Chapter 8

929 56 229
                                    

CHAPTER EIGHT
Scared


I took off the plastic off my hands, "Sorry ha, gusto ko lang kase maka try ng balut."


"Here."


Nakita kong binigyan ako ng alcohol ni Hayes, kukunin ko sana kaso hinawi niya.


Nagsisimula na naman 'to...


I was about to say something kaso naunahan ako, "Stick out your hands out."


Ginawa ko ang sinabi niya at siya na mismo ang nagbuhos ng alcohol.


"It's okay, gusto ko rin naman i-try." Rason niya at binigyan ako ng tissue, nasa labas kami ng sasakyan niya dahil katatapos lang namin kumain.


Akala ko busog siya kanina tapos ngayon kumakain siya ng ganito. Hindi naman pala maarte si Hermoso.


"First time ko rin..." Simula ko.


Somehow, I saw the corner of Hayes' lips rose up a bit, "Hindi halata."


Nahiya talaga ako kanina, maraming taong nakakita sa akin kung paano ko hinampas ang balut ko, hindi ko naman kase alam na mapapalakas ko nang hampas.


"Ba't ka pinapatawag ni Mommy?" Tanong ko habang nakikitang tinatapon niya ang mga basura namin sa basurahan.


"It's about business stuff." Pumasok na siya sa sasakyan at sumunod na ako at baka iwan pa ako dito.


Papalapit na kami sa bahay and I just realized that he actually knows where I live.


Wait a second...


"How'd you know where I live?" I furrowed my brows trying to get an answer from him.


He just shrugged.


"Ang tahimik mo kanina." He changed the subject.


Napansin niya nga! Pero hindi pa rin niya ako sinasagot!

Stained Destiny (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon