CHAPTER 17

93 9 0
                                    


Mag aalas singko na ng magpasundo ako kay Mang Roger, Napapansin kong gusto nitong magtanong pero mas pinili nalang tumahimik

Nakita niya kasi kami ni Justin, Ayaw kasi nito pumayag na mauna ng umuwi. Hindi daw siya aalis hanggat wala pa ang susundo saakin

"Ma'am?" tawag nito

"Why po?"

Akala ko ay tungkol kay Justin ang sasabihin nito ngunit nagkamali ako

Nagsalita ito habang tutok na tutok sa daan "Nakita ko po ang kotse kanina ni Sir Howell sa school niyo, nakatitig po ito sainyo ng lalaking kasama niyo"

Naramdaman ko ang kaba saaking dibdib "B-Baka hindi siya yon, Wala na sila nila mommy Mang Roger" kaninang umaga lang sila umalis

Napatango tango ito "Siguro nga ma'am. Marami namang ganong sasakyan tsaka baka namalikmata lang ako"

"Siguro nga Mang Roger" iniisip ko nalang na hindi siya yon




----------

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko

Naabutan ko si Ava na inaayos ang mga pinamili niya, para sa birthday ni Justin dito

Agad itong ngumiti ng makita ako "Wala ng demonyo"

Sana nga Ava "Oo nga eh" tipid akong ngumiti dito

"Oo nga pala may sobrang 1k sa padala mo" may kinakapa ito sa kanyang bulsa

"Wag na Ava" pigil ko dito "Sayo na yan, bayad sa abala"

Umiling ito at nilagay ang isang libo sa lamesa ko "Hindi ko yan matatanggap Lash, Ginagawa ko 'to dahil kaibigan kita pati narin si Justin"

Ngumisi ako "Wow change is coming huh?" noon kasi eh kahit hindi ko sabihin ay sinusubi niya ang suklin ko. Well, wala namang kaso sa'kin yon.

Humiga ako sa kama at ganoon din ang ginawa niya

"Okay ka na ba?" biglang tanong niya "Hindi mo kailangan magpanggap na masaya ka kapag ako ang kasama mo Lash. Wag kang matakot na ipakita sa'kin yung totoong nararamdaman mo"

Ngumiti ako ngunit sunod sunod na bumagsak ang luha ko "Nakakapagod Ava, pagod na pagod na ko, Pero hindi ako susuko, sadyang pagod na pagod lang ako. Iba yung sakit kapag pamilya mo mismo yung tumalikod sayo eh, Oo kahit papaano nakakalimutan ko yung mga problema ko pag nasa school ako pero kapag uwi ko naman, Nasa gate palang ako sila mommy na yung naaalala ko" huminto ako saglit dahil parang may bumara sa lalamunan ko sa paghagulgol "Masakit na ipapakasal ako sa taong di ko mahal, Pero mas masakit yung pinaparamdam sa'kin nila mommy eh, parang hindi nila ko anak, mas mahalaga ang pera sakanila kesa sa'kin"

"L-Lash"

Ngumiti ako sakanya "Sorry Ava ah? Baka nag sasawa ka na sa mga rants ko. Wala eh, ikaw lang malalapitan ko eh" tumawa pa ako ng bahagya

Umiling ito tsaka umupo "Never ako magsasawa sa mga rants mo Lash, diba sabi ko naman sayo lagi akong nandito para masandalan mo"

Tinuyo ko ang mga luha sa'king pisngi "Am I a failure like what my mom said? A-Am I that worthless? T-Tell me the truth Ava, Please tell me the truth"

"No No, Please don't say that Lash. You are worth enough" her voice broke

"A-Ava I'm trying my best naman eh, I'm trying my best to make them proud, P-Pilit kong iniintindi yung mga lessons p-para para maging mataas yung grades ko para pag uwi nila ni daddy masaya sila pag pinaka ko yung mga exams ko at card. N-Nag aral din ako mag luto Ava para k-kapag umuwi sila maipagluluto ko sila para mawala yung pagod nila sa work" napayuko ako "Kahit tampong tampo na ko kase wala silang time sa'kin lahat yon kinimkim ko Ava dahil alam kong ginagawa nila yon para sa'kin. G-Gusto ko mag model pero ayaw ni mommy kaya tinalikuran ko yung p-pangarap ko. Ava ginagawa ko naman lahat eh, pero bakit ganon?"

Captured By His SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon