CHAPTER 14

100 11 1
                                    

*kinabukasan

Sobrang sarap ng tulog ko ng may maramdaman akong humihila hila ng paa ko, tumatapik ng pisngi ko, dinadaganan pa nga ko eh

"Hoy Lash gising na" si Ava pala

Hindi ko ito pinansin at sinubsob nalang ang mukha sa unan

I felt Ava's hand pulling my hair "Lash naman gumising ka na, Napaka tulog mantika naman eh"

"I'm still sleepy, You're disturbing me" reklamo ko dito

Naramdaman kong umalis ito sa kama ko, Aalis din pala eh

"Disturbing pala ah? Well Ms. Lea Nash Dela Cruz pinapagising ka lang naman po ng iyong mga magulang na kasalukuyang nasa hapag hindi makakain dahil hinihintay ang kanilang anak na tulog mantika"

"What the fuck" napabangon ako ng kama dahil sa narinig

"What the fuck talaga" she smirk "Gumayak ka na, M-May kasama ng pala sila"

"Sino?" yun ba yung bisitang sinasabi ni Daddy?

"Basta, Mag ayos ka na at pakidalian kanina pa sila naghihintay sa baba baka nga nanigas na mga yon sa gutom galing pa naman sa byahe" sabi ni Ava tsaka lumabas ng kwarto

Wala na kong sinayang na oras at agad nag shower, hindi na ko nagtagal dahil baka si mommy na mismo ang pumunta dito pag nagtagal ako

Nagbihis na agad ako at lumabas, paglabas ko ng kwarto ay bumungad saakin si Ava na nagwawalis nanaman

"Ganda naman" sabi nito habang patuloy sa pagwawalis

"Thank you----"

"Yung dress ang ganda" she cutted me off

"Di pa din ako tapos. Thank you daw sabi nung dress" umirap ako tsaka bumaba

I'm wearing a sky blue off shoulder dress, Hindi narin ako nag abalang mag ayos ng sobra, Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at naglagay ng liptint, tapos na.

Gaya ng lagi kong sinasabi, Hindi ko na kailangang magpaganda dahil maganda na ko

That's the spirit!

Pagdating ko sa Dining Room ay inabutan ko sila mommy at daddy na seryosong nag uusap, Napahinto ako sa bukana ng dining room dahil may namumuong tensyon sakanila

"Hindi naman natin to kailangan gawin" bakas ang iritasyon sa boses ni daddy

"Oh come on, We all know that they're powerful and we need it, We need their power and connections" sagot ni mommy dito

Nang matahimik sila ay agad akong nagtungo at umupo sa hapag, nagpanggap na kakarating ko lang at walang narinig

Wala naman akong naintindihan sa narinig ko, Siguro business stuffs lang yon kaya hindi ko maiintindihan

"What's take you so long hija?" tanong ni mommy

Napakamot ako ng ulo ko "Sorry mommy nalate ako gumising eh"

"Btw, how's the flight? And also the traffic here in the phillipines?" I chuckle

"The flight? Smooth. The traffic? hell" natatawang sagot ni Daddy

Hindi na sana ako sasagot kaso may bigla akong naalala "Mommy? Daddy? I thought may kasama kayo umuwi kaya pinalinis niyo yung guestroom?"

"Meron nga" napalingon ako sa lalaking galing sa CR ng dining room "Good morning My Lash"

Captured By His SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon