Chapter 5

1.2K 71 190
                                    

CHAPTER FIVE
The Ball


Ysa and Hayes have been friends since she entered College.


Nang hinatid ako ni Ysa sa bahay, ayaw ko pa talagang bumaba dahil nalilito na ako.


"Aria, Hayes and I are casual friends. Nagka-usap lang kami noong may party na hinanda si Mama for the new launching of Privama." Explain ni Ysa.


"Family friends?" Tanong ko, mayaman naman talaga tignan si Hayes at hindi na ako magtataka kung isa sila sa mga nagmamay-ari ng sikat na business.


"They own a famous restaurant named, La Brume de Délice." Ysa fluently pronounced the foreign words.


Ha? Ano daw?


"French?" Kumunot ang noo ko, trying to determine kung anong language ang pangalan ng restaurant nila Hayes.


Tumango si Ysa, "Namana ng Papa niya sa Great Grandfather ni Hayes."


"Half sila?" I asked, no wonder Hayes looked so foreign!


"Parang ganoon na nga, ang narinig ko maraming lahi 'yang lalake na iyan." Ysa licked her lower that made my eyes widen at nakita niya ang reaction ko kaya muntik na natawa.


"Pero 'di ko bet." She shrugged.


The gates opened to see Manang Greta waiting for me, "Nandito ka na pala, Aria. Kanina ka pa hinahanap ng Mama mo."


Shit.


Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang may maraming missed calls ako na galing kay Mommy.


Nakalimutan kong mag reply sa texts niya kanina, naka-silent naman kase ang phone ko tapos busy pa akong nagtatanong kang Ysa tungkol kay Hayes.


Pahamak talaga itong si Hayes!


Pero hindi ko pa natanong kung magkakilala ba kami noon, "Hindi ba kami minsan nag-usap ni Hayes?"


Ysa was silent, parang nag-iisip pa.


"Aria! Hoy! Halika na, kakain na raw." Narinig kong sumigaw si Isaac sa labas ng bahay, kakarating lang din galing practice sa basketball.

Stained Destiny (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon