CHAPTER 7

85 10 1
                                    


6 pm ng gabi tinawag ako ni Daddy dahil kakain na daw kami

Agad akong bumaba at nagpuntang dining room, Ngayon ko nalang ulit makakasama kumain sila mommy

Umupo na ako. Sa harap ko ay si mommy at daddy

Naghahain si Yayi Marsi at iba pang maids

"Yayi Marsi di po kayo sasabay? Pati si Ava?" tanong ko dito

"Lash!" saway sakin ni mommy

Why? nasanay akong sila Yayi Marsi ang kasama sa hapag hindi naman siguro masama if they'll eat with us diba?

"Nako Lash salamat pero marami pa kaming kailangang gawin, mamaya na kami" nakangiting sabi sakin ni Yayi Marsi

Nahihiya ko siyang nginitian at tinangian


Nagsimula na kaming kumain.Konti lang ang kinuha ko dahil wala naman akong gana

"Kelan po kayo aalis ulit?" tanong ko

"Kakadating lang namin ay pinapaalis mo na kami" sagot ni mommy tsaka tumawa, yung tawa na di masaya sa kanyang narinig

I bit my lower lip "H-Hindi naman po sa ganon mommy" nasanay lang ako na uuwi lang sila dito sa bahay pinaka matagal na ang tatlong araw

"Aalis din kami bukas ng hapon" sagot ni daddy

See? hindi naman sila nagtatagal dito

Tumango ako sakanila at ibinaling nalang ang atensyon sa pagkain

"We're going to Japan to meet someone, Anong gusto mong pasalubong Lash?" nakangiting tanong saakin ni Daddy

Gusto ko ng oras niyo "Wala naman po daddy" hindi ko naman pwedeng isagot ang nasa isip ko

"Are you okay Lash? Bakit ang tamlay tamlay mo?" nag aalalang tanong ni mommy

Umiling ako dito "No mommy, I'm fine po"

Nang maubos ko ang pagkain ko ay nagpaalam na akong aakyat na saaking kwarto


Nang malapit na ako sa kwarto ko ay nakasalubong ko si Ava na kasalukuyang may dalang mga damit, mga marurumi siguro

"Oh Lash bilis mo naman ata kumain ngayon?" tanong nito

"Wala kong gana eh" sagot ko sakanya

"Naku naninibago ka lang dahil hindi mo ko kasabay" tumawa ito "Dapat ay sinulit mo na yung chance nato, Alam mo naman na aalis din agad parents mo"

"Wala talaga kong gana eh, Ewan ko ba"

Tinapik nito ang balikat ko "Oh sige na pasok ka na sa kwarto mo, Pupuntahan kita mamaya dadalan kita ng gatas para makatulog ka"

"Thank you Ava" niyakap ko muna siya bago pumasok ng kwarto ko

Kinuha ko sa side table ang phone ko at tinignan kung may chat ba si Justin at di naman ako nabigo dahil chinat nga ako nito

Justin De Dios
Oy Lash, Ikaw na ba ang pack sa twinpack? packiss nga

Buang talaga!

Justin De Dios
Lash nakain ka na?

Justin De Dios
Kain ka na Lash, masamang magpagutom = )

Captured By His SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon