CHAPTER 20

114 9 0
                                    

《GET READY, MAHABA HABA TO HAHAHAHA 3K WORDS ULET, DAMING GANAP EH. GOSH PAPIKIT NA MATA KO 3 AM NA》

------------------------


Nang makabalik si Justin ay bakas sa mukha nito ang pagtataka at pag aalala "Hey what happened? Namumutla ka Lash"

Piniga ko ang kamay ko para matauhan tsaka umiling dito at ngumiti "No, No I'm fine"

"Sure?" nag aalala parin na tanong niya

"Oo naman, sige na kumain ka na"

Sino naman kaya yon? Hindi kaya si---? No, hindi siya yon binlock ko yung number niya diba?. Tsaka baka nangtitrip lang yung nag text na yon, but its not a good joke for pete's sake!
and how can he/she get my number? Hindi naman ako basta basta namimigay ng number ko, iilan lang ang nakakaalam halos puro kaibigan ko nga lang eh

"Bigay naman kayo ng message sa birthday boy" tuwang tuwa na sabi ni Denise na nagfifilm na pala ulit

"Super dami kaya natin duh" sagot sakanya ni Alex

"Eh di kada group is may representative?" singit ni Ann

"Mauna na kayong mga lalaki, Kayo yung main friends dito eh" sabi ni Ava

"Stell ikaw nalang" pagtuturo ni Josh

"Luh kapag napaos ako wala na kayong heavenly voice" sagot nito

"Grabe ang oa" sabi naman ni Ken

Tumayo si Sejun at pumuntang harap, mukha kasing wala namang balak magsalita yung tatlo

"Go Kuya" pagchicheer ni Alex at Denise

"Ayusin mo Sej ah" natatawang sabi ni Justin

Tumawa muna si Sejun bago nagsalita

"Di ko alam kung pano sisimulan eh, Siguro kung pano nalang kami nagkakilalang lima" ngumiti ito na parang inaalala ang nakaraan "Naging magkaibigan muna kami ni Josh dahil magkaibigan ang mga magulang namin, tapos nagdesisyon kami pareho na lumipat sa Northville University nung highshool at doon na nga namin nakilala si Ken, Stell at Justin, Naging magkakaklase kami hanggang sa naging isang tropa. Nagkasundo sundo kami lalo dahil sa music kaya nakahiligan namin mag jamming, Actually next month is may grand audition yung ShowBT kaya practice kami ng practice, Pangarap kasi namin yon. Shet sabi nga pala message kay Bujing bakit ba ko nagkukwento ng history namen" nagtawanan kami dito "Si Justin yung tipo ng kaibigan na mahilig mag joke, Kahit naman minsan corny natatawa padin kami sakanya, Ganon yung way niya para pagaanin yung loob namin kasi syempre lahat naman tayo nagkaka problema. Si Justin din yung tao na napaka simple, hindi yan maluho"

"Wala naman kasi akong pera" natatawang putol ni Justin dito

"Buang ka talaga!" natawa din si Sejun sa kaibigan "Si Justin yung bunso namin kaya ingat na ingat namin yan, Naalala ko nung highschool may nangbully dyan kasi pag ngumiti daw eh labas gilagid kaya ayon sinugod ni Ken eh may resbak pala yung nangbully sakanya kaya tumulong na din kami" tumawa ulit ito "Ayoko ng mga away away, Motto ko nga eh Always choose to be kind, Pero sa oras na kantingin mo isa sa importante sa buhay ko hindi ako magdadalawang isip na makipagpatayan sa kahit na kanino. Lalo si Justin? kase stress reliever namin yan" Sejun's voice broke "Dati nung birthday ni Ken sumugod yang si Justin sa ulan para lang mabilan si Ken ng Pansit at Spaghetti sa karinderya, Kasi Pancit Canton lang handa ni Ken non" Nilingon ko si Ken na nag angat ng tingin pinipigilang lumuha "Yung pinangbili nga ni Justin na 'yon eh baon niya pang isang linggo, Kaya ayon hindi siya kumakain sa school tapos kapag tinanong namin kung bakit ang sinasagot niya eh naiwan daw niya yung baon niya"

Captured By His SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon