Chapter 47

857 36 54
                                    

CHAPTER FORTY-SEVEN
Reto


"Okay naman po, wala namang problems or difficulties, nakaka-adjust na rin ako sa lahat."


"Are you sure? Parang pagod na pagod ka, don't overwork yourself, Aria..." Tita Sylvia was sitting in front of me, nasa office ko kaming nag-uusap.


Kakatapos ko lang sa last schedule ko for today, I planned on overtiming again pero natapos ko na pala lahat.


"Oo naman, Tita. Ikaw dapat itong hindi na nagtatrabaho, let me handle the company. You deserve to travel and have fun." Puro nalang kase siya trabaho, I really do hope that she'd find someone who'll she commits with.


"I'm fine working here! Besides, ayokong iwan ka rito, and this is the reason why I want to stay. Huwag mo naman ibuhos lahat ng oras mo sa trabaho, you have your rest days naman." Sabi niya.


"Ikaw nga Tita, eh..." I laughed, seeing myself in her now.


"Well, wala na naman akong ibang gagawin aside sa work. You? You should try to socialize with others your age, 'yung hindi business related." Sabay niya nang tawa, "Tatanda ka talaga ng mabilis kung puro ka trabaho! Huwag kang gumaya sa akin!"


"Wala po akong oras, tapos ang dati kong mga kaibigan na naiwan ko rito ay busy na rin..." And I don't know where they are now. May mga days naman talagang wala akong ginagawa kung tapos na ako sa trabaho.


I'd be spending my vacant time to sleep and exercise... if I felt like exercising at all.


Nakalipat na rin ako ng matutuluyan, Tita offered me to stay in her house, pero ayoko nang makaabala pa kaya kumuha ako ng condo.


"Ganoon ba? What about Ysa?"


Napabuntong hininga akong ngumiti sa kanya, "Nasa Spain, Tita." I tried to contact her, but she deactivated her social medias and her phone number is no use too.


"Ayaw mo bang makipagkaibigan sa iba?" Worry na sabi ni Tita Sylvia.


"It's not like that naman, parang wala na po kase akong time makipagkaibigan outside work. Nandito naman po kase ako para sa trabaho, para sa magulang ko..."


"And you think your parents likes it if puro trabaho ka? Arianna, you didn't even let yourself grieve from what happened to your parents."

Stained Destiny (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon