CHAPTER 9

105 10 0
                                    

It's friday, this will be a long and tiring day. Buong maghapon lang kaming magpapractice for our cheerdance.

"Grabe ngayon natin naisiping mag practice kung kailan one week nalang bago yung performance" tatawa tawang sabi ni Harrold

Napairap ako habang nagtatali ng buhok, Every cheerleader should tie their hair to be neat in the audience eyes and para rin walang sagabal syempre

"Gusto niyo lagi gahol na gahol, Kaya pati mga teacher gahol na gahol sa pag gawa ng grades natin" sagot naman sakanya ni Ayumi,our class president

If nasa mood lang ako sasagutin ko yang si Ayumi eh, She's our class president pero wala man lang siyang ginagawa para madisiplina yung tatamad tamad naming mga kaklase

Kaya hindi umuunlad pilipinas eh

Tinapik tapik naman ni Ava ang balikat ko "Don't worry Hebrew nandito naman ang ating Dakilang cheerleader"

Inalis ko ang kamay ni Ava sa balikat ko at sinamaan siya ng tingin. Hindi naman nakaligtas sakin ang mga mata ng mga iba kong kaklase, Mata na kung makatingin eh puno ng poot,galit,inggit o ewan ko ba kung pano ko tatawagin

"Someone's pabida nanaman" pagpaparinig ni Amy

Yes, kaklase namin tong bruha na to. Super layo lang ng upuan namin kaya hindi kami nagkakatagpo

"Someone's pabida nanaman" Rene mocked her

Sa lahat ng conyo conyo ay si Amy ang pinaka pinangdidirian ko, Mukha siyang trying hard na ewan, halatang pilit maging conyo magmukha lang cool kuno mukha namang kalyo

"Uyy Lash anong gagawin natin?" tanong saakin ni Ayumi

Umirap ako bago sila tignan

Ako ang masusunod ngayon, natatawa naman ako sa naiisip ko

"Fall in line" sigaw ko sa mga ito na bumalot sa buong gym

Agad silang sumunod. May mga tamad na tamad, May mga excited, May mga halatang pilit at syempre di mawawala yung mga inggitera na gusto ata eh sila yung bida

Nang makapila na sila ay pinasadahan ko sila ng tingin isa isa, Inaalam kung sino ang pwedeng magbuhat,patungan,umalalay o ang magiging flyer at itataas sa pyramid

Hinati ko sa tatlong grupo ang mga lalaki. Mga sasayaw lang, magbubuhat o tagasalo at mga taga alalay. Ganon din ang ginawa ko sa mga babae.

I faced all the girls "Sinong gusto maging flyer?"

"Anong flyer po ma'am?" tanong ni Ava

Hindi ko ito pinansin dahil alam kong nagbibida bida lang yon. Naghihintay ako ng magtataas ng kamay pero ilang minuto na ang lumilipas ay nagtititigan lang sila

Di ko napigilang mapasigaw "I'm asking you all a damn question!"

Ngunit hindi parin natinag ang mga ito at wala talagang may balak mag volunteer

"Ah so pano yon? Ako lang itataas niyo? Ako lang ibabato niyo ganon? Oh baka gusto niyong ako narin magbuhat sa sarili ko?!" inuubos nila ang pasensya ko

"Ako gusto ko" pagtataas ng kamay ni Trinah

Nagtawanan ang mga hindot kong kaklase kaya agad kong pinatigil ang mga ito "Tawa kayo ng tawa para namang may naitutulong kayo!"

Nilapitan ko si Trinah at tinapik ang balikat nito "Sorry Trinah, I'm happy na may interes ka but you know naman na" hindi ko alam kung pano sasabihin "A-Ano kase Trinah"

Captured By His SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon