NAKANGITI lang si Zairene habang nakatingin sa kapatid niya at kay Zane. She can see the genuine happiness on her brother's eyes. Ngayon niya lang nakita ang maliwanag ang mukha ng kapatid at ang mga ngiti nito sa labi.
Hindi showy si Zeke sa mga taong malapit sa kanya. Zeke prefer to treat cold and rudely his love once over showing his care to them. Pero nagbago ang lahat ng iyon ng makilala niya ang dalaga na ngayon ay asawa na niya. Alam niyang masyadong mabilis ang ginawa niyang pagpapakasal dito ngunit, hindi na siya makapaghintay na dalhin nito ang pangalan niya. Nangako naman siya sa sarili niya at sa babaeng mahal niya na pakakasalan niya itong muli kapag maayos na ang lahat.
"You become clingy as the day goes by Zeke"
Natatawang sabi sa kanya ng asawa."You made me like this so take the responsibility. " sagot niya at niyakap ito. "I can't wait to our honeymoon" biro niya sa asawa, dahilan para hampasin siya nito.
Namumula ang mukha nito habang nakatingin sa kanya ng masama. Tumawa naman siya at niyakap ang asawa ng mahigpit, pagkuway hinalikan ang labi nito at ang may kalakihang tiyan nito."Your tummy is bigger than the normal four months pregnant woman baby. Is it normal? Hindi ba mabigat? Wala ka bang nararamdaman na kakaiba? Did you ask your OB about that? " sunod-sunod na tanong ni Zeke sa asawa.
"It's normal. Nothing to worry about. Our baby is healthy so as me. "
"Good to hear that baby. But, back to my question, we can still have our honeymoon slash hot making love even if your pregnant, you know?" Taas babang kilay na tudyo niya rito. Sinimangutan lang siya ng asawa at inirapan.
"Manahimik ka jan. Kita mong para na akong nakalunok ng malaking pakwan sa hitsura ko, tapos minamanyak mo pa ako. Magtigil ka. Mag-isa kang magpaligaya sa sarili mo. " sa pagkakataon na iyon, si Zeke naman ang napasimangot sa sinabi ng asawa, dahilan upang matawa si Zane sa kanya.
"Tss! I'll seduce you then. "
"Try it. I'll make sure you'll lose"
"I won't. I'll make sure I'll win. Just watch and learn"
Tinaasan lang ni Zane ang asawa at naiiling na tinawanan ito. Zeke is not Zeke if he is not pervert monkey. Good luck to her. She doesn't want to lose the bet, hindi niya hahayaang manalo ang asawa niya. Never!
"CONGRATULATIONS newly weds!" pagkatapos ng isang maliit na reception sa naging 'urgent wedding' nila ni Zeke sa Baguio ay umuwi din agad sila pabalik ng Manila, sa mansion nito. Pagkarating nila sa mansion ay sinalubong sila ng mga katulong ng mansion na pinangungunahan ni Nay Tessa na may cake pang dala sa kamay.
"Sabi ko na nga ba at sa kasalan din ang bagsak niyo. Ang bagal lang nitong alaga ko at torpe kaya inabot ng tatlong na buwan. "
"Oo nga po Nay, torpe po talaga yang si Zeke. Inuuna pa akong landiin kaysa pakasalan muna ako. "
"Hey! Take it back! Ayaw kitang madaliin kaya natagalan. Kung alam ko lang na patay na patay ka pala sa akin, una pa lang ay pinakasalan na kita"
Tinaasan naman ni Zane ng kilay ang asawa sa sinabi nito.
"Mali ata ang sinabi mo mahal kong asawa. Baka ikaw ang patay na patay sa akin kaya binuntis at binahay mo ako agad."
Natawa naman ang matanda sa sinabi ni Zane, habang umismid lang si Zeke sa asawa at hinawakan ang bewang nito.
"Tama na iyan at pumunta na tayo sa hapag. Nandun ang ate at mga kaibigan mo hijo, nauna silang dumating sa inyo. "
"Mga patay gutom talaga ang mga hayop na yun. "
"Haha, hayaan muna. Tara na"
Inakay na ni Zane ang asawa patungong kusina at doon ay naabutan nila ang mga kaibigan nito na kumakain na naman. Iniisip niya tuloy na may alaga sa mga tiyan nito dahil hindi pa rin ito busog kahit kumain na ito kanina sa reception. Nailing na lamang siya at bumaling sa kapatid ng asawa. Nakita niyang masama ang tingin ni ate Zairene kay Ralph na nakangisi at aliw na aliw na nakatingin kay Zairene. Napaisip tuloy siya kung may sekretong relasyon ang dalawa, at kung di naman ay may alam ba ang asawa sa tinginan ng kaibigan at kapatid nito.
Well, hindi na siya makikialam sa bagay na iyon. It's not her business to meddle with. Basta sa ngayon, kakalimutan niya muna ang problema o mga nakaambang problemang darating. Ito ang unang araw na mag asawa na sila ng lalaking mahal, dapat masaya siya at hindi problemado sa mga bagay bagay.
'Finally! ' bulong ni Zane sa isipan habang hinihimas ang tiyan.
HINDI batid nina Zeke at Zane na may isang taong tahimik na nagmamasid sa kanila. Nakakuyom ang mga kamao nito habang masama ang tingin sa dalaga.
"Binigyan na kita ng babala pero hindi ka nakinig. Zeke is mine. Hindi ako makakapayag na mapunta siya sa iba!"
Nanggagalaiting sigaw ni Alexa. Nasa isang puno siya ng kahoy at kanina pa sinusundan at nagmamasid sa dalawa. Lalo na kay Zane. Kanina pa siya kating kati na patayin ito pero pinigilan niya ang sarili niya.
"Sisiguraduhin kong pagsisisihan mong sinuway mo ang sinabi ko. Wag na wag kang magpapahuli sa akin Yuri Aika Zane, dahil hindi ako magdadalawang isip pa ulit na patayin ka. I will torture you to death hanggang sa ikaw na mismo ang humiling na patayin kita. And with that, magiging akin na si Zeke. Magsasama na kami at kami na ang magpapakasal. "
Wika ni Alexa at tumawa ng parang baliw.
"Magsaya ka lang Zane. Dahil sisiguraduhin kong isa sa mga araw na ito ay ipaparanas ko sayo ang impyerno. Babawiin ko sayo ang dapat na akin"
With that, isinuot ni Alexa ang maskarang mukha ni Athena, ang kapatid niyang minahal ng lalaking mahal niya, kaya kinitilan niya ng buhay.
"Kung hindi ko makukuha si Zeke gamit ang pagkatao ko then, ang mukha na lang ng kapatid ko ang gagamitin ko. "
Nakangising wika ni Alexa at tumalon mula sa puno. Naglakad siya papunta ng kotse niya at pinaharurot iyon pabalik sa basement nila. Habang nagmamaneho si Alexa ay may tinawagan siyang numero.
"Hello tita, kumusta ka po? " masigla at malambing na bati niya sa ginang.
"I'm fine hija. Kumusta ka? Nagkita na ba kayo ng anak ko?"
"Not yet po tita" pagsisinungaling niya. "Ayoko ko po kasing magulat si Zeke kapag makita ako. Gusto ko po kayong hintayin at hayaan na kayo ang magpakilala sa akin kay Zeke. "
"Of course my dear. Next week ay uuwi kami jan ng tito mo. Aayusin natin ang engagement niyo ng anak ko. Hindi iyon magiging mahirap dahil naging magkasintahan na kayo noon"
"Yes, you're right tita. I can't wait to have him again. I miss him already. Three years of waiting is enough"
"I understand dear. No worries, Zeke will he happy to meet you. You are his first ever girlfriend. Magiging masaya iyon kapag malaman niyang magpapakasal na kayo. "
"Can't wait to happen that tita. Take care tita! I have to go now. I need to visit my company today. See you soon! "
"Take care too Athena. See you soon too"
Then, Alexa click the end button and smirked. Who wouldn't thought na mapapaniwala niya ang ina ni Zeke na siya si Athena?
"Tsk! Tsk! Oras na para simulan ang palabas"
__________________
A/N: Nakakatakot talaga ang mga taong obsessed. Para silang mga baliw. Tapos sinasabi nilang mahal nila ang tao. Iba ang obsession sa love. Love knows sacrifices, it's give and take. When you are in love you will do everything just to make him/her happy. That's the true love.Well, so much for that, hope you like my update. Don't forget to vote and leave comments. 😊😊Bye!!
BINABASA MO ANG
Mafia Series 1: A Hot Night with a Mafia King (Completed)
RomanceI woke up in an unfamiliar place. "Ouch" daing ko ng kumirot bigla ang Cherry pop pop ko. Shit my ang sakit ng ulo ko. "Where Am I?" Wala sa sarili kong tanong at inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nangunot ang noo ko ng mapansing wala ako...