Chapter Nine

31.7K 543 9
                                    

Madilim na sa labas ng magising ako at wala na rin si Zeke sa tabi ko. Nang tingnan ko ang oras sa orasan ay mag a-alas otso na ng gabi kaya bumangon na ako at pinakialaman ang cabinet ni Zeke.

'Nice. Well arranged'

Mula sa coat, office suit, shirts, pants, boxers and bri-

"Ahermm. " tumikhim ako at namumulang iniwas ang tingin ko roon. Kumuha na lang ako ng isang boxer at white T-shirt bago dumiretso sa banyo.

"Wow"

Halos doble ang laki ng banyo niya ang kwarto ko sa bahay. Speaking of bahay, siguradong nagtataka sina Aunte na hindi ako nakauwi ngayon. As if they care anyway,  pero siguradong galit na galit na iyon at iniisip na nagdadamot ako sa pera.

Naiiling na binuksan ko na lang ang tubig sa bath tub para mapuno iyon. Bukas ko na lang iisipin ang tungkol kay Aunte.

Halos trenta minutos din ang itinagal ko sa banyo, masyado akong nawili sa pagbababad sa tub, nakakamiss rin pala. Shower lang kasi ang meron sa kwarto ko, pero noong buhay pa ang parents ko may sarili akong tub sa kwarto.

Nagpapatuyo ako ng buhok ng biglang pumasok ang pinto at pumasok si Zeke.

"Hmm. Smells good"
Sabi niya at nakapikit pang sumingkot sa hangin. Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa tapos, nagtagal ang tingin niya sa dibdib ko. Napaiwas naman siya ng tingin ng tumikhim at tinaasan ko siya ng kilay. Nakita ko pang napakamot siya sa batok niya at tumalikod palabas. Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng bumalik siya ulit at pumunta sa cabinet niya at may kung anong kinuha roon.

Nagtataka naman ako ng humarap siya sa akin at may inabot na malaking sweater.

"Hindi naman malamig, anong gagawin ko jan?" Nakakunot noong tanong ko.

Tumikhim naman siya at sapilitang ipinasuot sa akin sweater. May kakapalan iyon at hamak na mas mahaba kaysa as shirt niyang suot ko.

"Malamig na mamaya at todo ang AC kaya suotin mo na. "

Hindi na lamang ako nagsalita at sinunod na lamang ang sinabi niya. Hindi na rin kami nagtagal sa kwarto dahil kailangan na naming bumaba para kumain.

Tahimik lang ang buong hapag habang kumakain kaming dalawa. Walang nagsasalita hanggang sa natapos kami sa pagkain.

Nag presenta na akong tumulong sa pagliligpit kahit ayaw ni Zeke, nakipagtalo pa siya sa akin pero sa huli ay ako ang nanalo. Nasa sala siya ngayon at nanonood ng TV. Hihintayin niya daw akong matapos dahil sabay na kaming aakayat. Tango lang ang isinagot ko sa kanya bago simulan ang paghuhugas ng pinggan.

"Salamat hija"

Napalingon naman ako sa nagsalita sa tabi ko.

"Good evening po Nay Tessa" nakangiting wika ko rito. Ngumiti lang ang matanda at lumapit sa akin.

"Nagpapasalamat ako at dumating ka sa buhay ng alaga ko" wika ni Nay Tessa habang hinahaplos ang buhok ko.
Mabuti na lamang at patapos na ako sa paghuhugas kung kaya't nagpunas na ako ng kamay at humarap sa kanya.

"Ano pong ibig niyong sabihin? "

"Matagal tagal na rin ng makita ko ang alaga ko na ngumingiti at tumatawa. Noong isang araw lang, sa ganitong oras ay wala pa siya at nasa opisina pa rin. Nagtratrabaho hanggang sa maubos ang kanyang lakas. Pero ngayon, tanghali pa lang ay narito na siya, kasama ka at ang mga kaibigan niya. Sana ay alagaan mo ang alaga ko, marami na siyang pinagdaanang hindi maganda mula pagkabata hanggang ngayon. Marami ang ipinagkait sa kanya ng magulang niya. Mangako ka hija"

"Mangako ng ano po?" Mahinang tanong ko.

"Na kahit na anong masamang bagay ang malaman mo tungkol kay Zek ay wag mo siyang iiwan. Hindi niya ginusto iyon. Hindi niya gusto ang buhay na meron siya. "

"Ano pong ibig niyong sabihin? "

"Mas makakabuting hintayin mong si Zeke ang magsabi sayo. Minsan na siyang nagmahal at naging masaya pero sinira iyon ng sariling magulang niya. Wag mo sanang hayaan na pati kayo ay masira kapag dumating ang araw na iyon"

"Hindi ko po kayo maintindihan"

"Mahalin mo siya hija. Ngayon ko lamang siya nakita na ganito kasaya at kabuhay ang mga mata, na kailanman ay hindi ko nakita noong sila pa ni Athena."

"Athena? Sino po si Athena Nay Tessa?"

"Siya ang unang babaeng minahal ng alaga ko, pero bigla na lamang siyang nawala at pinabalitang patay na ng ama ni Zeke. Sobra ang galit ni Zeke ng araw na iyon, masyado niyang mahal si Athena pero nawala na lamang bigla. Malakas ang kutob ni Zeke na pinatay si Athena ng ama niya pero tinanggi lang iyon ni Senyor. "

Hindi ako agad nakapagsalita sa sinabi ni Nay Tessa. May mahal si Zeke pero nawala na lang ito bigla at pinaghihinalaang pinatay. Paano kung buhay pa pala ito at hindi talaga pinatay? Paano kapag bumalik ito kay Zeke? Paano sila ng anak niya? Paano siya at ang unti unting umuusbong na pagmamahal niya rito?

"Hija"

Napatingin naman ako kay Nay Tessa ng hawakan niya ang kamay ko.

"Nararamdaman kong mahalaga ka sa alaga ko. Si Athena ay parte na ng nakaraan niya, sana ay walang magbago sa pakikitungo mo sa kanya. Magtiwala ka lang, mahalaga ka sa kanya"

"Yung anak lang po namin ang mahalaga sa kanya Nay Tessa. Kaya po ako nandito dahil nabuntis lang po ako ni Zeke, wala kaming relasyon o ano man. Kaya imposible po ang sinasabi niyo"

"Alam ko ang nakikita at nararamdaman ko sa alaga ko. Kilala ko siya hija. Magtiwala ka"

Hindi na lamang ako sumagot at tumango na lang. Nagpaalam naman ako kay Nay Tessa na aakyat na ako sa kwarto at magpapahinga. Tumango lamang siya at hinawakan ang kamay ko bago naunang umalis sa kusina. Napabuntong hininga na lamang ako at naglakad patungo sa sala.

Agad namang tumayo si Zeke ng makita ako at pinatay ang TV. Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko maiwasan na isipin ang mga sinabi ni Nay Tessa tungkol kay Zeke at sa babaeng minahal nito, si Athena.

"Hey! You're spacing. Are you okay? "

Doon ko lang napagtanto na nakalapit na pala siya sa akin at hawak ang magkabilang balikat ko.

"No. Ayos lang ako, pagod at inaantok lang"sagot ko lang sa kanya. Kunot noong tumango na lamang si Zeke at hindi nagsalita.

Sabay kaming naglakad paakyat sa kwarto at humiga ng magkatabi. Katulad kanina ay nakapulupot na naman ang mga braso niya sa bewang ko. Iniunan niya rin ako sa braso niya at patalikod akong niyakap.

Tahimik lang kaming pareho at walang nagsasalita. Ang buong akala ko ay tulog na siya pero hindi pa pala.

"Let's sleep already, it's already late. Pupunta pa tayo sa bahay niyo bukas"

"Zeke. "

"Hmm? "

"Don't leave me okay?"

"I should be the one who's asking that to you. Don't leave me Zane, no matter what happened. Stay by me"

"I won't unless you say so. I promise"

Hindi ko na narinig ang sinabi niya ng lamunin na ako ng antok. Bukas ibang problema na naman ang iisipin ko kaya kailangan ko munang magpahinga. Bawal mapuyat ang buntis na gaya ko. Lalo na kung magandang buntis na tulad ko.





______________________
A/N: How's chapter Nine? Excited na ako sa mga mangyayari. Wala pa sa kalahati ng mga tauhan ay lumabas na. Maybe sa chapter 10 or 11,maglalabasan na yan isa isa. Hope you like my update sushis!

Add and Follow me on my social media accounts.

FB: Sashime WP & Shiryl Abad WP
IG: imshirylabad
Twitter: iamshiryl_abad
Wattpad UN: Sashime_Sushi

Wattpad Groups:
Wattpad/Ebook Stories (WESOG37)
WESOG37 Spotted

Advance Ako mag update sa wattpad at sa timeline ko.


Thank You for reading and supporting my story!

Mafia Series 1: A Hot Night with a Mafia King (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon