Chapter Twenty One

21.8K 412 19
                                    

ANG Buong akala ni Zane ay hindi seryoso ang binata ng sinabi nitong magpapakasal sila sa araw na iyon. Nang lumabas sila ng mansion nito ay bumiyahe agad sila papuntang Baguio. Nagpaalam muna ito sa OB niya para humingi ng Go Signal kung pwede ba siyang bumiyahe ng malayo. Ngumiti at pumayag naman ang OB niya, basta't smooth lang ang magiging biyahe.

Helicopter na pagmamay-ari ng binata ang sinakyan nila papunta roon. Bago magtanghali ay naroon na sila. Akala niya ay didiretso na sila sa 'Venue' kuno ng kasal nila pero hindi. Nag check in sila sa isang hotel para kumain at maligo. May dumating ring mga babae para ayusan siya. Si Zeke naman ay nagpaalam sa kanya na mauuna nang pumunta sa venue. May pupunta raw dito para sunduin siya.

Halos buong isang oras siyang nakaupo at nakapikit habang inaayusan. May naglilinis ng kamay niya, paa at nag m-make up. Ang buong akala niya ay magmumukha siyang clown dahil sa tagal ng pag-aayos sa kanya, pero nagulat siya ng hindi.

Nang sinabihan siya ng make up artist na dumilat ay halos hindi na niya makita ang sarili sa salamin. Hindi niya ugaling magbuhat ng sariling bangko, ngunit sa mga oras na iyon, hindi niya maiwasang hindi purihin ang sarili niya. Ang ganda niya.

"Mukha kang Dyosa ma'am! Ang ganda ganda mo! " papuri ng make up artist sa kanya.

"Oo nga ma'am, ang ganda mo. Para kang manika. Kay gandang buntis." Puri ng manikurista sa kanya. Ngumiti lang siya sa mga ito at nagpasalamat.

She's wearing a color white tube dress. Hanggang tuhod niya lang iyon with 1 inch sandals na silver. May hawak siyang parang magic wand sa kamay at may bulaklak na nakapalibot sa ulo niya. She look like a goddess at her outfit. It looks so simple yet elegant. Napangiti siya dahil doon. Hinimas niya ang may kalakihan na tiyan at pinakiramdaman ang mga anak niya. Limang buwan na lang at makikita na nila ito. Hindi na siya makapaghintay.

Exactly 2:30pm ng dumating ang sinasabing mga sundo ni Zeke. It's ate Zairene and Ralph. She smells something with this two, lalo na makita niya ang mga braso ni Ralph sa mga bewang ng ate ni Zeke, na mabilis naman nitong inalis ng makapasok sa silid na kinaroroonan niya.

"Puputulin ko yang kamay mo! " maliit na boses na singhal ni ate Zairene kay Ralph na ngumisi at umismid.

Lumingon naman sa kanya si Zairene at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"Oh my God! No wonder patay ba patay kapatid ko sayo, ang ganda ganda mo! Mukha kang dyosang manika. So pretty and sexy kahit buntis. Kakagigil"

"Tss! Let's go. Baka mabaliw ang kapatid mo kapag hindi pa dumating si Zane roon. "

"Tse! Halika ka na sister in law! I'm so excited. Let's go."

Inalalayan siya ni Zairene palabas ng hotel. Pinagtitinginan sila ng mga tao roon habang palabas. Ang iba ay pinupuri siya habang ang iba naman ay nakangiti lang sa kanila.

Sumakay sila sa isang puting kotse na may bulaklak sa harap. Smooth ang naging buong biyahe nila hanggang sa makarating sila sa isang resort na pagmamay-ari nila Zeke. Walang tao ang loob ng pumasok sila, nauna namang naglakad si Ralph sa kanila at dumiretso sa isang garden.

Napaawang ang labi ni Zane ng makita ang garden. Paanong napakaganda ng ayos niyon at parang pinaghandaan. Pang heaven ang theme with magical dress code.
Nasa dulo sila ng venue ni Zairene na nakahawak sa braso niya. Hindi mapigilan ni Zane ang maluha ng makita si Zeke sa kabilang dulo ng venue na nakatayo at naghihintay sa kanya at sa harap nito ay isang pare. The venue is very simple yet shouting with elegance. Nakita niya sa magkabilang side ang mga kabigan ni Zeke, ang iba sa mga ito ay may mga kasamang babae habang ang iba naman ay wala.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ikakasal na siya. Habang tinitingnan ang paligid, ang buong venue ay hindi niya mapigilan ang hindi mapaiyak.
She feel so touch and happy. Ang mga bisita nila ay mga kaibigan lang ni Zeke. Walang mga magulang sa bawat panig, just them and their friends, specifically Zeke's friends.

Mafia Series 1: A Hot Night with a Mafia King (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon