Chapter Twenty Four

19.2K 359 10
                                    

NAKAAWANG ang labi ni Thalia habang nakatingin sa anak niyang si Zeke. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula rito. Hindi niya akalain na sasagutin siya ng ganun ng anak niya. Tiningnan niya ang asawa niyang si Zandro upang tingnan ang reaction sa mga mata nito. Tahimik lang ito at kanina pa nagsasalita. Sa mga oras na iyon ay alam niyang parehas sila ng iniisip ng esposo.

'Very good indeed'

AGAD na napabaling ang atensyon ng mga tao sa mansion ng may biglang pumasok. Sina Zairene iyon at ang mga kaibigan ni Zeke. Ang mga ito'y agad na lumapit sa pwesto nila Zeke at humarap rin sa magulang ng kanilang kaibigan.

"Are you okay? Sinaktan ka ba nila?" agad na tanong ni Zairene kay Zane.

"I'm fine. A little bit nervous inside but O can manage. Don't worry" sagot ni Zane kay Zairene. Napahinga naman si Zairene dahil dun'. Pagkuwa'y humarap siya sa mga magulang at masamang tiningnan ang babaeng kasama nito.

"So the bitch is still alive?" Ismid na wika ni Zairene kay Athena. Athena just rolled her eyes at sinamaan din ng tingin ang dalaga.

"Yes I am. How are you Zairene? It's been a long time. Hanngang ngayon ba ayaw mo pa rin sa akin? How sad, I'm your brother's fiancee and soon I'll be your sister in la-"

"Not gonna happen whore. My brother is already married. Kasal na siya sa babaeng mahal niya at hindi sayo. Si Zane lang ang mahal niya at gusto kong maging sister in law. Ayoko sa isang peke, malandi at bait baitang tulad mo. Hindi mo deserve ang kapatid ko at malayo ang agwat niyo. Basura ka, tao ang kapatid ko. " mapang-insultong sabi ni Zairene kay Athena na nanggagalaiti na sa galit.

"You! How dare you! " inis ni Athena kay Zairene.

"Yea how dare me? Unang kita ko pa lang sayo, hindi na kita gusto sa kapatid ko. And oh, alam mo bang nagpa party ako ng namatay ka? Ang saya ko nga eh wala ng basurang dala dala ang kapatid ko. Tsaka iniisip mo ba talagang mahal ka ng unggoy kong kapatid? Think again bitch, hindi nga yan nagluksa ng namatay ka eh. Yes nagalit siya sa magulang namin. Sino ba ang hindi? Kahit sinong bata basta agawan ng laruan siguradong magagalit. You know what I mean? Galit lang si Zeke kasi nawalan siya ng laruan. Laruan ka lang niya sa kama, nagtagal lang kayo dahil trophy girlfriend ka lang at magaling sa kama. Hindi ka niya mahal. Dahil kung mahal ka niyan, dapat pinahanap ka niya ng bigla kang nawala o kaya nag imbestiga man lang siya sa pagkamatay mo 'kuno'. Get's mo ba ako? Gising ka na ba sa ilusyon mo? " mahabang lintaya ni Zairene na nagpainit lalo sa dugo ni Athena.

Napatawa naman dun' ang mga kaibigan si Zeke. Maging si Zeke ay natawa sa sinabi ng kapatid niya. Zairene is not Zairene if she's not savage and sarcastic. That's what he likes in his sister attitude. Zairene is a fighter.

"Ngayon ko lang na realize na tama ang sinabi ni Zai. Hindi ko nga talaga mahal si Athena" natatawang bulong ni Zeke kay Zane. Kinurot lang ni Zane si Zeke sa tagiliran at natawa na rin. Mas naging confidence si Zane sa narinig mula kay Zairene. Hindi niya alam kung matatawa o maaawa siya kay Athena, pero dahil nagpupumilit itong maging fiancee ng asawa, neither ang sagot niya.

"Trixie Zairene! Bawiin mo ang sinabi mo kay Athena! She's your brother fiancee! "
Sigaw ni Thalia sa anak na babae. Maging ito ay sumasagot na rin sa kanya. At lahat ng iyon ay dahil sa babaeng kasama ni Zeke. Ang laki ng pinagbago ng mga anak niya dahil lang sa isang babae.

"Hindi ko babawiin kung ano ang totoo mom. Truth hurts Athena diba? So back ofd bitch, tigilan mo na ang ilusyon mo. " mataray na sabi ni Zairene kay Athena at pagkuway ibinaling ang tingin sa mga magulang. Walang emosyong nakatingin ang ama nila sa kanila. That's new, dahil ito ang laging nagsasalita at nangangaral sa kanila, habang ang mommy nila ay kalmado lang at laging nakapustura. Hindi katulad ngayon na kulang na lang ay umusok ang magkabilang tainga nito sa galit.

"And mom, dad, we respect you as our parents. Simula pagkabata hanggang paglaki ay lagi niyong pinapakialaman ang buhay namin. Noon pinapalampas pa namin iyon dahil iniisip namin na siguro makakabuti iyon sa amin. Dahil wala naman sigurong magulang na ilalagay ang anak nila sa kapahamakan diba? Naging sunod sunuran kami ni Zeke sa inyo, kahit labag sa loob namin ang pinapaggawa niyo. Pero ngayon? Hindi na ako papayag na pati bagay na magpapasaya sa kapatid ko ay sirain niyo. I love you mom and dad, but I love my brother more. " lintaya muli ni Zairene dahilan para mapatulala lalo sa kanya ang ina.

"Mom, dad, kahit wala kayo sa tabi namin habang lumalaki kami, nirerespito pa rin namin kayo. We still care for you as our parents. Without the two of you we're not here in this world. We love you mom and dad but, I love my sister, friends and my wife. I love my family. Kung ipagpipilitan niyo pa ring ipakasal ako sa babaeng akala ko minahal ko, nagsasayang lang kayo ng oras at laway. Kasal na ako, mahal ko ang asawa ko at ang asawa ko lang ang papakasalan ko ng paulit ulit. Kung patuloy pa rin kayong mangingialam sa desisyon ko then do it. Wala na akong pakialam, disown me if you want. I don't care anymore. Now, of you don't mind, excuse us. Kailangan ng magpahinga ng asawa ko. You can eat here and sleep, the guest room is clean. Let's go"

Hinawakan ni Zeke sa kamay si Zane at inakay paakyat ng hagdan patungo sa silid nila. Sumunod naman si Zairene at ang mga kaibigan ni Zeke. Habang tigalgal na naiwan roon ang ina nila at walang emosyon na nakikinig ang ama. 

Nanlilisik naman ang mata ni Athena sa nangyari at tumuon ang tingin niya sa babaeng akay akay ng binata.

'I will fucking kill you! '














_______________________
A/N: Sa sobrang hina ng signal ay nag llog pati wattpad app ko. Nag lloading ako FB ko at hindi ko maupdate ang chapter ng maaga. Nakakairita ang signal. Sarap i rant ng Smart network.

Mafia Series 1: A Hot Night with a Mafia King (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon