CHAPTER 8

92 10 0
                                    

"Ang tagal naman matapos ni Rogene" bulong saakin ni Ava mula sa likod

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa pagkopya ng pinagsusulat ni ma'am Rogene sa white board

Naramdaman kong hinihila ni Ava ang dulo ng buhok ko "Hoy nagugutom na ko"

Inis ko siyang hinarap "So what will I do? Nagugutom rin ako Ava pero we need to wait until our freaking math teacher leave this room"

"Ms. Dela Cruz mind sharing us your meeting with Ms. Abellanosa?" saway ni ma'am Rogene

Damn you Ava Marrielle

Nakita ko namang nagpipigil si Rene ng tawa sa kabilang row kaya sinamaan ko ito ng tingin

"Lash pwede pahingi ng one whole?" bulong sakin ni Kiyo, seatmate ko

Pumilas ako ng isang page at padabog na inabot sakanya "Nakapag aral sa private school tapos walang pangbili ng one whole" pero may pang milk tea kasama jowa niya, tss teenagers nowadays

"Magbibigay nalang kung ano ano pa sinasabi" natatawa nitong sabi

Nagsulat ako sa one whole ng 'Ikaw na ba ang king sa burgerking? kase kingina mo! makinig ka nalang dyan you dumbass' nilagay ko ito sa table niya

Narinig ko siyang tumawa pagkatapos basahin ang nakasulat sa papel, Nagsulat din siya dito at nilapag sa table ko

'Let's date, You're so beautiful'

Kiyo is known being a womanizer, Linggo linggo ata ay iba iba ang babae niya, I don't understand those girls na pumapatol sakanya knowing na hindi naman sila seseryosohin nito

Nilukot ko ang papel at nilagay sa bag ko, Nagulat ako ng makitang masama ang titig saakin ni Ma'am Rogene

"Lea Nash Dela Cruz kanina lang ay may meeting ka with Ms. Ava Marrielle Abellanosa tapos ngayon naman ay nakikipag ligawan ka na kay Kiyo Estrella?"

Umirap ako ng makatalikod na ito, Kailangan pa bang buuin ang mga pangalan namin? And what? nakikipag ligawan? Disgusting


Finally natapos na din ang fucking Math time. Agad kong kinuha ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng room. Nakita ko namang sumunod agad sakin si Rene at Ava

Nang maabutan ako ng mga to ay binatukan ako ni Ava "Bakit ba nagmamadali kang hindot ka? Excited makita si Justin?"

Oo gusto ko na ngang makita si Justin pero may isa pang rason "Hindi ko kayang tagalan si Kiyo, baka masaksak ko ng ballpen ang isang yon"

"Pogi naman si Kiyo ah" singit ni Rene

Umirap lamang ako, lahat naman ay pogi sa paningin niya "He's a fucking womanizer Rene"

Nakita ko namang hinila ni Ava ang buhok ni Rene "Gaga ba you? Kita mo namang may Justin na din yang si Lash eh"

Para kong nabunutan ng tinik ng makapasok na kami sa cafeteria,I can't deal with Ava and Rene's voice

"Ayan na sila Lash" anunsyo ni Aisha habang kinakalampag pa ang lamesa

Ang ingay!

"Wala pa kami, Imagination niyo lang to" sagot ni Ava sakanila

Nakita kong nandon din si Divina, Marya, Daniela at Ely kaya tumaas ang kilay ko "What are you doing in here kailan pa naging cafeteria ng mga senior high to?"

Binato naman ako ni Divina ng plastic na spoon "Hiyang hiya kami ah, Kapag sila Justin ang kumakain dito wala kayong reklamo tapos kaming dadalaw lang eh parang may nilabag na malaking kaso"

Captured By His SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon