CHAPTER 16

121 11 0
                                    


[ A/N : back to Lash's point of view na po tayo ah? ket walang tayo mwehe ]


Nandito ulit kami sa Gym ng Kingdom High, Gaya nung friday, maghapon lang kaming puro practice. Bukas na kasi yung performance namin

Batid kong nagtataka na din yung mga kaklase ko dahil hindi ako strikto ngayon at para kong wala sa mood

wala naman talaga

Sino ba namang gaganahan gumising araw araw kung patong patong na problema yung kakaharapin mo nanaman diba? Pero syempre pilit padin akong bumabangon, For all those people who believes in me specially SPT, Sejun's circle of friends, Yayi Marsi and Ava, and ofcourse Justin

Kada imumulat ko yung mata ko laging ngiti ni Ava yung bumungad saakin, She even put bible verses sa kisame ng kwarto ko, Para daw pagmulat palang ng mga mata ko salita na ng Diyos ang tatatak sa utak ko

Swerte padin ako at mayroon akong mga kaibigan saaking tabi, hindi nila ko iniiwan kahit anong mangyari, Even wala silang kaalam alam sa pinagdadaanan ko napapagaan naman nila yung loob ko sa simpleng pagpapangiti saakin tuwing magkakasama kami

Natutuwa din akong lagi nanaming nakakasama sila Sejun, Stell, Josh, Ken at Justin. Sila yung mas lalong nagpaingay saamin.Kanina ngang breaktime ay tumambay kami sa school's ground tapos nag jamming habang nag gigitara si Ken o kaya naman si Sejun salitan sila

Tuwing papasok ako sa school, Iniiwan ko yung mga problema ko sa bahay. Pinipilit kong maging masaya sa school dahil hindi ko yon magawa sa bahay

Ang hirap talaga kapag down na down ka tapos pamilya mo pa yung dahilan, tapos hindi mo naman makuhang ikwento sa mga kaibigan mo dahil may kanya kanya din silang pinagdadaanan kaya wala kang choice kung hindi ikaw nalang mismo mag cheer up sa sarili mo like "Self kaya mo yan, strong ka diba?"

Nagulat ako ng may biglang pumitik sa noo ko "Aray" reklamo ko

Tumawa naman ng malakas ang gumawa nito "Tulala ka kasi Lash, kanina pa kami naka position ayaw mo pa iplay yung music"

Inirapan ko ito "Oo na Kiyo, bumalik ka na sa pwesto mo"

Nang masiguradong ayos na ang lahat ay pinlay ko na ang music tsaka nagmamadaling pumwesto sa pwesto ko

----------




Naging malinis na lahat,hindi man ganon ka perpekto pero masasabi ko naman na mukhang pinaghandaan

3:00 pm ay nagsiuwian na ang mga kaklase ko habang ako ay nakaupo sa pahabang bench sa labas ng gym

"Kita nalang tayo sa bahay ah? 5 pm Lash umuwi ka na pahatid ka sa mga gwapo nating prenlalu" bilin ni Ava bago umalis

Sila kasi ang mamimili ng mga gagamitin namin sa pang surprise kay Justin sa isang araw, binigay ko nalang yung pera sakanila

May five minutes na kong naghihintay kay Justin kaya nainip na ako, Nilabas ko ang cellphone ko at nagmessage dito

Hey, wer r u?

Nag reply naman ito agad


JAHket
Tingin ka sa left side mo =))


Lumingon ako sa left side ko pero wala naman akong nakita dito

Nagvibrate ulit ang cellphone ko


JAHket
Sabi ko Left, Right yan eh!

Ayy hanggang ngayon talaga nalilito ako sa left at right -_-
Pag lingon ko sa Left side ko ay napangiti agad ako ng makitang ngiting ngiti na kumakaway si Justin saakin

Captured By His SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon