CHAPTER 10

90 11 0
                                    


He's gently caressing my hair like what he always do while I'm eating

I faced him "Di ka kakain?" tanong ko dito ng makitang siya lang ang hindi kumakain saamin

Umiling ito saakin "Don't worry I'm full"

Sumubo ako ng Carbonara tsaka nagsalita "You're not full"

"Hala I'm full promi----"

"You're not full because you're Justin" I cut him off

Narinig ko namang tumawa ang mga kaibigan niya at binato pa si Justin ng Styro

"Jah mas funny pala sayo bebe mo eh" natatawang sabi ni Stell

Justin pouted at them "Ang bad mo naman sakin Teytey"

Aww so adorable!

Nanglaki ang mata ni Stell at umiling iling kay Justin "H-Hala joke lang yon Justin" bumaling ito sa mga kaibigan nila "Oyy diba funny si Justin? lahat ng jokes niya havey diba?"

Nagtanguan naman ang mga ito

"Lalo na yung, Anong hayop ang takot sa tatay? Edi TayGRR" nakangiting sabi ni Sejun "Oh diba ang funny, Joke ni Justin yon"

They really love their bunso, Ni sa maliit na bagay ay ayaw nila itong masaktan

Umismid si Justin "Kumain nalang kayo dyan"

"Wala ba kayong klase? Baka malate kayo dapat kasi hindi niyo na kami hinintay dito" bulong ko kay Justin

Kumuha siya ng tissue and he wiped the sauce of carbonara in the side of my lips

"Wala kaming teachers na Senior High, may meeting daw. Mamayang 3 pm pa tapos" sagot niya

Umubo si Marya "Ehem PDA, Ehem LANDE, Ehem SANA ALL"

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain, gutom na gutom ako!

"Kamusta practice niyo?" tanong ni Justin habang nakatukod ang siko sa lamesa at titig na titig saakin

Naiilang tuloy ako, baka ang pangit ko habang kumakain

"Hmm okay lang naman, mabilis naman nilang nakuha" sagot ko

"Ehh kamusta naman si Ava at Rene?" natatawang tanong ni Ely

"Myghadd di ko maimagine ang dalawang to na sumayaw sa harap ng maraming tao" tawang tawang sabi ni Divina

Nang tignan ko si Ava at Rene ay bagsak ang mga balikat nito at mukhang mas bumababa ang self confidence

Sinamaan ko ng tingin sila Divina "Okay lang naman si Ava at Rene, They're doing good"

"Nood tayo practice nila, 3 pm pa naman ang balik natin diba?" singit ni Josh

Nanglaki ang mata nila Ava at umiiling na tumingin saakin

"E-Eh baka hindi kami makapag focus. Tsaka ano dapat surprise diba, Sa mismong performance nalang kayo manood" sagot ko dito

Maski naman ako eh ayokong manood sila, Hindi ako makakagalaw ng maayos knowing na nanonood yung taong gusto ko at mga kaibigan nito, Isama mo na rin yung mga kaibigan namin na tatawa lang ng tatawa for sure

"She's right" sagot din ni Ken

Ang tipid talaga niya mag salita eh no? Parang may bibitay sakanya kapag nagsalita siya ng mahaba



Captured By His SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon