Chapter 31

712 38 168
                                    

CHAPTER THIRTY-ONE
Getaway


"Then ano kayo?"


Ysa came by this morning para ibigay na rin ang binake niyang cake. Akala ko madali lang siya sa bahay, but I was wrong. Gusto ko nang maligo kase dadating sila Kian para sa thesis namin na tatapusin.


But instead of preparing for my groupmates arrival, nakipagchismisan muna si Ysa sa akin.


"I don't know..." I sighed.


Hayes and I are not together, walang nakakaalam na nagkikita kami ni Hayes, aside sa ibang mga friends namin. We talked about it, pumayag naman si Hayes sa sinabi ko sa kanya.


To keep everything slow and lowkey.


I still wasn't ready to discuss our relationship, hindi rin naman siya nagsasalita tungkol doon. But he did tell me that he likes me. Mabuti na ngang we're taking everything slow lang muna.


Ayaw kong madaliin ang lahat, and I think it's better if we're like this, getting to know and all that.


"Ay naku! pag 'yan na wrong, ewan ko nalang..." Ysa looked stressed, "Kailan ka pa nastress sa mga relasyon? Binabago ka na talaga ni Tyron." Clapping my hands together.


I never knew both players could work together so well, I'm truly happy for Ysa. I hope na magtatagal sila, considering that Ysa gets easily jealous, and Tyron being a chick magnet is not helping her at all.


"So, anong feeling na nakuha mo na si hermoso? Masarap ba?"


Agad ko siyang pinalo at naramdaman ang pisnging namumula na, Hayes respects me. Clingy siya yes, but gosh it makes me feel uncomfortable talking with Ysa right now, baka ano na naman sabihin niya.


"Whatever, Aria. Makaalis na nga!" Tawa niya sabay kuha sa bag.


"See you sa school, Mrs. Herrera." Teasing her, but I only received a middle finger kaya napatawa nalang ako.


Matagal natapos ang paggawa namin ng thesis. Sumasakit na nga ang mata ko sa kakatitig sa screen ng laptop ko.


"Tapos ko na ang pag-arrange ng references." Zoe stretched out.


Finally, ang pagpi-print nalang ang kulang! Then, I could study for our final exams next week. I can't wait for summer to come.


"Ako na ang magprint." Boluntaryo ni Samuel na kanina pa nakahawak sa cellphone niya. "Of course, 'yan lang din naman ang ambag mo..." Hayleigh laughed.


Sam defended himself, "Oy, nakahanap kaya ako ng references para sa pagsupport ng thesis natin."

Stained Destiny (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon