Chapter Thirty Three

19.9K 359 9
                                    

MAINGAT na inilagay ni Alfonso ang bulaklak na dala sa isang puting lapida. Hindi niya akalaing darating ang oras na ito. Ang oras na kung saan mapupuno ng pagsisisi ang puso niya. Binalot siya ng sariling galit, nagpadala siya sa emosyon niya kung kaya'y pati ang taong mahalaga sa kanya ay nawala.

Pareho lang silang nagmahal ngunit sa magkaibang tao at dahilan. Kung sana ay maaga kong natanggap ang katotohanan ay na sa labang pinilit kong simulan ay talo na ako. Sana ay napangaralan at naalagaan ko ng maayos ang pamangkin ko.

"Patawarin mo ang uncle mo Alexa, hindi naging maayos ang pagpapalaki ko sa inyo no Athena. Iniwan kayo ng magulang niyo sa akin para alagaan pero hindi ko nagawa. Tinuruan ko kayong maging sakim at mapaghigante kaysa sa mabuting asal. Kung sana naging mabuti akong uncle niyo, sana ay naranasan niyo pa ang mabuhay ng mahaba at maging masaya. Siguro ay may pamilya na kayo at asawang totoong nagmamahal sa inyo, kung sana maibabalik ko pa ang oras para itama ang mali ko para gabayan ay ginawa ko. Patawad mga pamangkin ko, naging bulag at mahina rin ako. Sana ay patawarin niyo ako."

Lumuluhang lintaya ni Alfonso sa lapida ng dalawang pamangkin. Hinaplos niya ang mga iyon at hindi mapigilan ang sarili na yakapin ang mga lapida na iyon sa huling sandali.

"Tama na yan. Kunin niya na iyan, kailangan na niyang madala sa presinto. Pupunta pa roon si Mr. Mondragon. "

Hinawakan sa magkabilang braso ng mga pulis si Alfonso at itinayo ito mula sa pagkakayakap sa mga lapida. Nakayuko at lumuluha lamang ang may kaedarang lalaki habang inaakay ng mga pulis papunta sa sasakyan ng mga ito. Nang makasakay sa police car si Alfonso ay hindi niya mapigilan na hindi maluha habang inaalala ang nakaraan nila ng dating kaibigan.

*F L A S H B A C K*

"Aray tama na!" Sigaw ng batang Alfonso sa mga kapwa kabataan na binabato siya ng putik at ng kung ano ano. Hindi mapigilan ng batang Alfonso ang hindi mapaluha ng makita ang madumi niyang damit dahil sa mga putik na binato sa kanya. Lagi na lamang tampulan ng tukso ang batang Alfonso sa tuwing nasa park siya at naglalaro. Wala ang personal yaya niya dahil tinakasan niya ito, kaya't heto siya ngayon inaasar at binabato ng mga bata dahil sa hitsura niya. Isang matabang bata na bungi.

"Hindi niyo ba alam na masamang mang-away? Gusto niyo bang mapunta sa Hell?"

Napaangat ng tingin si Alfoso ng may batang tulad niya ang nagsalita. Nakatalikod ito sa kanya at prinoprotektahan siya sa mga batang nangangaway sa kanya. Naka maong short ito, white shoes and gray shirt. Nakapamulsa din ito at cool na cool na nakatayo habang nagsasalita.

Hindi pa naman nakikita ng batang Alfonso ang mukha ng batang nagtatanggol sa kanya ay napahanga na siya nito. Nagkaroon siya ng lakas loob at sinabi niya sa sarili na balang araw ay magiging katulad niya rin ang batang iyon.

'Gusto ko siyang maging magkaibigan.'

At yun nga ang nangyari ng araw na iyoj hanggang sa makalipas ang ilang taon. Naging matalik silang magkaibigang dalawa. Close na close at parang magkadikit na ang bituka dahil sa turingan nila. Kulang na lang ay magpalit sila ng mukha.

Sa kanilang dalawa, siya ang maingay, makulit at laging mastermind sa kalokohan. Habang si Zandro naman ang tahimik, big brother niya at taga suporta sa bawat kalokohan niya. They're partner in crimes. Lahat ng sekreto at mga gusto nila ay alam ng bawat isa.

"Sa hirap at ginhawa, sa kalokohan o kabutihan, pangako hanggang kamatayan, tayo'y magkaibigan."

Sabay na natawa ang binatang Alfonso at Zandro sa sinabi nila. Mula pagkabata ay iyan na ang pangako nila sa isa't isa. Na hanggang sa huling hininga ay magkaibigan pa rin sila. Pero katulad nga ng kasabihan 'Promises are meant to be broken' at iyon ang nangyari sa kanila ng matalik na kaibigan.

Mafia Series 1: A Hot Night with a Mafia King (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon