CHAPTER 6

97 11 1
                                    


Nang sinabi ko kay Ava na nililigawan na ako ni Justin ay hindi ito naniniwala, Ang akala niya ay nag iilusyon lang ako

Duh, nasa tamang pag iisip pa naman ako

"Lash seryoso ba?" hindi parin makapaniwalang tanong nito

Nandito kami ngayon sa Dunkin, kakatapos lang namin mag simba

"Ano pa bang gusto mo avangungot? Sige itanong mo kay Justin kung ayaw mo maniwala" inirapan ko lamang siya tsaka humigop sa kape ko

"Grabe talaga Lash I'm shookt like Shookts to Go" sabi nito habang kumakagat sa donut niya

"Nung una ikaw yung sabi ng sabi na gusto niya ko tapos ngayon namang nililigawan na ko ikaw naman yung ayaw maniwala?! Alam mo sumasakit ulo ko sayo. Eat your donut nalang okay? Don't open your big mouth"

Inirapan niya lang ako tsaka nagpatuloy sa pagkain


"Malapit na pala intrams no?" biglang sabi niya

Oo nga pala two months nalang intrams na

In Kingdom High, One week yung intrams. Hati hati yung schedules ng mga activities

"Sukatan na ba ng jersey?" tanong ko

"Bukas daw" sagot niya "Anong ipapalagay mo na apelyido?"

Tinaasan ko siya ng kilay "Of course Dela Cruz"

Binigyan naman ako nito ng mapang asar na ngiti "Akala ko kase De Dios eh"

Kinuha ko ang tissue sa table at pinagbabato sakanya

Para namang masasaktan siya don self

"Pano kaya bukas no?" natatawa niyang sabi

"What do you mean?"

Binaba niya ang donut niya tsaka tumitig saakin "Hindi mo ba naisip? First time niyo magkita bukas, yung nililigawan ka na niya. Syempre may magbabago sainyo, sweet sweet na kayo"

Kung pwede ko lang ibuhos sakanya yung kape ginawa ko na

Pero Ava's right, for sure it'll be awkward for the both of us

I can't imagine being sweet with him

"Uyy napaisip ang hindot" tawang tawa na sabi ni Ava "Don't worry be happy, Chill ka lang hindi ka naman hahalikan non basta"

"Gross! Wala naman sa isip ko yon" sagot ko sakanya

"Sana all may isip"

Ano kayang pwede kong ipalagay na number?

"07 nalang ipapalagay ko na number" sabi ko sakanya

"Hala akin yun eh" she pouted at me

nakakataCUTE

"Akin nalang please?" nagpuppy eyes pa ko sakanya tapos yung mukha naman niya parang diring diri sa nakikita niya HAHAHA

"Sabihin mo Salamat Shoppee"

"GAGO" sagot ko sakanya

Gosh kakasimba ko lang pero pinagmumura na niya ko!

"Sige na nga sayo na basta ba ikikiss mo pwet ko? Yung matunog sana"

She really knows how to pissed me off

"Oo nga pala anong call sign niyo ni Justin?" pang iintriga niya

"Call sign? Wala naman" wala naman talaga kaming call sign eh

Captured By His SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon