CHAPTER 21

137 11 0
                                    


JUSTIN'S POV

Wala kong kaalam alam kung sino ba ang may birthday pero sumama nalang ako kila Sejun ng ayain ako ng mga ito, libre kasi ang pagkain don tapos masasarap pa.

Nagulat ako ng lumapit sa pwesto namin si Lash---Ang babaeng matagal ko ng pinapangarap.

Grade 8 palang siya non nung una ko siyang makita, Nasa tea scape kami non kase nanglibre si Sejun tapos nakita ko siya kasama yung mga kaibigan niyang puro babae. Tinawag siya ng mga ito na Lash, Napakaganda ng pangalan niya, Hindi na to nawala saaking isip.

Nagtanong tanong ako kung sino ba yung Lash na nag aaral sa kingdom high, nakita ko kase sa uniform nila. Naalala ko pa pinagtatawanan ako nila Stell kase wala naman daw akong pag asa doon, pero syempre di ako huminto. Minahal ko siya mula sa malayo.

"Can I court you?" tanong niya saakin

Parang tumigil sa pag ikot ang mundo ko ng sabihin niya 'yon. Kahit sinabi niyang dare lang 'yon ay tumatak yon sa utak ko.

Naging malapit na ako kay Lash, Akala ko noon ay hanggang tingin nalang ako sakanya mula sa malayo pero hindi ako makapaniwalang napaka lapit ko na sakanya.

Sumasabay kami nila Sejun sakanila tuwing break time. Ilang beses na kaming nalate dahil magkaiba ang building namin pero patuloy parin akong sumabay sakanila syempre sinasamahan parin ako ng aking mga kaibigan

Nung nililigawan ko na si Lash ay lalo siyang tumatak sa utak ko, sakanya na ata umiikot ang mundo ko. Walang oras na hindi siya sumasagi sa isipan ko. Lagi nga kong atat mag breaktime dahil gustong gusto ko siyang nakikita at nahahawakan ng kamay ko

Mas dumoble rin ang pagtitipid ko, madalas nga ay hindi na ako kumakain. Ang dapat na pangkain ko ay ipinangbibili ko nalang ng Carbonara at cheese burger ni Lash. Yun lang kasi ang kaya kong ibigay sakanya, Hindi ko naman afford bumili ng mga bulaklak at mga tsokolate pero alam ko naman na masaya na si Lash sa Carbonara at Cheese burger, paborito niya yun eh.

Habang tumatagal ay mas napapamahal ako kay Lash. Hindi lang siya maganda dahil maganda din ang kalooban niya. Simpleng babae lang siya na walang kaarte arte. Mahal na mahal niya rin ang mga kaibigan niya

"Sana ay makita ko na siya ng personal, nako Bujing sabi mo ay maganda siya" tuwang tuwa na sabi ni mama habang kumakain kami

Kinukwento ko kasi sakanila ni Kuya Yani ang tungol kay Lash

"Sobra ma, Sobrang ganda niya. Alam mo ba ma? Pareho pala kayong mahilig sa lecheplan" sagot ko

"Talaga? Dapat pala ay ipatikim ko sakanya ang gawa ko". At gaya nga ng sabi ni mama, pinabigyan niya saakin ng Lecheplan si Lash at hindi ko naman akalain na may sulat palang inilagay si mama, Nakakahiya!

Habang pinapanood namin ang cheerdance performance nila Lash ay wala akong ginawa kundi ngumiti at pumalakpak, Ang galing galing niya!

"Jah uwi na tayo" aya saakin ni Sejun

Nagpaalam si Lash na magrerestroom lang daw siya pero hanggang ngayon ay hindi parin ito bumabalik, nagsiuwian narin ang mga kaibigan niya

"Sige Sej mauna na kayo umuwi, Hihintayin ko lang si Lash dito"

"Maybe she's already home" sabi ni Josh habang hinahatak ako

Tuluyan na nila kong nahatak kaya tinadtad ko nalang ng chat si Lash, Kung talagang ayos lang siya eh mababasa naman niya ito. At yun nga nung magdilim na ay nag reply ito na sumakit daw ang tiyan niya kaya umuwi sila agad ni Ava

Nung mga sumunod na araw ay normal lang, tumatawa si Lash, nakikisabay sa biruan, ngumingiti pero alam kong may mali. Pero hindi na ako nag abalang mag tanong sakanya dahil alam ko naman na darating ang panahon na magsasabi din siya, kapag handa na siya.

Captured By His SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon