Chapter 22

591 33 74
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO
Definition of Wet


"I'm gonna miss you!"


This is it, aalis na sila Iva.


Ba't ba kasi ambilis ng oras at wrong timing kami?


Ako pa 'tong nagwa-wonder noong ilang araw na makakahanap ba ako ng mga kaibigan dito... tadhana definitely heard me that time. Kaso this time, hindi na.


Isa-isa nila akong niyakap except kay Holly na nakatayo na sa harap ko, "It was nice knowing you by the way, take of care Hayes for me." She waved at me before going inside the seaplane.


"See you whenever." Aaron gave me a hug, "Thank you for inviting me to sit with you, kung 'di dahil sayo, hindi ko sila makikilala and probably, I'd only get bored being alone here all week." Bulong ko kay Aaron at hinigpitan ang yakap.


"Aria, they're gonna be late." Isang boses sa likod na tumawag sa amin ni Aaron, "Aalis na nga, cuz!" Tawa ni Aaron bago ako bitawan.


Lumingon ako kay Hayes at sinabing, "Epal." Hindi na niya ako binigyan pansin pagkatapos ko 'yon sabihin.


After the stunt he pulled earlier? Gusto niya lang talaga ako magmukhang tanga.


Inasar ba naman ako sa reaksyon ko kanina? Sino ba naman ang hindi magugulat sa mga pinagsasabi niya?!


Don't worry, Hayes Santiago. I won't show any reactions from all your stunts, this time, I'm getting back at you!


Waving my hand to bid my goodbyes to them, "Bye!"


"They won't hear you, useless lang ang pagsisigaw mo diyan."


Napangiwi ako, "Ikaw no, ang epal mo. I thought you were also going to France, why are you still here?"


Pabalik na kami ni Hayes sa villa, apparently, it's getting darker and I'm planning on having my dinner on my room instead of going to the resto to eat.


Napagod ako ng husto ngayong araw, my feet were sore and so was my skin, masyadong mahapdi.


"I can't go." Sagot ni Hayes.


Kumunot ang noo ko, "Why? Are you still busy with the files and reports?" Antagal naman atang matapos, he doesn't look stress and busy as I observed.


"Not exactly... besides pupunta rin sila Tita sa Pinas." Nanlaki agad ang mata ko sa sinabi niya, "Aaron will be visiting?!" Tumingin si Hayes sa akin at tinaas ang kilay, "Bakit ka nagtatanong?"


Anong klaseng tanong 'yan?


"Malamang gusto ko siyang makita ulit."

Stained Destiny (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon