AVA's POVGod knows how much I love Lash not just as a friend but as a sister
We grew up each other, Sa iisang tahanan kami lumaki at sa iisang big, bisig ni mama o Yayi Marsi kung tawagin niya.
Ni minsan ay hindi pinaramdam ni Lash na amo ko siya, na anak ako ng katulong nila. Lagi niya kong binibigyan ng damit o kung ano ano pa na meron siya, Lagi niya kong sinasama sa mga pinupuntahan niya dahil sabi niya gusto niya daw na maranasan ko lahat ng nararanasan niya. Ganon si Lash, hindi siya yung tipo ng tao na makasarili at mapagmataas. Kahit sa iba naming mga kaibigan, kapag wala kami ay nadyan si Lash para pahiramin kami, Minsan nga nakakalimutan na naming magbayad sakanya pero wala yon sakanya, Naalala ko pa lagi niyang sinasabi samin eh 'What friends are for?'
Lagi naming pinaparamdam kay Lash na may pamilya siya, kaming SPT. Dahil kahit hindi niya sabihin, Alam kong nangungulila siya sa pamilya niya
Nakakatawa lang isipin na buhay pa ang parehong magulang niya pero wala namang makapag bigay ng atensyon sakanya. Hindi nga sila nagkukulang sa pagbibigay ng materyal na bagay sakanya, Kulang na kulang naman sila sa pagpaparamdam kung gano nila kamahal yung anak nila.
Lagi kong dinadalan yang si Lash ng gatas bago matulog, Nahihirapan kasi siya matulog. Minsan nga lingid sa kaalam niya eh binabantayan ko siya habang natutulog. Lagi kasi siyang nagsasalita habang tulog, Nung una ay tawang tawa ako sakanya pero nung narinig ko yung mga sinasabi niya naawa ako bigla sakanya, Lagi niyang tinatawag yung mommy at daddy niya tapos parang nagkukwento ng mga nangyari sa buong maghapon niya, Minsan nga eh bigla nalang tutulo yung luha niya
Hindi ko rin maintindihan ang mommy niya, Nung minsan ay kinausap ako nito at sinabing wag akong maging malapit sa anak niya. Nababaliw na ba siya? Edi kapag lumayo ako sa anak niya tuluyan ng napag isa si Lash?
Napalingon ako kay kay Lash, tumatawa ito habang sinusubuan si Justin ng carbonara, Nasa cafeteria kasi kami ngayon. Kung titignan mo si Lash ay para itong walang dinadalang mabigat na problema
Napangiti ako habang tinititigan sila, You can see in their eyes how much they love each other
Kaya hindi ko masisisi si Lash kung bakit nadurog siya nung malamang halos ibinenta siya ng kanyang mga magulang dun sa Howell na yon. Nung una palang na dumating yung lalaki na yon sa bahay eh masama na yung kutob ko, Nahuli ko nga ito na may kinakausap eh kahit wala naman siyang kasamang ibang tao, damn he's so creepy
Hindi ako sang ayon na itago namin ito saaming mga kaibigan lalo kay Justin, pero wala akong magagawa dahil ito ang gusto ni Lash.
hanggang kailan niya ba to itatago? dahil ako? kating kati na ko mag kwento dahil nag aalala din naman ako kay Lash. Lagi ko nga itong binabantyan eh, hindi ako mapakali kapag wala ako sa tabi niya, Kahit pa halos mamatay na ko sa sama ng titig ng mommy niya? dzuh I don't care, Attitude ako veh angal ka?
"Hoy Ava bakit ba tulala ka dyan? Nag pafly fly din utak mo ah, Ano ka Lash 2.0?" natatawang sabi ni Oly na nagpabalik saakin sa reyalidad
Inirapan ko ito "Inggit you? Gaya you!"
Napansin kong nakatitig saakin si Lash "what's the problem?" she mouthed at me
Nginitian ko ito na parang sinasabi na huwag siyang mag alala. Yan, Ganyan si Lash! Siya din yung tipo ng tao na laging nag aalala sa mga tao sa paligid niya kahit siya yung durog na durog
----------
Pagkauwi namin sa bahay ay nagmamadali akong nagpalit ng damit at agad nagtungo sa kwarto ni Lash