"Punyeta! Argghhh! " lahat ng makita ni Alexa na gamit sa basement nila ay tinatapon niya. Lahat din ng mga tauhan nila na nakakasalubong niya ay wala niyang awang binabaril o hindi kaya ay binubogbog. Kinakain siya ng sobrang galit. Galit na nararamdaman niya kay Zane. Hindi niya matangggap ang nangyari. Wala na pa lang silbi ang mukha ng kapatid! Walang kwenta!
"Alexa! Tama na yan. Walang mapapala ang pagwawala mo rito. " saway sa kanya ng Uncle niya. Binalingan niya ito at tiningnan ng masama.
"Sa lahat ng tao dapat ikaw ang nakakaintindi sa akin! Alam mo ang pakiramdam ng maagawan! Alam mo ang pakiramdam ng hindi piliin ng taong mahal niya. Dapat alam mo ang nararamdaman ko at naiintindihan mo dapat ang galit ko! Dahil parehas tayo ng nararamdaman-"
"Hindi tayo magkaparehas Alexa. Hindi ka inagawan gaya ko dahil una pa lang ay hindi na sayo ang binatang Mondragon. Pangalawa ay wala ka sa pagpipiliin para piliin ng Mondragon na iyon, kahit ang kapatid mo. At pangatlo, hindi mo mahal ang lalaking iyon. Isip mo lang ang nagsasabing mahal mo ang binatang Mondragon pero hindi. Obsession is far from the word love. Keep that in mind my dear nephew. "
Pagkuwa'y iniwan si Alexa ng kanyang uncle sa silid ng basement nila. Habang si Alexa naman ay mas nadagdagan ang galit na nararamdaman dahil sa narinig, pagkuwa'y ngumisi ito at maya maya ay tumawa na parang baliw.
"Hahahhahahahaha" parang baliw na tao nito at lumabas ng silid. Kung hindi rin lang naman mapupunta sa kanya ang binata, sisiguraduhin kong hindi rin siya mapupunta sa iba. Mas nauna ko siyang nakilala, mas nauna akong nahulog, pero inagaw siya ng punyeta kong kapatid at ngayon ay ng isang mahinang babae? Hindi ako papayag.
"Mamamatay muna ako bago kayo tuluyang maging masaya. But too bad, isasama kita sa hukay ko Zane, isasama kita."
MAHIGPIT na nakayakap lang si Zeke sa asawa niya mula ng makapasok sila ng kwarto nila. Hindi niya maipaliwanag ang takot at kaba na naramdaman niya kanina ng tumawag si manang Tessa sa kanya, para ipaalam na nasa mansion ang magulang at dating kasintahan. Takot at kaba ang lumukob sa kanya para sa asawa't anak na dinadala nito. Kaya't hindi siya agad nagdalawang isip na umuwi pabalik ng mansion para puntahan ang dalaga.
Maraming naglalarong senaryo sa isipan nita habang nagmamaneho siya ng sasakyan. He knows how ruthless his parents and how scary they are. Hindi niya lubos maisip na baka wala na siyang abutan pag-uwi dahil kilala niya ang magulang niya. Kaya't para siyang nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag ng makita na maayos at ligtas ang asawa. Hindi niya alam kung ano ang maaari niyang gawin kung may mangyaring masama sa mag-iina. Baka sa pagkakataong iyon ay nakalimutan na niyang may magulang siya.
"I was so scared. I thought something happened to you. I'm sorry I wasn't here yo protect you. I'm sorry baby. I'm sorry. " paghingi ni Zeke ng paumanhin sa asawa. Hinaplos naman ni Zane ang buhok niya at hinalikan siya sa ulo.
"It's not your fault. Stop blaming yourself okay? Besides, we're fine, our baby and I. "
"But still. Alam kong ngayong buwan ang dating nila. Alam kong pinapamanmanan nila ako at hindi malayong alam na nila ang tungkol sayo. Sana mas naging maingat ako. Sana hindi ako umalis sa tabi mo-"
Zane kiss Zeke to stop him from talking. She kiss Zeke for a minute before leaving his lips.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kasama kita o nasa tabi mo ako para maprotektahan. So stop putting all the blames to you. Wala kang kasalanan, I understand na hindi sa lahat ng panahon ay nasa tabi kita. Kaya ko ang sarili ko Zeke, hindi pwedeng laging ikaw lang ang proprotekta at lalaban. I can protect our relationship too. I can fight for what we have. I can keep myself safe too kahit wala ka. All you have to do is to trust me. "
BINABASA MO ANG
Mafia Series 1: A Hot Night with a Mafia King (Completed)
RomanceI woke up in an unfamiliar place. "Ouch" daing ko ng kumirot bigla ang Cherry pop pop ko. Shit my ang sakit ng ulo ko. "Where Am I?" Wala sa sarili kong tanong at inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nangunot ang noo ko ng mapansing wala ako...