CHAPTER 13

94 7 2
                                    

"Oh ano na Lash? may pa meeting ka pa sabadong sabado anak ni mang kepweng" banas na banas na sabi ni Rene

Umirap naman ako dito "Hindi ko naman kayo pinilit na pumunta"

"Edi nagalit ka kapag di kami sumipot? Mygawdd Lash may date pa kami ni Ryan eh" sagot nito

Tumigil sa paghigop ng milktea si Ava at lumingon kay Rene "Tapos na ba sila mag shooting sa Showtime?"

Kumunot ang noo ni Rene "Abno ka ba? Ibang Ryan kase! Tsaka wala ng Showtime remember? I mean yung shooting chu chu"

"Tapos na ba silang mag shoot ni Kath Melendez?" tanong din ni Divina habang kumakain ng Shanghai

Shanghai nanaman!

Nagtataka akong tumingin dito "Hoy Divina wala namang Shanghai dito sa Lamon tea ah pano ka nagkaron niyan?"

"Ahh galing kasi kami nila mama sa birthday-an kanina tapos nag take out ako ang sarap nga eh"

What the heck?

"Lash ano na? Wala ka pang balak sabihin samin yung plano?" singit ni Oly

"For sure wala pa yang planong gaga na yan" ngumisi naman ako kay Ely, Pano kaya niya nalaman?

"Ohh shit ka Lash alam ko na yung ganyang ngisi mo, Wala ka pa ngang plano?" hindi makapaniwalang tanong ni Shayne

"Alam niyo namang wala nagtatanong pa kayo sus" sabat ni Marya habang nakikipag agawan ng fries kay Aisha

"Penge ako napakadamot mo" - Marya

"Naku ayoko nga! Kulang pa nga sakin to eh" - Aisha

"Ate mo ko kaya kailangan mo kong bigyan! Wala kang respeto sa mas nakakaganda sayo" - Marya

"Napaka ingay niyo, tumigil nga kayong dalawa para kayong mga bata" suway ni Ann sa mga 'to

"Etong si Aisha bata pa" sagot ni Marya

"Excuse me? Hindi na ko bata" mataray na sabi ni Aisha

"Anong hindi ka na bata? Eh pikit pa nga utong mo" dumila dila pa si Marya dito

Mygwadd childish talaga tong si Marya kahit kailan

Inagaw ni Dina kay Aisha yung fries at inubos ito "Sige na Lash magplano na" ang sama tuloy ng tingin sakanya ni Aisha at Marya

"Ano na bang naisip mo?" tanong ni Daniela "Kung may isip ka" dagdag nito

Napairap ako "Diba wala namang pasok sa thursday buong kingdom high? Para sa preparation sa opening ng intrams ng friday?" tumango tango sila "Balak ko is, Sa Tea Scape ko siya isusurprise"

"Wow rich kid talaga ate mo ghorl aarkilahin Tea Scape para isurprise bebe kahit walang label" natatawang sabi ni Jasmine

"Pano kaya kung sagutin mo si Justin sa birthday niya?" sabi ni Justine "I mean Justin without E" ang weird talaga kasi kapag binabanggit niya yung name ni Justin kasi Justine din siya with e nga lang

Pumalakpak si Liezel "Hala oo nga no? The best gift yon!"

"Baka naman hindi pa ready si Lash" sagot ni Pray sa mga 'to

Umiling ako "No, actually 'yun din ang balak kong gawin. Ibibigay ko sakanya yung best gift ever"

"Sure ka na ba dyan?" tanong saakin ni Rizea

Captured By His SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon