Chapter 4

1.3K 66 103
                                    

CHAPTER FOUR
Unfair


The moment he introduced himself to me that day, hindi ako nakatulog.


Parang tanga akong ngumingiting batang nakatanggap ng regalo.


"Aria, may nangyari ba? Parang ang saya mo ah..." Manang Greta suspiciously stared at me habang nagsasalin ng juice sa baso ko.


Isaac heard what Manang said kaya napatingin din siya sa akin, "Oo nga, kagabi pa siyang ganyan, Ma." Sagot niya sa kanya.


Hindi ko na sinabi kila Mommy kung bakit ako nagkaka ganito, baka magtanong pa sila tungkol sa kanya. Sa susunod na siguro kapag kilala ko na ng husto si Hayes.


"Wala po ito, excited lang po talaga akong makabalik sa skwela." I reasoned out, totoo rin naman kase.


Today will be my first day as a college student. Well, actually second year pero wala akong naalala sa pagiging college noon kaya I consider this as my first.


"Buti naman at pinayagan ka na ng mga magulang mong bumalik? Hindi ba masama pa iyon sayo at baka mastress ka?" Manang Greta sounded like my worried mother, parang ikalawang ina ko na rin si Manang at simula bata pa lang ay nandiyan na siya sa tabi ko.


The doctor said na pwede na akong bumalik sa pag-aaral. Doing the things, I usually do before I had an accident, is a great practice raw for me para bumalik ang mga alaala ko isa-isa. Iyon nga lang, sinabihan akong 'wag mag-overthink kung ayaw ko matrigger ang utak ko.


"Pumayag naman ang doctor ko, Manang. Kaya pumayag na rin si Mommy." I smiled widely.


"Ayos! May kasabay nako papuntang school!" Singit ni Isaac at ngumiti lamang ako sa kanya.


Nalaman ko na Engineering pala ang kinuha ni Isaac, patungo na kaming paaralan ngayon at napansin ko na may inilagay siyang gold lapel pin sa gilid ng damit niya. "Para saan 'yan?" My brows furrowed in curiosity.


Tumingin si Isaac sa itinuro kong parte ng damit niya, "Ay, bawat student ng NEU ay may ganito." Explain niya at ipinakita niya sa akin.


It was a positioned on the left side of his chest, the gold lapel pin was small and enough for anyone to see it. "Ba't wala sa akin?" Tumingin ako sa dibdib ko, baka nasa accessory box ko lang ang pin. Wala naman kasing nagsabi na magsusuot ng pin.


Like how would I know?


Stained Destiny (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon