CHAPTER 19

97 10 0
                                    


[ HAPPY BIRTHDAY JUSTIN🎉 ]


"Nasan na daw ba sila Sejun?" natatarantang tanong ni Ava "baka mamaya eh biglang dumating ang mga 'yon tapos hindi pa tayo nakahanda mygawdd ang sakit sa bangs ah"

"Huwag na nga kayong magjojowa, Pati mga kaibigan niyo naiistress jusko" dagdag ni Divina, Naiistress daw ampotarages eh nakaupo lang naman siya namamapak ng Shanghai

Binato naman siya ni Marya ng snowball "Grabe ka naman pala mastress Divina, hinay hinay ah baka hindi pa nagsisimula yung party eh simot nayang shanghai"

"Nasan na nga ba sila? Ichat niyo nga isa kila Stell jusko" sabi ni Oly habang dinidikit ang mga letter balloon sa empty na pader

"Nag reply na sakin si Josh" sagot ni Aisha habang nagpapalobo ng mga pahabang balloons

"Oh ano daw sabi?" tanong naman ni Ely dito

Bumuntong hininga si Aisha "Hindi niya daw ako magugustuhan pabalik kase nakababatang kapatid daw tingin niya sa'kin aray ko veh nasister zone ako! Tapos sabi ko naman bakit kako sa wattpad kahit bente pa agwat nagkakatuluyan tapos ang sagot ba naman sakin eh edi sa wattpad world daw ako tumira, Kung pwede nga lang sa wattpad world tumira eh! Sabi pa pala niya Computer games over girls daw nakakaini-----"

"Putangina naman Aisha ang dami dami mong sinasabi! Wala naman kaming pake dyan, Ang tinatanong ni Oly kung nasaan na daw sila Justin? Etong bata na to" putol sakanya ni Liezel

Nag pout si Aisha "Hmp nasa pandi na daw" ang dami dami pang sinabi yun lang naman ang gusto naming malaman

"Dalian na natin, mga 20 minutes lang nandito na yung mga yon" sabi ni Ely "Divina nauna pang lumobo yung tiyan mo kesa sa mga balloons, mamaya ka na kumain tumulong ka muna don puro ka Shanghai"

Nabitin sa ere ang Shanghai na isusubo sana ni Divina "A-Aba foul yun ah! Palibhasa buto buto ka eh! Pwede ka ng gawing bulalo" hindi na siya pinansin ni Ely dahil busy ito sa pagkalat ng mga maliliit na lobo sa paligid

Nagtungo ako sa round table kung saan nandon ang tatlong cake, Yung cake na galing sa SPT na malaking pa box, sa red ribbon nga bumili ang mga ulaga, chocolate flavor ito. Natawa naman ako ng mabasa ang nakalagay dito

Happy Birthday Pareng Jah
Makikikain : SPT
Ps. Tig 50 kami dito = )

Kailangan pa ba nilang ilagay kung magkano ambagan nila? Malalakas talaga sapak ng mga kaibigan kong 'to eh pero maaasahan naman ang mga yan. Tulad ngayon na tinutulungan nila ko sa pag surprise kay Justin at suportado din nila ang relasyon namin, kahit hindi pa nila alam na sinagot ko na si Justin

Yung isang cake naman ay galing sakin, Dalawang layer yon, Sa unang layer ay may nakakalat na mga candies na hugis iba't ibang notes tapos sa tuktok naman nung second layer is may mais na may hawak na mic animo'y kumakanta. Kungwari siya si Justin, Singing Corn

Yung isa naman is galing kila Sejun, ang cute lang nung sakanila dahil hindi ito kalakihan pero may nakaupong parang chibi style na kamukha ni Justin, may nakalay pa dito na

Our Bunso's Day
Hyungs' loves you so much♡

Mahal na mahal talaga nila ang bunso sa tropa nila, Alagang ala nila ito na parang talagang nakababatang kapatid. Ang swerte nila sa isa't isa. Ang ganda rin nung mindset nila na sabay sabay silang nangangarap, I can't wait na sabay sabay din nila itong matupad.

Nagulat ako ng lumapit saakin si Rene at inabutan ako ng Party hat, magpapasalamat sana ko sakanya ng bigla nalang itong umalis. Hindi pa kami nagkakausap, siguro ay pagkatapos nalang nito. Wala naman akong sama ng loob sakanya, naiintindihan ko din kung saan nanggagaling yung galit niya sa'kin. Gusto ko na nga siyang kausapin eh hindi kasi ako sanay na may isa sa'min na hindi okay sa presensya ko.

Captured By His SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon