Chapter 36

481 34 249
                                    

CHAPTER THIRTY-SIX
Confess


It turns out I got lucky that Kian passed by that night.


Lagnat at sipon ang natamo ko sa kakahintay sa wala.


Buti nalang at nawawala na ang sipon ko, lagnat nalang. Nakakapagod umakyat ng stairs patungong fifth floor para sa huling klase ko.


May ibang building kase na walang elevators, kaya heto ako, pinipilit ang sariling umakyat na bitbit ang mga papel na ipapasa ngayon.


Ba't kase hindi nilagyan nalang lahat ng elevators ang building... mas madali pa makapunta sa pupuntahang floor at hindi na male-late ang mga estudyante. Pero tama rin ang sinabi ng iba, may disadvantages din ang pagkakaroon ng elevators.


"Penny for your thoughts?"


Tumingin ako kay Kian na nasa tabi ko na, "Ikaw pala 'yan."


He wiggled his brows and took the papers in my hands which caused me to stop walking.


"Akin na..." Wala ako sa mood makipag-asaran, I'm too weak to argue with him right now.


Umiling siya at pinagpatuloy na kunin ang bag ko, iniwan ako sa kinatatayuan ko habang minamasdan siyang bitbit ang mga gamit ko.


"Pasalamat ka nilalagnat pa 'ko." I chuckled and continued to walk up the stairs, isang hakbang nalang at nasa fifth floor na ako!


Nakatayo si Kian sa unahan, hinihintay akong makaakyat na, "Kaya mo 'yan! Dali na!" Tawag niya sa akin, tumatawa na tinitignan akong nahihirapan.


Inirapan ko siya at ngumiti na, "Akala mo ha!" Sabay ko sa kanya nang nakaakyat na 'ko. Pinching his sides lightly, "Ouch, Aria ha, masakit." Biro niyang palo sa kamay ko.


We kept nudging each other's shoulder when I saw Hayes and Allie walking towards our direction, agad akong tumingin kay Hayes, na tinitignan kaming dalawa ni Kian.


Ngumiti ako sa kanya, we already talked on the phone kung bakit hindi siya nakabalik. Dumating na ang parents niya kaya may dinner na naganap.


Naiintindihan ko naman din kase parents niya 'yon, and basically, his parents don't like me to be around him because of our family feud.


Tapos umuulan pa 'nun, kaya hindi ko na sinabi na naghintay ako sa kanya buong gabi. Kahit alam kong hindi na matutuloy ang pagpunta namin sa dagat.


I just thought na babalik siya, ngunit hindi ako nakinig sa sarili ko.


I don't want him to know about me walking around the rain alone, baka mag-worry o ma-guilty siya. Kasalanan ko kase dahil pinagpilitan kong dadating pa siya.

Stained Destiny (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon