago paputukin. Umalingawngaw ang tunog ng baril sa loob ng opisina pero walang kibo lang ang matanda habang nakikinig sa dalagang mababakas ang determinasyon sa mata.

"Nagawa ko ngang patayin ang kapatid ko at paglahuin ng parang bula, ang girlfriend niya pa kaya na mukhang mahina at walang alam sa nangyayari? Tsk tsk! "

Hindi na lamang sumagot ang matanda ang umiling na lamang sa tinuran ng dalaga.

' Too much love will kill you Athena, but your feelings isn't love. It's obsession, and obsession will make you crazy and will cause your death in the future'

"I wish you a good luck then my dear. Give me a show na masisiyahan ako sa pang aakit mo sa Mondragon"

"Of course I will. I will do that for you Uncle. "

Sabay na ngumisi ang dalawa at tiningnan ang pyramid pictures na nakadikit sa dingding. Nasa pinakatuktok nun' si Zandro, ang ama ni Zeke. Ang dating kaibigan na umagaw sa babaeng mahal niya na ngayon ay ang ina ng lalaking kinabaliwan ng dalawang pamangkin niya.

'I will make you pay my dear best friend. I will make sure you will suffer and feel the same pain I felt decades ago. I make sure od that'












_____________________
A/N: Katatakot ang mga babaeng katulad ni Alexa. Nakakatakot talaga ang sobrang pagmamahal. Nakakabaliw ng sobra. Well, hope you like my update! Enjoy reading!

Don't forget to comment, vote and react.

Don't forget to follow me on my social accounts and vote this story.

Twitter : iamshiryl_abad
IG: imshirylabad
Wattpad: Sashime_Sushi
FB: Sashime WP

Groups:
Wattpad/Ebook Stories (WESOG37)
WESOG37 Spotted

Mafia Series 1: A Hot Night with a Mafia King (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon