Chapter 50

383 19 41
                                    

CHAPTER FIFTY
His Effect


I stood there as he walked away.


Ano ba ang ang problema niya? Parang hindi ko na siya naiintindihan. Bad day na naman? Hindi ko na siya magets minsan.


Ayoko namang iwan siya at hayaan kase magkaibigan kami, natuto na rin siyang mag open up kahit paminsan-minsan at alam kong kailangan niya ng kaibigan ngayon.


"Bumalik na tayo sa loob..." sunod ko sa kanya.


Wala akong time sa mga ganito pero kaibigan ko siya, I need to understand him. Siguro nga bad mood lang siya at kailangan niyang magpalamig o ano, pero umuulan sa labas.


"Hoy!" Hila ko sa kamay niyang nanginginig, hindi sa lamig kundi sa galit.


I don't know what really happened to him, ang alam ko lang ay nagkita kami sa labas ng library hall at lumabas siya doon habang papasok ako, galit na galit siyang lumabas, hindi man lang ako pinansin.


Kaya heto ako, sumusunod sa kung saan siya papunta. "I thought we're going to study together today?"


Hindi siya nagsalita at hindi niya rin hinawi ang kamay ko. Nang tumingin na siya sa akin ay nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, lalo na ang mga mata niya kanina na puno ng galit.


His eyes softened and he suddenly hugged me, nagulat ako syempre pero hinayaan ko lang siyang yakapin ako, something must've happened. Ayokong makasira pa lalo sa mood niya at tanungin siya kung ano ang nangyari kaya dahan-dahan ko nalang siyang niyakap pabalik.


"It's okay..." I comforted.


"Wala na..." sabi niya.


"Wala ng natira sa akin." Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.


Anong ibig niyang sabihin na wala ng natira?


I shook my head, "I'm here. It's okay, huwag ka ng magalit at pumasok na tayo."


He loosened up his hold and glanced at me, he didn't say anything, but hugged me tighter and said, "Baka ikaw din ang susunod na mawawala sa akin."


Kahit nagtataka na ako ay umiling lang ako at sinugurado siya, "Ba't naman ako mawawala, nandito lang ako, hindi ako mawawala sa tabi mo." 


The way that he is holding me is getting tighter, hindi ko alam kung gagalaw ba ako o hindi pero parang masakit na ang pagkakahawak niya sa akin. "S-Sige na... bumalik na tayo." Sinubukan kong kalasin ang pagkakayakap niya sa akin ngunit hindi siya kumawala.


"M-Masakit." I think I can't breathe properly now. "B-Bitawan mo na 'k-ko..." I tried to push him away and tried my best not to offend him or anything. Alam ko namang may pinagdadaanan siya pero parang sa akin niya binubuhos lahat ng galit at sakit na nadarama niya ngayon.

Stained Destiny (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon