PROLOGUE:

1.2K 20 0
                                    

Hi Guys, newbie keme writer here :) Actually, matagal na po itong story ko na ito kaso maraming events na po ang nangyari sa buhay ko kaya diko mailagay-lagay sa WP, ineedit ko na rin po para sumakto rin sa recent lang na nangyayari. Hope you may enjoy guys :)

This Story contains sexual scenes, some brutal scenes and vulgar words siyempre dahil pulis po ang ating leading lady kaya dapat may scenes regarding sa kanyang profession which is not suitable for minor readers, so please magkaroon po tayo ng pagtitimpi sa ating sarili mga besh lalo na po sa SPG scenes. So magwawarn na lang po ako every update if ever SPG ang ating next chapter. You may skip naman po pag di kaya talaga yung scene or para sa minor na gustong matunghayan ang story ni Joey.

God Bless us all and Sana may madiscover na vaccine para sa pandemic na ito, well habang wala pa let's escape the reality muna and enjoy reading our favorite stories. Sana po magustuhan ninyo :)

                    +++++++++++++++++++

PROLOGUE:

" Joey! Joey! Halika sumama ka samin ni Rina may laro ngayon mga Senior High students sa kabilang building!" Excited na pag-aya sa akin ng kaibigan kong si Kristina.

"Ayy ano tehh? Batang may laban na bet mo ngayon? Baka makasuhan tayo later ng R.A. 7610, child abuse tayo niyan?" talak ko naman kay Kristina habang nakangisi.

"Kaloka teh may Maltreatment na naganap? Ikaw nga tigil-tigilan mo ko wala tayo sa loob ng classroom kaya wag mo i-aapply sa kalandian natin yang mga batas na yan," sabay batok sakin ni Kristina.

Tinawanan ko na lang siya at binasa na lang ulit ang hawak kong Revised Penal Code.

Kasalukuyan kaming nag-aaral bilang scholar sa isang prestihiyosong unibersidad ng mga kaibigan kong si Kristina at Rina at kumukuha ng Kursong Criminology, graduating na rin kami ngayong taon kaya malamang gusto na lang maglibang ng dalawa kong kaibigan sa mga nalalabi naming buwan dito sa Unibersidad.

"Balita ko nga teh may transferee na fafable na naglalaro e' hindi nga daw mukhang senior high sa ubod ng gwapo tiyaka mukha pa daw foreigner," dagdag ni Rina na hindi mapakali sa kinatatayuan at halatang gusto ng manuod ng nasabing laro.

"Luh Siya, bat di mo naman sinabi teh! Tara na makapag-aantay pa naman quiz natin mamaya." May ningning sa mata na sinabi ko sabay lagay ng nirereview kong libro sa aking bag at sinabayan ng maglakad ang dalawa kong haliparot na kaibigan.

Habang binabaybay ang daan palapit sa building ng Senior high napansin din namin na kakaiba ang dami ng mga studyante. Halu- halo ang mga year at courses at karamihan ay mga babaeng studyante. May mga napansin din kaming mga bakla na grabe makatili at may mga dala pang banner.

"Goooo Fafa Gio!" Tili ng isang baklang may banner na mukhang leader ng federasyon.

"Gio, I love you na talagaa!" Sigaw naman ng isang babaeng nakilala kong scholar din na katulad namin.

Samantala, hindi ko matukoy kung sino ba yung Gio na chinecheer nila dahil paglingon ko sa basketball court ay.. ulalalam! madaming naggwagwapuhan na nakajersey, walang tapon shems!

"Ayy! grabe talaga teh ano? Diba si Divine yan kapwa natin scholar? Ang harot naman," sabay hagalpak ng tawa ni Rina na sinabayan na din namin ni Krisitina.

"Sinabi mo pa teh nakakahiya," pag-sang ayon ko naman sa ginawang pagsigaw ni Divine

"Ayan na po mga kaibigan at naagaw nga po ang bola ng Santillan U ni jersey number fourteen Gio Moretti, tumira ng tres at... yoowwwn! What a clean shot by Moretti" Napatayo sabay suntok sa hangin pang ginawa ng announcer.

'Hmmm, not bad.' komento ko sa aking isip.

Kalaban pala ng aming Unibersidad ang Santillan University na nangunguna nitong nakaraang taon sa larong basketball (men's division).

Nakanganga ang mga kaibigan kong sinundan ang binanggit ng announcer na player at mahabaging langit! Sobrang gwapong binata naman ng Gio na ito sa tantya ko ay nasa labing-pito o labing-walong taong gulang pa lang.

Napaka-perpekto ng kaniyang mukha kahit sa malayuan at ang kanyang tangkad ay Hindi pang ordinaryong Pilipino halatang may lahing banyaga.

Nagulantang na lang ako ng bigla akong hampas hampasin ng dalawa kong kaibigan, masaklap pa at pinaggitnaan pa nila ako kaya ang kawawa kong mga braso ang nakatanggap ng kanilang pamamalo.

"Gio baby ang galing mo magshooooot!" Sigaw ni Kristina habang inaalog ako.

"Beeeh Gio anakan mo ko kahit tatlong bingot lang!" Nakakahiyang tili ni Rina.

Napalingon naman sa amin karamihan ng mga audience at mga players pati na rin si Gio, nagtagpo ang aming mga mata at tila akala niya na ako ang sumigaw ng sinabi ni Rina. Ngumisi siya at nag flying kiss pa sa direksyon ko.

Tili ng tili ang mga bruha kong kaibigan samantalang pulang pula naman ang mukha ko.

Napatingin naman ako sa ibang nanunuod at halos lahat sila ay masama ang tingin sa amin lalo na yung mga baklang may hawak na banner sabay irap sa akin at itinuloy na lang ang pag cheer kay Gio.

"Umalis na nga tayo, nak' ng tokwa makukuyog pa tayo sa pinaggagawa niyo hindi na tayo makagraduate ng buhay." Pag-aya ko sa dalawa na tila ayaw pang umalis sa kinatatayuan nila.

"Ah, ayaw niyong umalis? Iwan ko kaya kayo dito para walang magtanggol sa inyo in case kayo makuyog ng mga fans niyang Gio na yan!" Bulyaw ko sa dalawa na nakaagaw ng atensyon nila.

Sa aming tatlo ako lang kasi ang may lakas ng loob pagdating sa pakikipagbasag ulo. Ikaw ba naman lumaki sa squatter's area sa Sampaloc Manila hindi ba titibay ang loob mo. Kaya itong dalawa kong kaibigan, si Joey Shane Dalugdug na ang savior first year college pa lang kami.

At oo alam ko, pangalang panlalaki yung pangalan ko. Anong magagawa natin mahal pa ang ultrasound nung kapanahunan nila Amang kaya bumase na lang sila sa pangingitim ng kili-kili at leeg ng Inang. At ayun nagpredict ang magaling kong ama na lalaki ako kaya pagdating sa bigayan ng form kung ano ang pangalan ng kanilang panganay sobrang kampante si Amang na ilagay ang Joey Shane sa aking birth certificate.

"Tara na nga!" Lulugo lugong sabi ni Kristina.

"Ang KJ mo talaga Joey!" Natatawang sabi ni Rina.

Nagtutulakang umalis ang magkakaibigan at napagdesisyunang magreview na lang sa paborito nilang tambayan para sa upcoming quiz nila.

Samantala, habang on-going ang laro sa Senior high basketball court hinahanap ng mga mata ni Gio ang babaeng nakatitigan kani-kanina lang. Maganda at pasok sa panlasa ng binata ng ganoong tipong babae. At inalisa sa isip kung anong kurso ang uniporme ng dalaga. Napangisi at nagbalik sa laro ang focus ng binata.

'Damn, I think I'll enjoy my stay here' natatawang sagot ng binata sa kanyang isip.
 

                     ++++++++++++++++++++

My Feisty TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon