Chapter 11

842 55 378
                                    

CHAPTER ELEVEN
Jowa


I keep staring at the ceiling last night until I got to the point na nakatulog ako ng maaga.


Babalik kami ng States?


Parang ang bilis naman ata naming bumalik... akala ko naman kase na dito na talaga kami sa Pinas hanggang makapagtapos ako.


But then again, I stayed here for two years na, nalimutan ko lang kaya hindi ko nadama na matagal na rin kami dito.


Thinking about it somehow bothers me.


The only thing that I can say to Mommy's question was...


Ayaw kong umalis.


I sighed, I don't why pero masaya at kontento naman na ako rito kahit papaano.


"Aria, lalamig na ang pagkain mo." Tawag ni Manang sa akin.


Mag-isa lang akong kumain ngayon dahil nagta-trabaho na si Mommy, si Isaac naman ay parating busy sa practice niya tapos kami lang ni Manang ang nandito. Boring na naman ang araw ko...


Ay hala!


May project pala kaming gagawin tapos wala pa akong partner!


I stopped eating and thought about what our instructor told us last time.


Paano na 'to? Wala akong kasama?


Siguro, I'll just tell our teacher na walang gustong makipag-pair sa akin... ay teka ang panget naman parang ang kawawa ko. Actually, there were some of my classmates na nakipag-pair sa akin pero mas gusto ko kaseng mag-isa kaya eto...


Mag-isa akong gagawa at lalabas ngayon.


"Hinay-hinay lang at mabulunan ka, Aria." Tinignan ko si Manang na alalang-alala sa pagkain ko nang mabilis, "Okay lang ako, Manang. Lalabas po ako ngayon kase may project pong ibinigay sa amin."


Manang Greta turned her head to me and her forehead was now creased.

Stained Destiny (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon